You are on page 1of 1

Ala-ala ng kahapon huwag nating kalimutan ngayon

Ating balikan kahapong nagdaan,


Kung saan tayo’y nasa iisang kaharian,
Kaharian na parang maharlikang tahanan,
At tayo’y nasa maayos na kalagayan.

Kahapon na tila ba’y napakasaya,


Ngunit nagsidatingan ang mga kolonyalista,
Mga kolonyalista na hayop kung umasta,
Daig pa ng tunay na hayop ang pag-uugali nila.

Sadyang napakalupit dinanas ng ating bansa,


Sa panahon ng hapon at ng mga kastila,
Mga kababaiha’y laruan at alila,
Mga kalalakiha’y pinahirapang lubha.

Ngunit sadyang tayo’y tigre’t leon na matatapang ,


Hindi nagpatalo sa mga dayuhan,
Ipinaglaban lugar na ating kinalakihan,
Salamat sa inyo mga bayani ng bayan.

Huwag nating kalimutan ang kahapong nagdaan,


Ito’y makatutulong sa ating kaunlaran,
Parang libro napakaraming nilalaman
At aral na mapupulot sa kasaysayan ng ating bansang sinilangan.

You might also like