You are on page 1of 2

Rubriks

Tiwala sa sarili /10pts

Pagkasaulo / 30pts

Dating sa madla /10pts

Bigkas at tinig /25pts

Ekspresyon at tinig /25pts


Mheryel C. Gatpayat

Kakulangan Sa Edukasyon

Ang kahirapan ay isang dahilan kaya marami sa mga kabataan ang hindi nakakapag-
aral. Paano makakapag-aral ang isang kabataan kung walang trabaho ang kanyang
magulang? O kung meron man ay kulang at sapat lang para sa pagkain.
Nakakalungkot man makita na sa halip na nasa loob ng isang paaralan ang isang
kabataan, siya ay makikita mo na palaboy-laboy sa lansangan. Anong kinabukasan
kaya ang nag hihintay sa isang kabataan hindi manlang nakapag-aral ? may pag-asa
ba ang bukas para sa kanya ? mahalaga ang edukasyon. Alam mo ba na kung ikaw
ay nakapag- aral mas may tsana na maging maganda ang buhay mo sa hinaharap.
Ang edukasyon ay isang karapatan, tulad ng pagkakaroon ng pangaln o tulad ng
pagkakaroon ng matitirhan dahil ito ang nag bibigay ng karunungan,kaalaman,at
katalinuhan na magsisilbing sandata sa hamon ng buhay. Ito rin ang pag-asa ng
mamamayan upang isakatuparan ang pangarap sa buhay. May responsibilidad din
ang pamahalaan na gawin abot kamay para sa mahihirap ang edukasyon at dapat
din mas mag laan ng pondo para gastusin sa pag-aaral ng mga walang kakayahan
para dito. Sa kabuuan, isakatuparan ang mura o libreng edukasyon pero may
kalidad para sa mahihirap. Tulad ng sinabi ni kuya Kim Atienza “ Mag –aral ng
mabuti, upang buhay ay bumuti” na nagpapakita na ang edukasyon ang sagot sa
kahirapan

You might also like