You are on page 1of 2

HIRAPANGARAP

ni Glaiza Abequibel

"Hirap". "Ayaw ko na mag-aral." "Ang hirap kasi lagi nalang nag-aaway si

mama at papa dahil sa pera." "Palagi kaming walang pagkain at baon."

"Magtatrabaho nalang ako." 'yan ang mga salitang narinig ko isang batang

nakararanas ng hirap ng buhay.

Ayon sa nakalap na datos ng Social Weather Stations, mayroong 12.2

milyong pamilya ang naghihirap sa bansang pilipinas. Pero ako bilang isa sa mga

kabataang may pangarap, hindi ko itinuturing na hadlang ang kahirapan sa aking

pag-aaral bagkus ay ginagawa ko itong motibasyon at ang aking pamilya. Oo.

Aaminin ko na. Sa akin ko narinig ang mga salitang sinabi ko nung una. Mahirap

man, pero kakayanin ko. Kinakaya ko at kaya ko. Lalo na't mayroon nang Republic

Act No. 10931 o inatawag na "Free Higher Education" na isinabatas taong 2017

at epektibo na ito ngayon. Wala nang poproblemahing matrikula kaya

nagpapasalamat ako kasi dahil dito ay nakapag-aral ako. Makapagtatapos ako ng

kolehiyo sa kabila ng hirap ng buhay. Naranasan kong pumasok sa eskwela nang

alas sais ng umaga nang walang almusal at baon at umuwi ng tanghali nang

walang nakahaing tanghalian. Naranasan kong hindi magpasa ng proyekto dahil

wala akong pambili ng mga ito. Pero hindi ako nagpatalo sa hirap kaya narito ako

sa inyong harapan suot ang pinakamagandang gown sa lahat ng klase ng gown.

At alam kong darating ang panahon na magsusuot naman ako nito. (uniporme ng
guro) na sinasabi nilang hindi makapagbibigay sa akin ng marangyang buhay o

maraming pera ngunit alam kong makapagbibigay naman sa akin ng yaman sa

puso na bubuuin ng mga magiging estudyante ko sa hinaharap. Patuloy kong

lalabanan ang hirap ng buhay at taas noong haharap sa mga bagong kabataan

dahil naniniwala ako na ang kabataan parin ang pag-asa ng bayan.

Oo. Ang kabataan parin ang pag-asa ng bayan. Kaya ikaw, ikaw, at ikaw.

Mag-aral ka. Dahil ikaw ang pag-asa

You might also like