You are on page 1of 8

Kagawaran ng Edukasyon

Mataas na Paaralan ng Bignay


Departamento ng Senior High School

Project KAHONE: Halina’t tuklasin ang Filipino!

I. Pamagat ng Programa/Proyekto:

Fil-active: Interaktibong Integrasyon ng Lektura sa Asignaturang


Filipino.

II. Rasyonal

Ang asignaturang Filipino ay isa sa mga asignatura na itinalaga ng DepEd


upang aralin at unawain. Bagaman wikang Filipino ang gamit, marami pa rin sa
mga mag-aaral ang nakararanas ng hirap sa pag-aaral nito.

Kung tutuusin ay madali lang naman talaga ang asignaturang Filipino, ang
nagiging problema lamang ay kakulangan ng interaksyon sa pagtuturo nito. Hindi
katulad ng Agham at Matematika na nangangailangan ng mga eksperimentasyon
at pagkakalkula, ang Filipino ay madalas tinuturo sa normal na paraan.

Ayon kay Maricar Givera, isa sa mga paborito niyang asignatura ang
Filipino noong siya ay nasa Junior High pa lamang, ngunit madalas daw siyang
nakararanas ng pagkabagot dahil walang gaanong interaksyong nagaganap sa
kanilang pagleleksyon, madalas daw ay ibinibigkas lamang sa kanila ng kanyang
guro ang lahat ng dapat malaman at pagkatapos ay magkakaroon na sila ng
pagsusulit.

Ang ganitong klase ng problema ang gustong masolusyunan ng aming


proyekto. Nais namin na bumuo ng isang aktibidad kung saan hindi lamang
matututo ang mga mag-aaral, kung hindi sila ay magsasaya rin.

III. Deskripsyon at Layunin

Ang "Fil-active" ay hango sa salitang Filipino active, na kung saan ay


linalapatan ng interaktibong aktibidad ang bawat lektura ng asignaturang Filipino,
partikular na sa Walong bahagi ng pananalita. Naglalayon ang proyektong ito na
mas palaguin pa ang kaalaman ng bawat mag-aaral sa Junior High ukol sa mga
lektura ng asignaturang Filipino gamit ang mga interaktibong gawain at programa
na hindi lamang magbibigay kaalaman ngunit magbibigay kasiyahan din.
IV. Komponent

A. Pagsusuri

Ayon sa aming sariling karanasan at pagsusuri, kahit Filipino ang


asignatura at Filipino rin ang ginagamit sa pagtuturo, marami pa rin sa mga mag-
aaral ang nakararanas ng kahirapan dito, may ilan pa ngang mga mag-aaral ang
hindi pumapasa sa asignaturang ito. Napili naming gawin ang proyekto na ito
upang matulungan ang mga mag-aaral na makahabol at makaintindi ng mas
maayos sa pag-aaral nila ng asignaturang Filipino.

B. Pamantayan at Target

1. Pamantayan
Pamantayan Indikador Puntos Natatamong
Puntos
Bilang ng Naisulat/Naipakita 5 –Pinakamataas
Tamang Sagot ang tamang sagot 4 –Pangalawa
na kinakailangan 3 –Pangatlo

Presentasyon Maayos na 5 –Pinakamataas


naipaliwanag ang 4 –Pangalawa
mga sagot at 3 –Pagatlo
nagawang
makatugon sa
katanungan ng
opisyal
Pag-uugali Naging maayos 5 –Pinakamataas
sa paggawa ng 4 –Pangalawa
proyekto. Hindi 3 –Pangatlo
magulo at
masyadong
maingay
Kabuuan: 15/15
2. Target

Ang target at pokus ng proyektong ito ay ang mga mag-aaral sa Junior


High mula ika-pitong baitang hanggang ika-10 baitang na nais pang
magkaroon ng malalim na pagka-unawa sa asignaturang Filipino.

V. Inaasahang Pakinabang

A. Mag-aaral

Malaki ang maaaring making pakinabang ng proyektong ito sa


pagkatuto ng mga mag-aaral sa Bahagi ng Pananalita ng asignaturang Filipino.
Sa bawat panalo na makakamit nila sa bawat aktibidad ay makatatanggap sila
ng premyo na lubos na makatutulong para sa pag-aaral nila. Maaari rin itong
magbigay sa kanila ng dagdag na puntos para sa kanilang asignatura mula sa
paglahok nila sa mga aktibidad na ipagagawa ng kanilang guro.

VI. Implementasyon ng Programa/Proyekto

Ang proyekto ay gaganapin sa klase ng mga mag-aaral sa asignaturang


Filipino, sa loob ng isang linggo. Bawat araw ay may nakalaang aktibidades na
may kinalaman sa walong bahagi ng pananalita. Isang araw bago ang
implementasyon ng programa, bibigyan ng memorandum ang bawat seksyon
tungkol dito. Nakasaad dito ang mga kagamitang dadalhin, kung saang grupo sila
kabilang at mga paghahandang kinakailangan nilang gawin bago ang
pagsasagawa ng programa.

Programa
Gawain Deskripsyon
I. Panalangin Isang maikling pagpapanalangin bilang pasimula sa
programa.
II. Maikling Uumpisahan ang paleleksyon sa nakatakdang paksa.
Paglelektura (Halimbawang konsepto)
Unang Araw: Pangngalan at Panghalip
Pangngalan: Tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook,
pangyayari, at marami pang iba
Uri ng pangngalan:
Pambalana – tumutukoy sa pangkalahatang ngalan tao,
pook, hayop, bagay, pangyayari, at iba pa.
Pantangi – tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay,
hayop, pook, pangyayari, at iba pa

Panghalip – inihahalili o ipinapalit sa pangalan.


Uri ng Panghalip:
 Panao – ako, siya, sila
 Paari – akin, kaniya, kanila, amin
 Pananong – sino, ano, kailan
 Pamatlig – dito, doon
 Pamilang - ilan, marami
 Panaklaw – madla, pangkat
III. Mga (Unang Araw: Pangalan at Panghalip)
Aktibidad Kantahanap!
Sa aktibidad na ito nangangailangan ng mga
Awiting Pilipino sa wikang tagalog, chalk, pisara at
speaker.

Ganito ang magiging daloy ng aktibidad. Bawat


grupo ay magkakaroon ng isang representatibo bilang
tagasulat na tatayo sa harapan ng pisara na may
nakasulat na Pangngalan at Panghalip.

Ang opisyal ng aktibidad ay magpapatugtog ng


isang kanta at ang bawat grupo ay kinakailangang
maisulat ang bawat salita na kanilang maririnig na
kabilang sa kategorya ng pangngalan at panghalip.
Kinakailangan din na maisulat nila kung anong uri ang
pangngalan o panghalip na naisulat nila sa pisara, hindi
rin maaaring maulit ang salita. Pagkatapos ng awitin,
bibilangin ang mga salitang naisulat sa pisara,
kinakailangan na ang salitang nakasulat ay nasa tamang
baybay at dapat na ang kategorya nito ay tama. Ang
bawat maling salita ay ibabawas sa kabuuang puntos ng
grupo. Ang grupo na may pinakamaraming naisulat na
salita ay siyang mananalo at makatatanggap ng premyo.

Kung sakali man na may mga grupo ang may


parehong bilang ng puntos. Ang bawat representatibo ng
grupo ay magkakaroon ng mabilisang quiz bee kung saan
ang opisyal ay magbibigay ng ilang mga salita at mag-
uunahan ang mga representatibo ng bawat grupo sa
pagsabi kung anong bahagi ito ng pananalita (kung
pangngalan o panghalip).

(Ikalawang Araw: Pandiwa at Pangatnig)


Kilusang salaysay! Na!
Para sa aktibidad na ito, nangangailangan
lamang ng dalawang kahong naglalaman ng mga
salitang-kilos.
Ganito ang magiging daloy ng aktibidad, bawat
grupo ay magkakaroon ng representatibo na bubunot ng
papel sa bawat kahon, matapos bumunot ng mga mag-
aaral, ang bawat grupo ay bibigyan ng limang minutong
paghahanda para sa presentasyon.
Ano ang ipepresenta ng mga grupo? Nakabase
ito sa nabunot nilang dalawang magkaibang sitwasyon;
ang bawat grupo ay kinakailangang umisip ng paraan
kung papaano nila pagtatagniin ang dalawang sitwasyon
na kanilang nabunot upang maging isang maikling
storyang dula-dulaan. Maaari silang magdagdag ng
“filler” o pansuportang sitwasyon ngunit kinakailangan na
ito ay hindi nalalayo sa mga sitwasyong kanilang
nabunot. Maaaring gumamit ng mga props upang mas
maging maganda ang presentasyon. Matapos ang
aktibidad ay magpupuntos ang opisyal.
(Ikatlong Araw: Pang-ukol at Pang-angkop)
Sa aktibidad na ito ay bibigyan ng flashcards ang anim
na representatibo ng bawat grupo, naglalaman ito ng
mga magkakaibang letra sa magkabilaang parte. Sa
bawat salita o pangungusap na babanggitin ng opisyal,
tutukuyin nila kung ito ay nasa pang-ukol o nasa pang-
angkop.
Sa loob ng 10 segundo ay hahanay sila at bubuin ang
alinmang sa salitang pang-ukol o pang-angkop. Hindi
maaaring magpalit ng flashcards ang mga miyembro
ngunit maaari nilang baliktarin ang kanilang flashcards.
Ang unang grupo na makakabuo ng kasagutan at
maisisigaw ito ang makatatanggap ng pinakamataas na
puntos para sa round na iyon.
(Ika-apat na Araw: Pang-uri at Pang-abay)
Litrato Mo, Buuin Mo
Ang aktibidad na ito ay nangangailangan ng limang
representatibo kada grupo.
Ang magiging daloy ng aktibidad na ito ay: Isa sa
miyembro ng grupo ay siyang maghahagis ng dice
habang nakatalikod sa mismong lamesa. Sa
pangalawang bahagi naman ng larong ito, ang tatlong
miyembro ng grupo ay siyang magsisilbing tagabantay
sa lamesa na kung saan at anong litrato napunta ang
dice, pagkatapos ay dali dali silang pupunta sa kabilang
lamesa at buuuin ang kaparehong litrato na
pinagbagsakan ng dice. Pagkatapos mabuo ang mga
litarato ay magbibigay sila ng pang-uri at pang-abay base
sa kung anong numerong nakasaad sa dice. Sa huling
bahagi ng larong ito, ang natitirang miyembro ng grupo
ang siyang maghihintay ng pinal na sagot at isusulat sa
pisara at kung sino ang makakagawa nito sa
pinakamabilis na oras ang siyang mananalo.

(Ika-limang Araw: Pinal na Gawain)


The Ultimate Obstacle Challenge.

Ang palarong ito ay nangangailangan ng malaking


espasyo, mga flag na naglalaman ng mga salita, ang mga
kahon na may nakasulat na bahagi ng pananalita at isang
obstacle course.

Ang magiging daloy ng aktibidad ay ganito. Bawat


grupo ay bibigyan ng tatlong minuto upang makapaglagay
ng flag sa kahon sa pinakamadaming bilang na kaya nila.
Ngunit kailangan tandaan na ang salitang nakalagay sa
flag ay dapat mailagay sa kahon kung saang bahagi ng
pananalita kabilang ang salita. Isa-isa lamang ang
pwedeng pumasok sa obstacle course kada flag,
hahayaan lamang na pumasok ang susunod na mag-aaral
kapag nailagay na ng naunang pumasok ang flag sa isa
sa mga kahon.

Kung sakaling magkakaroon ng grupong may


parehong puntos ay magkakaroon ng tie breaker.
Bibigyan ang isang mag-aaral na representatibo ng bawat
grupo ng tig-isang flag, at sila'y magpapabilisan sa
paglagay nito sa kahit alin sa mga kahon.

IV. Breaktime Magkakaroon ng 5 minutong break ang mga mag-aaral


upang magpahinga.

V. Pagtatapos Panalangin at pagtatapos na pagbati.

VII. Pagpapanatili ng Program/Proyekto

Upang mapanatili at maipagpatuloy ang nasabing proyekto, gagamitin namin


ang Social Media upang ipakalat ang impormasyon. Lilikha rin ng mga leaflets at
posters na naglalaman ng mga litrato ng programa at ipapaskil ito sa loob ng paaralan
upang mahikayat ang mga mag-aaral na sumali sa programang ito. Hihikayatin din
namin ang mga guro na ipaalam ito sa kanilang mga mag-aaral kapag nasa klase.

VIII. Ebalwasyon.

Ang proyektong ito ay lubos na makatutulong sa mga mag-aaral sa pagkatuto


nila sa Walong bahagi ng Pananalita. Lubos din itong makatutulong sa paghubog ng
malusog na katawan at isipan ng mag-aaral dahil sa interaktibong mga palaro at
gawain. Makatutulong din ito upang makabuo ng bagong mga kaibigan ang mga mag-
aaral. Ang programang ito ay maaari rin maisagawa sa ibang lektura sa asignaturang
Filipino.

You might also like