Proseso ng paggamit ng grid sa pagguhit o pagpinta
Ihanda lahat ng gagamitin papel sa pagdodrowingan,
larawan na iguguhit, lapis at ruler. Kunina ang larawan na iguguhit o ipipinta I iprint ito sa computer. Gamit naman ang lapis at ruler gumawa ng parisukat na may pare-parehong sukat sa larawan na ipipinta o iguguhit. Kunin na ang papel na pagdodrowingan at gumawa rin ng parisukat na kapareho sa gayahan o larawan na ipipinta. (pwedeng mas malaki pa ang parisukat kung gusto mong palakihin ang iyong iguguhit bastat magkakapare-pareho ang sukat ng parisukat.) Matapos nito kunin na ang iyong lapis at kopyahin na ang mga linya sa bawat parisukat. Pwede mo nang simulan ang pag-isketch.