You are on page 1of 3

Introduction

What is marriage?

Ang pagpapakasal ay espesyal na kontrata ng permanenteng pagsasama ng


isang lalaki at isang babae na pumasok alinsunod sa batas at pagkatatag ng asawa at
buhay ng pamilya.

What is same sex marriage?

Ang pagpapakasal ng magkaparehong kasarian ay isang kontrobersyal na bahagi ng


isyu ng pamilya at patakaran na may kaugnayan sa pagtatalo sa homosekuwalidad at
kasal. Ang same sex marriage ay parating paksa sa mga nagaganap na debate.

History
Same sex marriage around the world

Ang pagpapasatupad ng “same sex marriage” sa iba’t-ibang bansa ay patuloy na


lumalaganap at lumalaki. Ang mga taong responsible sa pagpapatupad ay nagbubuhos
ng dobleng pagsisikap sa pagpuntirya ng layuning nais makamit ngunit sa kabilang
banda, mas dumarami pa ang mga nangyayaring pagsalungat at mga debate tungkol
dito.

Noong ika-1 ng Abril taong 2001, ang bansang Netherlands ay ligal na


ipinatupad na pwede nang magpakasal ang lalaki sa kapwa niya lalaki o ang tinatawag
nating “same sex marriage”. Ang isa ay dapat na mamamayan o naninirahan sa
Netherlands upang makakuha ng lisensya sa pagpapakasal (Heravi, 2015). Ang mga
parehong lalaki na magkarelasyon ay mayroong ligal na katayuan bilang mga
heterosekswal. Dito, sinasanay rin ng mga gay couples ang hiwalayan, pagkakaroon ng
pension at pagkukupkop sa mga ulilang batang naninirahan sa kanilang bansa.
Ipinagbabawal sa kanila ang pagkupkup sa mga naulilang bata mula sa kanilang mga
karatig bansa dahil maaaring pinaghihigpitan ng mga batas at regulasyon ang mga
ganitong bagay sa ibang bansa.

Same sex marriage in the Philippines

Napuno ng mga komentong patungkol sa “gay pride” at pagsuporta sa


LGBTQIA+ sa pamamagitan ng pag-gamit ng “rainbow colors” noong saw akas na
legalisado na ang pagpapakasal ng magkapareho ang kasarian sa loob ng halos 50 ng
mga estado.

Karamihan ng mga mamamayan sa Pilipinas ay aktibong nakikibahagi sa mga


samahan mapa-online man o offline basta’t may kinalaman sa isyu sa LGBT. Ang isyu
na ito ay talagang pinagtatalunan sa pagitan ng mga sumasalungat na mga payo. Ang
mga debate at pagsalungat ay patuloy na nagaganap dahil sa mga magkakaibang
paniniwala at mga prinsipyo.

Handa bang tanggapin ng mga Pilipino? Dapat na bang ipinatupad ng Korte


Suprema ang “same sex marriage”? Nagsagawa ang Philippine Star ng pagsisiyat
noong ika-26 ng June taong 2015, sa mga Pilipino tungkol sa “same sex marriage”.
Halos nasa 71% ng mga bumoto ang tutol sa pagpapatupad nito. Ang malaking dahilan
kung bakit sila tumututol dito ay ang pakakaiba-iba sa relihiyon at paniniwala (The
Philippine Star, 2015)

You might also like