Sa aming pananaliksik patungkol sa “Impluwensya ng makabagong teknolohiya sa pagkatuto ng
magaaral” kami ay nagsagawa ng sarbey sa mga magaaral ng kursong BSIT 1st year. Ayon sa mga tanong ng aming sarbey karamihan rito ay sumagot ng mas nakakabuti o nakakatulong ang paggamit ng makabagong teknolohiya kaysa sa lumang paraan upang matuto noon. Sa dahilang mas madaling matuto ang mga magaaral gamit ang makabagong teknolohiya isang halimbawa nito ay ang pagsearch gamit ang google upang malaman o makuha ang kailangan nilang impormasyon tungkol sa kanilang aralin at mas madali maka-kalap ng impormasyon gamit ang teknolohiya at mas kaunting oras lamang ang kanilang igugugol upang maisawa ang kanilang gawain sa eskwela. Ngunit pagdating sa loob ng klase marami paring mas gusto ang paraang pakikinig sa kanilang guro upang matuto.