You are on page 1of 2

Valle, Clarinette B.

PITONG SEGUNDO
HUMSS 11-3
Senior High School Department
Polytechnic University of the Philippines

Russel-
maikukumpara mo sa isang papel na wala ng puwang ang balat ni russel dahil sa mga tattoo na bumabalot
dito. Bawat simbolo at mga salitang permanenteng iginuhit sa kaniyang katawan gamit ang mga matutulis
na karayom ay may kaniya-kaniyang malalim na pakahulugan. Ang kaniyang mga tainga ay sing laki ng
sa daga-- litaw na litaw ang mga ito sa gilid ng kaniyang pahabang mukha. Ampon si Russel, ‘di niya
kilala ang kaniyang tunay na mga magulang. Maitim ang mga labi ng bente anyos na binata dahil sa
kaniyang halos oras-oras na paninigarilyo. ‘Di kaputian ang lalaki at maihahalintulad mo siya sa mga
batang lansangang nangingintab ang balat dahil sa buong araw na pamamalagi sa lansangan. Matikas ang
kaniyang pangangatawan. Siya’y nag nagnakaw at nanloloko para lamang sa dalawang dahilan; una para
sa droga, at ikalawa para punan kahit papaano man lang ang kumakalam niyang tiyan.

Joy –Ang unang asawa ni russel. Kulay mais ang buhok ng babae na bumabagay sa kutis niyang mala
porselana. Laging nakaayos sa pusod ang buhok ni Joy na nag bibigay diin sa bilugan nitong mukha. Tila
nag lalagablab na apoy ang bilugang mga mata ng dalaga sa tuwing lumalapit si russel. Pero nasungkit ni
russel ang mga bituin nag tatago sa likod ng mata ng dalaga at ang kanilang pag mamahalan ay nag bunga
ng isang lalaking anak, si Jonas.

Marissa- Ang ikalawang asawa ni Russel. Payat ang babae pero nadadala ito ng maliit at maamo niyang
mukha sa kabila ng katandaan. Maitim at unti-unti ring kumukulunot ang balat ni Marissa. Kagaya ni
Russel, may anak na si Marissa sa kaniyang unang asawa subalit hindi ito anging hadlang sa kanilang
maikling pag sasama.

Lilia- Ang tumayong ina ni Russel. Malaki ang kaniyang pangangatawan partikular sa kaniyang
beywang. kundoktor si lilia sa isang bus company. Patong-patong parati ang damit, mula sa salwa,
papaitaas ng singkwenta y otsong babae. Bakas pa rin ang tono ng dialektong bikolono sa kaniyang
pananalita kahit simula pa noong siya’y dalaga ay naninirahan na dito sa Maynila.

Marilyn- Ang panganay na anak ni Lilia. Ang pinaka maunlad ang buhay sa anim na mag kakapatid.
Kulay luntian ang ibaba ng buhok dahil sa mga kemikal na ipinahid rito para mapalitan ang natural na
itim nitong kulay. Namamalagi ang kaniyang pamilya sa General Santos sa may Mindanao. Huling
tinatakbuhan ni Russel kapag siya’y may problema.

Maricel- Ang pangalawa sa anim na anak ni Lilia. Katuwang ni Lilia sa kabuhayan. May maitim na balat
bunga ng araw-araw na pag babad sa matinding sikat ng araw para kumita. Mapupungay ang singkit
niyang mga mata. May mahahabang pilik mata. Katamtaman ang tangos ng ilong at Laging ikinukubli ni
Maricel ang kaniyang maiitim na labi gamit ang pulang lipstick. Mula sa payat na pangangatawa, lumobo
si Maricel matapos maipanganak ang 4 niyang mga anak.
Uchok- Ang pangtalo sa anim na anak ni Lilia. Makinis at maputi ang balat ni Uchokm pero bakas mo
ang matinding pag sisikap nito sa kaniyang trabaho sa mga ugat na kumakawala sa kaniyang braso at
binti. Musika ang isa sa mga bumubuhay kay Uchok, talento niya ang pag tugtog ng luma niyang gitara.
Pinagmumukhang matalino raw si Uchok ng kaniyang salamin na walang grado kaya parati niya itong
suot-suot.

Marites- Ang pang-apat sa anim na anak ni Lilia Ang parating nilalapitan ni Russel kapag siya’y kapos
at wala ng makain. Parang machine gun ang bibig pag lumalapit sakaniya si russel pero ‘di mo siya
masisisi dahil makailang beses na siyang niloko ng binata.

Sander- Ang pang lima sa anim na anak ni Lilia. Bukod kay Russel, si Sander ang sakit sa ulo ng
pamilya. May patulis na buhok at matangos na ilong. Ang sobra sa pagkapantay niyang mga ngipin ay
katulad ng sa kabayo. Kaya nama’y malaki ang pagkakahawig niya rito. Pinag trabahuhan siya ni Russel
ngunit ‘di rin nag tagal ang binata rito.

Etong- Kalbo si Etong at lagging maaabutang walang suot pang itaas sa lansangan. Ang lalaking kasama
ni Russel sa pag gamit at pag tutulak ng droga. Itinuturing na kaibigan ni Russel ngunit nagging dahilan
nang maagang pag kasawi ng binata.

You might also like