You are on page 1of 9

Yugto ng Pampagkatuto ng Filipino sa Baitang 9

Aralin 2.4
Tuklasin : Unang Linggo

I. Kasanayang Pampagkatuto
Nasusuri kung anong uri ng maikling kuwento batay sa mga pangungusap.
II. Paksa
A. Panitikan: Niyebeng Itim: Maikling Kuwento
( Kinuha ang bahagi mula sa Novela)
Tsinan ni Liu Heng
Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra
B. Gramatika/Retorika: Pagpapalawak ng pangungusap gamit ang
panuring (pang-uri at pang-abay)
C. Uri ng Teksto : Naglalarawan
D. Produkto/Pagganap: Nailalarawan ng mga mag-aaral nang may
kasiningan ang mga kaugalian at uri ng pamumuhay sa alinmang
bansa na pinanggalingan nito.

III. Yugto ng Pampagkatuto

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati ng Guro
3. Pagpuna sa kalinisan
4. Pagtala ng liban

B. Paunang Pagtataya

Panuto: Tukuyin ang nais bigyang-pansin sa sumusunod na bahagi ng kuwento. Gamitin


mo ang mga simbolo na nasa ibaba at ilagay sa patlang bago ang bawat biilang. Isulat sa
papel ang iyong sagot.

1.________________ 2.____________ 3._______________

1. Unti-unti , sa paningin ko’y nagkakahugis ang mukhang isang


mapanglaw at dahop na kapaligiran. Ang mga bahay na malalayo ang agwat,
nagliliitan, ang iba’y nakagiray na, pulos na yari sa kawayan at kugon, ay waring n
agsisipagbantang lumupasay sa anumang sandal. Sa malayang hangin ay nagsasanib-
sanib ang kahol ng mga aso, kakak ng mga manok at itik, unga ng kalabaw, langitngit
ng kawayan at pagaspas ng dahon ( mula sa Lugmok na Ang nayon)
2. Dinalaw siya mula noon ng pag-agam-agam sa kaniyang pag-aanluwage. Hinahanap
nila mula noon ang bagay na dapat niyang malikha at sa palapalagay niyay waring
nagkukulang at hindi tumpak ang bawat gawin at likhain niya. Dumaan ang mga taon
at siya’y nakaramdam ng panghihina. Mabilis ang pagtanda niya, ngunit ang kaniyang
alalahanin ay hindi nababawasan. ( mula sa Anluwage)
3. May luha sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagod hagod niya
ang kamao. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. ANg tibay. Ang tatag. ANg
kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraay nakapikit
at buka ang labing nag-angat siya ng mukha. ( mula sa Impeng Negro)
C. Pagganyak - AKTIBITI

Pagpapakita ng Movie Trailer mula sa Timog Silangang Asya at suriin kung ano ang
binibigyang-pansin dito. Tauhan ba, lugar o pangyayari.

Bulaklak ng
Maynila 200 pounds
beauty We are Family

D. Mahalagang Tanong

® Paano naiiba ang maikling kuwentong pangkatutubong kulay sa iba pang uri ng
maikling kuwento?
® Paano nakatutulong ang kaalaman sa pagpapalawak ng pangungusap sa paglalarawan
ng kultura ng Asyano?

E. Pagbibigay ng Rubriks

Pamantayan sa Pagmamarka Bilang ng Puntos


Angkop sa Paksa 3
May bataang at Patunay 3
Malikhaing Presentasyon 2
Nakasunod sa Takdang Oras 2
Kabuuan 10

F. Mga Gawain - ANALISIS

Indibiduwal na Gawain Bilang 1

Isulat sa Journal

® Gaano mo kakilala ang mga kapatid nating Tsino?


Magbigay ng kanilang tradisyon, paniniwala at kaugalian.

G. Pagbibigay Fidbak - ABSTRAKSYON


H. Sintesis - APLIKASYON

IV. Takdang Aralin

Basahin ang Niyebeng Itim Maikling kuwento ( Kinuha ang bahagi mula sa Novela) Tsina ni
Liu Hen Isinalin sa Filipino ni : Galileo S. Zafra
Linangin : Ikalawa at Ikatlong Linggo

I. Kasanayang Pampagkatuto
® Nailalahad ang kulturang nakapaloob sa binasang halimbawa ng isang kuwentong
pangkatutubong kulay.
®Nabibigyang kahulugan ang mga kaisipan mula sa maikling kuwento.
®Napapalawak ang mga pangungusap.

II. Paksa

Panitikan: Niyebeng Itim, Maikling Kuwento


( Kinuha ang bahagi mula sa Novela)
Tsinan i Liu Heng
Isinalin sa Filipino ni : Galileo S. Zafra
Gramatika/Retorika: Pagpapalawak ng pangungusap gamit ang panuring
(pang-uri at pang-abay)
Uri ng Teksto : Naglalarawan

III. Yugto ng Pampagkatuto

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati ng Guro
3. Pagpuna sa kalinisan
4. Pagtala ng liban

B. Pagganyak - AKTIBITI

Pagpapakita sa mga mag-aaral ng mga larawan ukol sa kilos/gawi paniniwala, pamahiin at


pananaw sa buhay.

C. Pagbasa ng Akda
Pagbabasa sa bawat pangkat.
Niyebeng Itim
( Pagpapahapyaw sa uri ng Maikling Kuwento)
D. Talasalitaan

Ipaliwanag ang sumusunod na kaisipang hango sa kuwentong binasa.

Kaisipang hango sa kuwento Paliwanag

1. Kailangang palakasin niya ang


kaniyang loob; kung ididilat
lamang niya ang kaniyang ,mata,
paandarin ang utak, at di-
matatakot magtrabaho, maayos
ang lahat.
2. Saanman siya magpunta, laging
may nagsasabi sa kaniya kung ano
ang dapat at di-dapat
gawin; sa pagtingin sa kaniya
nang mababa, umaangat ang
kanilang sarili.

3. Gusto niyang lumaban, pero wala


siyang lakas. Kaya
magpapanggap siyang tanga,
umiiwas sa mga nagmamasid at
nagmamatyag.
4. Isa siyang basurahan o isang
pirasong basahan na nais
magtago sa isang butas.
5. Mas mabuting maghintay kaysa
umayaw, dahil walang
nakakaalam kung kalian kakatok
ang oportunidad.

E. Pagbibigay ng Rubriks
Pamantayan sa Pagmamarka Bilang ng Puntos
Angkop sa Paksa 3
May bataang at Patunay 3
Malikhaing Presentasyon 2
Nakasunod sa Takdang Oras 2
Kabuuan 10
F. Pangkatang Gawain - ANALISIS

Ipapaliwanag sa mga mag-aaral ang Gawain ng bawat pangkat.

Pangkat 1. Kayarian ng Kuwento


Buuin ang kayarian ng kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay
na tanong na nasa loob ng kasunod na graphic organizer.

Tauhan

Niyebe
ng
Itim
2. Tagpuan Lugar Panahon
Ni Liu
Heng

Isalin sa
Filipino
ni
Galileo Paksa/Tema
S. Zafra

Sagutin ang mga gabay na tanong:

Sino ang mga tauhan sa kuwento ? Ipakilala


Ilarawan ang tagpuan ng kuwento. Sa inyong palagay, anong
panahon naganap ito? Patunayan.
Ano ang tema ng kuwentong binasa?

Pangkat 2. Kayarian ng Kuwento

Banghay

Niyebe
ng
Itim Panimula

Suliranin
Ni Liu
Heng Reaksyon
Isalin sa
Filipino layunin
ni
Galileo GInawa
S. Zafra Wakas
Kinalabasan
Mga gabay na tanong:
1. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?
2. Ano ang suliraning taglay ng pangunahing tauhan?
3. Paano hinarap ni Hiuquan ang kaniyang problema?
4. Paano sinikap ni Huiquan na malutas ang kaniyang suliranin?
5. Ano ang mga hakbang na kaniyang isinagawa?
6. Ano ang kinalabasan ng mga hakbang na ito?
7. Paano winakasan ng may-akda ang kuwento?

Pangkat 3. Pag-aralang mabuti ang mga ilustrasyon. Ilarawan ang lugar na kinabibilangan ni Huiquan.
Ilarawan din ang kaniyang kilos/gawi at paniniwala.

Pangkat 4. Pag-aralang mabuti ang mga ilustrasyon. Ilarawan ang lugar na kinabibilangan ni
Huiquan. Ilarawan din ang kaniyang kilos/gawi at paniniwala.

Nagtitinda ng angora at iba pa Nakalaya na kasama ang kaniya


ng Tiya Luo

G. Fidbak -

H. Pagsusuri ng ibang Akda

Ipapabasa sa mga mag-aaral ang “Nagmamadali ang Maynila”

Pagpapakita ng larawan ng lugar, kilos at uri ng pamumuhay ng mga tao sa Maynila.


Pagsasanib ng Grammatika/Retorika

Ang panaguri at paksa ay panlahat na bahagi ng pangungusap. Ang bawat isa sa dalawang
panlahat na mga bahaging ito na maaring buuin pa nh maliit na bahagi.

Dalawang kategorya ng mga salita ang magagamit na panuring, ang pang-uri na panuring
sa pangngalan o panghalip at ang pang-abay n a panuring sa pandiwa, pang-uri o kapwa
pang-abay.
Naririto ang ilang pangap na nagpapaita ng pagpapalawak sa pamamagitan ng pang-uri.
Batayang Pangungusap: Si Huiquan ay bilanggo
1. Pagpapalawak sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri:
Si Huiquan na ulila ay bilanggo
2. Pagpapalawak sa pamamagitan ng pariralang panuring:
Si Huiquan na ulila ay dating bilnaggo
Pagpapalawak sa pmamagitan ng ibangng pananalita na gumaganap ng tungkulin ng
pang-uri.
A. Pangngalang ginagamit sa panuring
Si Huiquan na tinder ay dating bilanggo.
B. Bigyang halimbawa naman natin ang mga pampalawak ng pang-abay.
Umalis si Maciong

I. Pagtataya - ABSTRAKSYON

Panuto: Mula sa mga pangungusap na hango sa mga tekstong binasa, palawakin ang
pangungusap batay sa dalawang kategorya na iyong pinag-aralan. Isulat sa buong papel
ang sagot.

1. Palawakin ang pangungusap gamit ang karaniwang pang-uri.


Si Tiyo Li ay pulis
Ang pamilyang Hu ay umalis
2. Palawakin ang pangungusap gamit ang pang-abay.
Bumili ang ale
Sila ay magkaibigan ni Luo Xiaofen.

J. Sintesis - APLIKASYON
Isa bang malaking tulong ang pagpapalawak ng pangungusap sa higit na
pagkakaunawa ng mga mambabasa?

IV. Takdang Aralin


Maghanap ng isang maikling kwento o pelikula na ito ay nag papakita ng
pangkatutubong kulay.

Pagnilayan/Unawain : Ikaapat na araw

I. Kasanayang Pampagkatuto
®Nailalarawan ang sariling kultura batay sa sariling maikling kuwento namay uring
pangkatutubong-kulay
II. Paksa
Panitikan: Niyebeng Itim, Maikling
(Kinuha ang bahagi mula sa Novela)
Tsinan i Liu Heng
Isinalin sa Filipino ni : Galileo S. Zafra
Uri ng Teksto : Naglalarawan
III. Yugto ng Pampagkatuto
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati ng Guro
3. Pagpuna sa kalinisan
4. Pagtala ng liban
B. Balik – aral - AKTIBITI
Pagpapakita ng mga larawan mula sa maikling kuwentong pangkatutubong kulay.
Hihingin ang mga pahayag ng mga mag-aaral.

Suyuan sa Tubigan Nagbibihis na ang Nayon kasalan sa Nayon

Pagsasanay - ANALISIS
Indibiiduwal na Gawain
Pagsagot sa mga tanong:
1. Paano naiiba ang maikling kuwento ng katutubong-kulay sa iba pang-uri ng
kuwento?
2. Paano nakatutulong ang pagpapalawak ng pangungusap sa paglalarawan ng kultura?
C. Pagtataya
Mamili ng isang pelikula o maikling kwento na nagsasabing ito ay kwento ng
katutubong kulay. Ipaliwanag gamit ang pagpapalawak ng pangungusap.
D. Pagsagot sa Mahalagang Tanong - ABSTRASYON

® Paano naiiba ang maikling kuwentong pangkatutubong kulay sa iba pang uri ng
maikling kuwento?
® Paano nakatutulong ang kaalaman sa pagpapalawak ng pangungusap sa paglalarawan
ng kultura ng Asyano?

E. Pagpapatibay sa mahalagang tanong at mahalagang konsepto.

IV. Takdang Aralin - APLIKASYON


Magsaliksik ng ng isang bansa na mula sa Silangang Asya. Magpakita ng larawan mula
sa bansang mapipili. Isulat ang mga magandang mailalarawan sa bansang mapipili.

Ilipat : Ikalimang Araw

I.Kasanayang Pampagkatuto
®Nasasaliksik ang mga tradisyon, paniniwala at kaugalian ng mga Asyano batay sa
maikling kwento ng mga ito.

II. Paksa
Panitikan: Niyebeng Itim, Maikling
( Kinuha ang bahagi mula sa Novela)
Tsinan i Liu Heng
Isinalin sa Filipino ni : Galileo S. Zafra
Uri ng Teksto : Naglalarawan

III. Yugto ng Pampagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati ng Guro
3. Pagpuna sa kalinisan
4. Pagtala ng liban
B. Balik Aral
Magbibigay ng mga katanungan.
1. Ang pinahahalagahan nito ay ang tagpuan, pook /lugar na pinangyarihan ng
kuwento.
2. Ang taong nabilanggo na mahigit tatlong taon.
3. Ang dalawang kategorya na ginagamit bilang pagpapalawak ng
pangungusap?

C. Pagganyak

Pagpapakita ng mga larawang nagpapakita ng tradisyon, paniniwala at


pamumuhay ng mga bansang nasa Silangang Asya.

D. Gawain

Pangkatang Gawain

Panuto: Isa kang tourist Guide at ang iyong mga kamag-aral ay mga turista na galing sa
iba’t ibang bansa sa Asya. Hihikayatin mo sila na magustuhan ang bansang bibisitahin.
Kaya ikaw ay magsasagawa ng pasalitang paglalarawan ng alinmang bansa sa Silangang
Asya. Ang paglalarawan mo bilang tourist guide ay tatayain sa mga sumusunod na
pamantayan.

Ang mga mag-aaral ay isahang maglalarawan nang may kasiningan sa mga kaugalian at uri
ng pamumuhay ng alinmang bansa sa Silangang Asya. Tandaang ang pagganap ay batay sa
GRASPS.

G- oal : Makapaglarawan ng kaugalian at uri ng pamumuhay ng alinmang bansa sa Silangang Asya.


R-ole: Ikaw ay isang Tourist Guide
A-udience: Ang kamag-aral ay mga turista
S-ituation: Sila ay iyong hihikayatin na magustuhan ang bansang binibisita.
P-erformance: Pasalitang paglalarawan
S-tandard: ( nasa ibaba ang pamantayan kung paano tatayain ang performance ng mag-aaral).
Tiyak ang mga impormasyong ginamit sa paglalarawan.. 50%
Wastong Bigkas at Intonasyon……………………………………….30%
Tiwala sa sarili, panghikayat at presentasyon…………………20%
Kabuuan……………………………………..100%

Inihanda ni:

MARICEL P. ALENAIN
Guro sa Baitang 9

Sinuri ni:

GLENDA DS. CATADMAN. Ed.D.


Ulong Guro VI/Koordineytor sa Filipino-Sekundari

You might also like