You are on page 1of 1

Ang pangunahing layunin ng paa-aaral na ito ay para maibahagi sa mga mambabasa ang paksang “

Epekto ng Paggamit ng Wikang Filipino Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Accounting” at para malaman
kung ano ang epekto nito sa mga mag-aaral ng Our Lady of Fatima University Valenzuela-Campus.

Upang makapagsagawa ng mga pag-aaral, ginamit ng mga mananaliksik ang deskriptiv na uri ng
pananaliksik. Upang makakalap ng datos, ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga respondente at sila
ay ininterbyu gamit ang instrumentong “transcript interview” na naglalaman ng 5(limang) katanungan na
itinanong sa mga piling respondente. Mula sa datos na nakalap, sa 5(limang) mag-aaral, napatunayan na
nagdulot ng negatibong epekto ang paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng
Accounting. Bagama’t meron mang nagsabi ng positibong epekto ng paggamit ng wikang Filipino bilang
midyum mas madami pa din ang nagsabi ng negatibong epekto.

You might also like