You are on page 1of 3

Setting: Sa bahay; a mother with 4 pasaway na daughters (naka-scatter sa bob ng bahay, busy)

Anak 1 (May hawak na salamin), Mirror, mirror on my hand, who's the fairest of them all? (Sasagutin
niya rin ang sariii). Siyempre naman be, ikaw! Ano ba!? Bukod ka kayang pinagpala sa babaeng lahat!
Liza Soberano who? Ha! Never heard of her!

Nanay (nasaksihan ang pagiging vain ng anak): Naku, nainom ba nito nireseta ng doctor!? Sinusumpong
na naman ang anak ko! (Lalapitan ang anak) Uhm, anak, okay ka lang ba?

Anak 1: Of course! I'm fine! Because finally, Ariel happen to me one wash clean sa laba that for just
P7.50! (itutuloy ang pagsi-sing and dance; ang nanay pasimpleng lalayasan ang anak 1 para kamustahin
ang anak 2)

Anak 2 (nakitang palapit ang nanay, niiiiigpit ang mga test papers)

Nanay: O anak, kamusta exams?

Anak2: (Ibubulong ang sagot)

Nanay: Alam mo, 'nak, ibubulong mo na lang, hindi ko pa marinig. Whisper gamit mo, no?

Anak 2 (tumango; hinihila ng nanay ang test paper ng anak; ayaw ibigay pero nakuha niya pa rin)

Nanay: (Habang ini-scan ang test paper ng anak, napapailing; salitang titignan ang anak at ang test
paper; anak 2 mapapayuko) Wag ka na mag-Whisper. Mula ngayon mag-Modess ka na.

Anak 3 (na nagte-text): Why Motha!?

Nanay: E tignan mo naman ang score! Parang Whisper... no-no-no-no-no check! (with matching dance
step ni Nadine Lustre)

Anak 3 (tatawa nang nakaka-insulto): Oh mah gosh! Like, what a disastah!?

Nanay (pupuntahan ang anak 3): Hoy ikaw babae, tigil-tigilan mo ko sa pag-iingles mong may accent
ha!? Puro ka na tang cellphone, cellphone, cellphone! Hindi ka na mautusan! (Magtatabas ng listahang
pagkahaba-haba) Ipamalengke mo ko ‘ron!

Anak 3 (pakanta): And I am telling you (with matching duro)... I'm not going!

Nanay(mapapaliyad):Ano,tama ba narinig ko? Pakiulit mo nga!?

Anak 3: I'm not going!

Nanay: Again?

Anak 3: I'm not going!

Nanay (maglalabas ng pamalo): Sabihin mo uli!


Anak 3 (umayos; natanggal ang accent): Si mama naman di na mabiro. (Makikita ni Anak 3 na kakapasok
fang ni Anak 4) Alam ko na, I volunteer (name ng anak 4) for that position.

Anak 1: I second the motion.

Anak 3 (umayos; natanggal ang accent): Si mama naman di na mabiro. (Makikita ni Anak 3 na kakapasok
Lang ni Anak 4) Alam ko na, I volunteer (name ng anak 4) for that position.

Anak 1: I second the motion.

Anak 2: I move the nomination to be closed.

Anak 4 (pissed off): Aba,ang galing-galing niyo do'n ha!? Bigyan ng jacket yan! Grabe, alam ng kararating
ko lang, ako kagad ang uutusan!? Baka naman!? (Didiretso sa mama't magmamano)

Nanay: Anak, napansin ko, madalas ka ng umaga kung umuwi? Saan ka ba nagpupupunta?

Anak 4: Ma, night shift ako, remember? Call center!?

Nanay: Ay oo nga pala. Anak 4: Kung may dapat utusan dito, walang iba kung di yang si (name ng anak
1)

Anak 1: Bakit ako!? Why me? (Makikipag-usap uli sa sala min) Because you're the fairest of them all. Ow,
thank you be, napaka-honest mo talaga. (Prino-nounce niya with 'H')

Nanay (Napa-face palm): Juskoday, nilamon na ng sistema. Uhm, anak may appointment tayo kay Dr.
Phil bukas, ha? Paalala mo.

Anak 3: (Parang kinilig) Phil Younghusband!?

Nanay: Phil Collins. (Tinuon ang atensyon sa anak 2, trying to imply na siya na lang ang mautusan)

Anak 2 (nakakutob; nagdahilan): Magbabalat pa pala ako ng patatas.

Anak 3: (Pipigilan si Anak 2) Wait a second!? Nagfi-feeling Princess kayo para ma kaiwas sa work!? Ikaw
si Snow White at ikaw si Princess Sarah? Ganern!?

Anak 4: Bakit prinsesa ka rin naman, a!?

Anak 3: Cinderella?

Anak4: Princess Fiona.

Anak 3 (napa-pokerface while the rest are laughing): At sayo pa talaga yan nanggaling, ha!?

Nanay (namagitan): Ay naku kayong mga bata kayo. Wag na kayong magtalo.Sige, ako na lang bibili.
Kahiya sa inyo e, no? Pero lahat kayo magaganda, okay? Ano pa’t ako naging nanay niyo (tap ng nanay
sa baba; kinuha mula kay anak 1 ang salamin) Ang ganda ko kaya!
Anak 1: Ay be, uwian na. May nanalo na. Ginalingan ni mama e. (Nagwalk out)

Anak 2: Lutuan kitang French fries Ma, gusto mo? Pampalubag-loob

Anak 3: Motha, I understand where you're coming from. Basta, keep the faith and take your medicine.
(Magwa-walk out din)

Anak4: Ma, sa kanilang lahat, ako tang nakakaintindi sayo.

Nanay: Talaga nak?

Anak 4: Oo ma. Alam mo kapag ganyang kulang sa tulog - kung anu-ano na lang iniimagine natin e. Lalo
na yong hindi makatotohanan!?Ang magandang gawin diyan Ma, alam mo kung ano?

Nanay: Ano?

Anak4: Tulog mo na lang yan. (Nagwalk out na rin)

Nanay: (naiwang mag-isa; nagdrama) Mga walang pakisama. Pashnea.

You might also like