You are on page 1of 1

Pagkakaroon ng kanse, sanhi ng processed foods

Itinuturo ng ina ni Rosemae Garcia ang processed foods bilang sanhi ng lumalalang tumor sa ut
ak ng kanyang anak.

Sinabi ni Regine Garcia, ina ng Rosemae, mahilig at palagiang kumakain ang kanyang anak ng
mga processed foods at “hindi talaga siya kumakain ng gulay kahit na pilitin mo pa.”

Bilang paglilinaw, ginagamitan ng mga kemikal na nitrates at nitrites ang mga processed foods
upang mapreserba at mapatagal ang mga ito ngunit kino-convert naman ito ng katawan bilang
cancer-causing compounds.

Dahil dito, ayon kay Susan Gapstur ng American Cancer Society, tumataas ng 18 porsyento ang
risk ng pagkakaroon ng colorectal cancer sa pagkain ng 50 gramo ng processed foods kada ara
w katumbas ng 1.75 ounces o dalawang pirasong bacon.

"This is an important step in helping individuals make healthier dietary choices to reduce their ri
sk of colorectal cancer in particular,” pahayag ni Gapstur.

Gayunpaman, nilinaw naman ni Dr. Kurt Straif ng International Agency for Research on Cancer (I
ARC) na "maliit lamang ang tiyansa ng isang tao na magkaroon ng colecteral cancer" dahil sa
maliit lamang na pagkonsumo ng processed meat.

Dagdag pa rito, pinaghihinalaan din ni Gng. Garcia ang pagkakaroon ng kanser sa matres ng ka
niyang ina na maaaring namana ng kanyang anak sa kanyang paglaki dahil “hereditary daw ito
o kusa na lang tumutubo sabi ng mga doktor.”

Isa rin si Mark Adam Bacolod, grade 8 student, sa nagkaroon ng cancer [Leukemia] sa CAYS, ay
on sa kanya, “nanghihina ang aking mga buto kaya nadadapa na lang ako minsan atsaka di ko
na rin magawa ang mga bagay na nakasanayan ko na noon.”

“Unang sintomas na naranasan ko ay noong nasa parking lot na kami [sa boracay], hingal na hi
ngal na talaga ako na hindi na ako makahinga tapos makaraan ang ilang araw, may mga lumit
aw na ugat sa bandang dibdib ko na parang mga spider webs kaya nagpasya na silang ipatingi
n ako sa doktor.

Sa kanyang pagpapagaling, sumailalim siya sa maraming mga tests tulad ng Bone Marrow, Elect
rocardiogram (ECG), X rays, radiotherapy at chemotherapy na uulit ulitin niya sa mga susunod n
a buwan,” pahayag ni Marilou Bacolod, ina ni Mark.

You might also like