You are on page 1of 1

Lokal na opisyal ng Bukidnon patay sa pamamaril sa bayan ng Maramag, Bukidnon

Isang lokal na opisyal sa bayan ng Maramag, Bukidnon ang pinagbabaril ng mga tatlong lalaki
nito lamang ika-3 ng marso bandang alas-singko ng hapon habang ito'y papauwi sa kaniyang bahay
kasama ang kaniyang ama at pamangkin. Ayon sa imbestigasyon, limang beses itong pinagbabaril
nang tabihan ng isang SUV na may lulang tatlong lalaki ang multicab na kanilang pinagsakyan at
doon na nga mismo ito pinaputukan na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

27M estudyante bibigyan ng insurance - DepEd

Nitong nakaraang araw lamang, nais ng Kagawaran ng Edukasyon na bigyan ng year-round


insurance ang 27 milyong estudyante sa bansa upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga
kabataang mag-aaral lalo na kung sila'y lalabas ng paaralan upang lumaban sa mga patimpalak na
may kinalaman sa kanilang pag-aaral. Ayaw ng mangyari muli ng kagawaran ang insidenteng
nangyari kamakailan lang sa pagkamatay ng limang mag-aaral sa Negros Oriental. Kaya planong
ihayag ito sa kongreso upang mabigyan ito ng financial assistance sa budget ng DepEd.

DOH: Iwasang ma-dehydrate

Nagbigay babala ang Department of Health nito lamang sabado sa nalalapit muling tag-init sa
bansa dahil sa dehydration at sa iba pang sakit na maaaring makuha sa panahong ito. Pinag-iingat
ng DoH secretary Francisco Duqui III ang lahat lalong-lalo na ang mga bata at matatanda dahil
sila ang mabilis na dapuan ng mga sakit na ito. Nagbigay rin ito payo na nakatutulong upang
maiwasan ang dehydration.

P14 milyon halaga ng droga nasamsam sa condo sa QC

Isang babae ang inaresto nito lamang ika-4 ng marso matapos itong mahulihan sa condominium
sa Quezon City ng tinatayang nasa P 14 milyong halaga ng droga. Bago isinagawa ang buy bust
operation, minanmanan pa ito ng mga awtoridad ng isang buwan. Kakasuhan ang babae sa
paglabag ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Duterte,maglulunsad ng mas maraming proyekto sa Mindanao

Sa natitirang dalawang taon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang puwesto, nangangako ito
sa mga residente ng Mindanao na mas marami pa ang maipapatupad nitong proyekto katulad na
lamang ng tren at international airport. Bukod dito, makikipag-usap rin ang pangulo sa Moro
National Liberation Front founding Chairman Nur Misuari patungkol sa Bangsamoro Organic Law
na maaaring maging susi para sa matagal ng gulo sa Mindanao.

You might also like