Professional Documents
Culture Documents
Genie Script
Genie Script
receives a mysterious text message from a supposed ‘genie’. Together with his bestfriend,
Noelle, they are now faced with the dilemma of spending their three wishes wisely.
Characters:
Jillian Macalagay bilang Matthew
Nikka Miguel bilang Noelle
Desiree Acosta bilang Dra. Chavez
Lloyd Ballad bilang Kainuman #1 Christian Detera
Patrick Arce bilang Kainuman #2
Gab Talento bilang Suspected Genie
___________________________________________________________________________
Act 1: Introduction Voice Overs
Inital introduction ni Jillian at Nikka, Music BGM, and initial Introduction of scenes
*Voice over
Matthew: Minsan ba, hiniling mong humaba pa ang buhay mo? Talagang napaka baliktad ng
buhay no? Yung mga mahaba pa ang buhay, gustong mamatay. Samantalang yung mga
malapit nang mamatay, gusto pang mabuhay. Minsan, binabalewala lang natin yung mga
humihiling satin ng “More birthdays to come”. Kaso pano kung isang araw, bilang nalang sa
mga daliri natin, yung birthdays to come natin?
Matthew: Noelle! Noelle! Noelle!
*transition to bedroom *gigising sa panaginip
*Insert Title*
Act 2: Credits sa Director; Starring Jillian as …… Etc.
Location: Ivance House
MUSIC BGM: Zebbiana- by Skusta clee (prod. by Flip-D)
1. Paggising ni Jill
2. Pagmamadali sa CR
3. Pagbihis ni Jill
4. Pag-ayos ng gamit ni Jill
5. Paglabas ng bahay
6. Far-view shot si Nikka naghihintay sa labas ng bahay.
Noelle: Anu ba yan! Antagal mo male- late na tayo! *Hihilahin si Jill at tatakbo ang dalawa dahil
nagmamadali.
Scene 1
Location: School
*Voice over
*Matthew everyday task sa school
Matthew: Ako si Matthew. Mayroon akong Hemolytic Anemia. Ibig sabihin, sinisira ng sarili
kong katawan ang mga dugo ko. Kahit na bilang nalang ang mga araw ko, at kahit anong oras
pwede akong himatayin, kahit na may iniindang sakit, mamumuhay lang ako ng normal sa
mundong ‘to. Walwal? nagawa ko na yan. Kaso nakakabored din. Kung matatapos lang din
naman ang buhay ko, ba’t hindi ko pa gawing makabuluhan ang existence ko.
*Back to the scene in the classroom. Matthew looks at Robin as others laugh at him.
Matthew: Robin, okay ka lang?
Robin: Hinde pre. Ayos lang. Biro lang naman eh.
________________________________________________________________________
Scene 3
Location: Labas mg Milkteahan
Matthew: Huh?
*Matthew ignored the message.
*Text message
Lloyd: Pre, si Robin. Magpapakamatay daw.
*Matthew immediately runs to go to Robin.
Scene 4
Location:
*Cam on Robin
*Robin locked inside the CR.
*Pills at the side to be taken later.
*Robin crying and frustrated. (portrays a person who was depressed and wanted to end his life
thinking that it was the solution to his problems)
*As Robin was about to take the pills (nanginginig pa siya and all), biglang may kumakatok sa
pintuan.
[OPTIONAL: For humor purposes para hindi gaano madrama ang scene 😂]
*Matthew arrives at the scene tapos agad agad siyang kumatok sa pintuan ng CR. Pero
magkakamali siya kasi iba naman ang lumabas at hindi si Robin.
Matthew: Buksan mo ang pinto! Hindi yan ang sagot sa problema mo!
*Nagbukas ang pinto at si Gab ang lumabas na may kasamang tissue.
Gab: Anong pinagsasabi mo, pre.
Matthew: Ay sorry. Hinahanap ko kasi si Robin.
Gab: Ah, nandun sa kabilang toilet. Kanina pa nga yun nagkukulong dun eh.
Matthew: Ah, sige sige. Salamat.
*Cam on Matthew
*Matthew arrives at the scene. Agad niyang kinakatok si Robin sa loob dahil nagkakulong ito sa
CR.
Matthew: Robin, buksan mo yung pinto! Alam ko malungkot ka pero hindi yan ang sagot!
Robin: Hinde, pre. Di mo kasi alam pinagdadaanan ko. Pagod na ako. Gusto ko na matapos
paghihirap ko.
Matthew: Robin, please. Buksan mo ito. Mag-usap tayo. Kung akala mo pag ginawa mo yan
matatapos na ang paghihirap mo, nagkakamali ka. Dahil hindi yan ang solusyon sa problema
mo. Kaya buksan mo ang pinto! *pasigaw na, sabay katok nang katok af pilit binubuksan ang
pinto*
*Napatigil naman si Robin. Maya maya ay binuksan niya ang pinto.
*Agad naman pumasok si Matthew at kinomfort niya ito.
Matthew: Minsan sa buhay, nahihirapan tayo. May pagdadaanan tayong problema. Pero ito
ang tandaan mo, hindi lang ikaw ang nahihirapan. Hindi lang ikaw ang namomoblema. Pare-
pareho lang tayo nahihirapan pero hindi ibig sabihin nun ay puputulin na natin ang buhay natin
dahil sa problema. (kayo na mag-isip ng mas magandang dialogue basta the concept here is
Matthew will give life lessons to Robin)
*Sa huli, Matthew ends the convo in a not-so-serious way.
Matthew: Kaya wag ka na umiyak dyan. Di bagay sayo.
Scene 5
Location: Classroom
*Bell rings
*Classmates started to make some noise.
Classmate 1: YESS! SEMBREAK NAAA!
*Habang nagsisilabasan ang iba, humarap si Noelle kay Matthew.
Noelle: Ano plano mo sa sembreak?
Matthew: Mag-iinuman kami nila Patrick Sama ka?
Noelle: At ako pa talaga inaya mo sa inuman ha? Sumbong kita kay Mama.
Matthew: Syempe joke lang, tara na nga, sabay na tayong umuwi.
*exits the room*
Scene 6
Location: Inuman
*Cheers!
Lloyd: Hayy! Sa wakas sembreak na !!
Patrick: At dahil dyan…oras na ilabas ang…
Lloyd at Patrick: JACKPOT!
Matthew: Mga siraulo kayo
*Video ng nanalo ng jackpot sa wowowin
*Text message
MESSAGE: *You Won THREE WISHES FROM the WISH CORP. PH
Reply YES to this message if you are MATTHEW MACALAGAY and NO if this message was
sent to the wrong person.
Reply YES to this message if you are MATTHEW MACALAGAY and NO if this message was
sent to the wrong person.
Scene 7
Location: On the way sa Ivance House
*Nakaupo si Matthew sa desk nakatingin sa text
*Mawiwish ko kayang mapahaba pa buhay ko?
*Text mula kay Noelle
Noelle: Nakauwi ka na?
Matthew: Oo, lasing na lasing kamo si Lloyd. Kung anu-ano na pinagsasasabi.
Noelle: ow? Sorry, di ako makapunta ah. May pinuntahan ako eh
Matthew: Ayos lang. Baka kung anong mangyari sayo eh. Naalala mo nung nangyari dati?
*Flashback
Matthew: *alalay si Noelle
Noelle: *Lasing Mattthewwww!! SINooo yung babaeee? Diii mo man langg sinasabiii may bagoo
ka na palaaaa.
Matthew: SII Micooole Lang yoon!
Noelle: SInoo si MIcooolee??!! Ba’t mob a ko pinagpapaliiiit? Ano bang meron siyaaa na wala
akoo???
Matthew: Bastaa.. Anong pinagpalit sinasabi mo??? *Ikakarga si Noelle sa likod
Noelle: *Kunware magsusuka
Matthew: OI OI OI OI Wag kang sumuka ditto malapit na tayooo Oi!
*End of Flashback
Noelle: HA? SINABI KO YON?!
Matthew: Ewan ko sayo. Sa sobrang kalasingan mo kung anu-anong pangalan ng babae
sinasabi mo .
Noelle: *Tulog na *Nahilik
Matthew: Sge good night.
*Text Message
* Reply YES to this message if you are MATTHEW MACALAGAY and NO if this message was
sent to the wrong person.
Matthew: Wala naman masamang mangyayari kung itra-try ko di ba?
*Text ng YES
*Text Message
Here are the terms and conditions for your wish
1.) To make a wish text IWISH <space> <Your Wish> and send it to this number.
2.) You can not wish for more wishes
3.) You can not make a wish that will hurt someone
4.) Only one wish per day
5.) You only have three wishes
6.) Expect the delivery of your wish in the next 24 hours.
Scene 9: Sa Desk
*Pagbukas isang iPhone 6
Matthew: Woah!
*Kukunin ang lumang phone at tatawag kay Noelle
Matthew: Noelle… May sasabihin ako sayo
Scene 10
Location: sa Likod ng District
Matthew: At ayun na ngaaa. Nung tinext ko. Ngayon nakatanggap ako ng iPhone!!! Naniniwala
ka ba dun?!
Noelle: Ehhhh malay mo maling send lang
Matthew: EHHH PANONG MALING SEND EH NAKA-ADRESS SAKIN?!
Noelle: Malay mo may iba pang Matthew Gatchalian sa Pilipinas. Di naman kakaiba yang
pangalan mo noh!
Matthew: Basta…Akin na tong iPhone HAHAHAHA..
Noelle: Oh Kumusta yung project mo sa EAPP. Nagawa mo na ba?
Matthew: Tinatamad ako.
Noelle: *Tsk ba’t di nalang kasipagan wi-nish mo.
Matthew: Ano yon?
Noelle: Wala sabi ko gwapo mo.
Matthew: Gwapo naman talaga eh
Noelle: Gwapo sana kaso..
Matthew: Kaso ano?
Noelle Voiceover: * Gwapo ka sana kaso aanhin ko naman yon kung mawawala ka din naman
*titingin sa mukhang LGBT Couple na naglalandian
Noelle Voiceover: Hayyy sana ol may nakakalandiang ganyan. Yung tipong wala silang
pakialam kung anong sabihin ng mundo sa kanila. Parang pag magkasama sila, feeling nila
habang buhay silang masaya.
Noelle: Matthew! Tingnan mo oh. Ang saya nila noh?
Matthew: Alin? ung mga babaeng naka-short-shorts? Oo talagang masaya.
Noelle: *palo kay Matthew Hindii ksi yon!
Matthew: Ah alin ba?
Noelle: Nung dalawang bakla na naglalandian
Matthew: Sure ka bang mga bakla yan? Naglalaro lang ng ML eh
Noelle: Malay mo… *tutulala sa malayo
*Lalapit mukha ni Matthew kay Noelle tas magugulat si Noelle
Matthew: Huwag ka na kasi magselos kay Micole.
*Face to face si Noelle at Matthew
*Slow mo Confrontation
Insert BG Music:
Matthew: JOKE LANG! Di ba tropa tayo!
Noelle: *Tulak kay matthew palayo.
Noelle: Eto naman. Masamang biro yan!
*Magriring ang cellphone
Matthew: SHIT, may appointment pala ko sa doctor ngayon.