You are on page 1of 5

Republic of the Phillipines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III-Central Luzon
Division of Zambales
HOLY FAMILY ACADEMY OF ZAMBALES INC.
Agpalo St., Rizal, San Marcelino, Zambales

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
NAME:___________________________________________ DATE:_________________
GRADE & SECTION:______________________________ SCORE:_______________

I. Basahin ng mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Hindi ka nakapaghanda sa isang pag-uulat. Ano ang nararapat na gawin?
a. Hayaan na lamang ang nasabing pag-uulat.
b. Aaralin pa rin ang iuulat upang magkaroon pa rin ng magandang resulta.
c. Iaaasa sa mga kamag-aral ang pag-uulat.
d. Sasabihin sa guro na sa susunod na araw na lamang mag-ulat.
2. Bumagsak ka sa isang pagsusulit. Alam mong magagalit ang iyong mga magulang.
Anong nararapat mong gawin?
a. Ililihim ang pagkabagsak.
b. Hahayaang malaman ng mga magulang sa iba ang resulta ng pagsusulit.
c. Sasabihin ang totoo kahit na magagalit ang mga magulang.
d. Susunugin ang mga pagsusulit upang hindi na makita ng mga magulang.
3. Nakapulot ka ng malaking halaga ng pera. Ano ang nararapat na gawin?
a. Hahanapin kung sino ang nagmamay-ari at isosoli ang pera.
b. Itatago ang pera at gagamitin sa masamang bisyo.
c. Ibibigay sa aking ina dahil kailangan ito sa aming pangangailangan.
d. Ibigay sa mga nangangailangan.
4. Nakakita ka sa daan ng matandang pulubi. Ano ang iyong gagawin?
a. Pababayaan siya.
b. Bibigyan ng kung anong meron ka dahil nangangailangan siya.
c. Itataboy siya dahil sa mabahong amoy nito.
d. Pagtatawanan siya.
5. Nagkaroon ng malaking problema sa inyong pamilya. Maghihiwalay na ang iyong mga
magulang. Ano ang iyong gagawin?
a. Intindihin ang problema at tanggapin ang naging pagpapasiya ng mga magulang.
b. Magpapakamatay dahil wala nang saysay ang buhay sapagkat magkahiwalay na sila.
c. Maglalayas at pupunta sa mga kaibigan.
d. Hindi papansinin ang ama’t ina.
6-10. Anong moral na katangian ang ipinapakita sa bawat sitwasyon?

6. Ibinalik ni Monica ang kaniyang napulot na wallet.

a. Pagiging tapat
b. Handang magsakripisyo
c. May katapangan
d. Pagkakaroon ng integridad
7. Tumulong si Joseph sa paglilinis sa kanilang barangay.
a. Handang magsakripisyo
b. Pagkakaroon ng integridad
c. Pagiging matulungin
d. May pagpupursige
8. Nakasaksi si Jolina ng isang krimen. Napagpasiyahan niyang maging testigo upang
malutas ang kaso.
a. Pagiging maaruga
b. Pagiging matulungin
c. May katapangan
d. Pagiging tapat
9. Gumagamit pa rin si Gng. Laguitan ng po at opo sa kaniyang mga nakakausap kahit na
siya ay Principal na ng isang paaralan.
a. May paggalang sa ibang tao
b. Hindi nananakit
c. Pagkakaroon ng integridad
d. May malasakit
10. Pinatawad ni Rheine ang mga nakapanakit sa kaniya sa kanilang paaralan.
a. Mapayapa
b. Mapagpatawad
c. Mapaghintay
d. May isang salita
11. Nagtapat ang iyong kamag-anak na nakapatay siya. Ano ang gagawin mo?
a. Magsusumbong kaagad sa pulisya.
b. Kukumbinsihin ang kamag-anak na umamin sa awtoridad
c. Kukunsintihin ang ginawang mali ng kamag-anak
d. Hindi papansinin ang nagawang kasalanan ng kamag-anak
12. Mayroon kang kamag-aral na naiiba ang relihiyon sa inyong klase. Naatasan siyang
manalangin at napansin mong iba ang kaniyang panalangin sa nakasanayan ninyo. Ano
ang nararapat gawin?
a. Tatahimik at magdarasal sa sariling paraan
b. Pagtatawanan siya
c. Lalabas at magdarasal mag-isa
d. Sasabihin sa guro na huwag na muling pananalanginin ang kaklase niyong iyon
13. Nasaksihan moa ng pag-aaway ng mag-asawa sa inyong kapitbahay. Nanguha na ng
patalim ang lalaki at akmang sasaksakin ang kaniyang asawa. Anong gagawin mo?
a. Tatakbo ng mabilis palayo sa lugar na iyon
b. Walang gagawin
c. Lalayo sa lugar at hahanap ng pinakamalapit na stasyon ng pulis upang magsuplong
d. Sasabihin sa ama’t ina ang nasaksihan
14. Nagigipit ang iyong pamilya ngunit mayroon kang proyektong kailangang ipasa. Hindi ka
makakapagtapos ng pag-aaral kung hindi mo ito maipapasa. Ano ang gagawin mo?
a. Pipilitin ang mga magulang na magbigay ng pera para sa proyekto
b. Hahanap ng paraan upang makapgpasa ng proyekto kahit hindi humihingi sa mga
magulang
c. Hindi na lamang magpapasa ng nasabing proyekto
d. Hindi na magpapatuloy ng pag-aaral
15. Nahihirapan sa pagsusulit ang iyong kamag-aral. Ito ang inyong huling pagsusulit upang
makagraduate. Papakopyahin mob a ang iyong kaklase?
a. Oo, dahil kaibigan ko siya.
b. Oo, dahil sa gagawin ko ay makakapagtapos kaming pareho at walang maiiwan.
c. Hindi, dahil mali ang pagpapakopya.
d. Hindi, dahil kasalanan niya iyon at di siya nag-aral ng mabuti.

II. Tukuyin kung TAMA o MALI ang mga sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa
patlang.
__________11. Mahalagang sundin ng tao ang utos ng Diyos.
__________12. Hindi kailangang sundin ang mga batas sa tahanan.

__________13. Walang karapatan ang sinuman na sabihan ang isang tao sa nararapat nitong
gawin.

__________14. Nararapat na manalangin ang isang tao isang araw lamang sa loob ng isang
linggo.
__________15. Kailangan ng tao ang gabay ng iba kapag siya ay may dinadalang suliranin.
__________16. Lumapit sa mga taong gumagawa ng hindi mabubuti.
__________17. Huwag makilahok sa mga gawaing nakasisira ng kapwa.
__________18. Hindi nakatutulong ang paglapit sa Diyos tuwing tayo ay may pangangailangan.

__________19. Sa araw-araw na pamumuhay, maraming pagkakataon na ginagamit natin ang

ating konsensya ng hindi natin namamalayan.
__________20. Ang moralidad ng isang tao ay nakikita sa kaniyang mga kilos.

III. ESSAY (5 points each)

1. Sino ang taong pinakahinahangaan mo? Bakit siya naging kahanga hanga sa panigin mo?

______________________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang pahalagahan ang dignidad ng tao?

3. Paano mo itinataguyod ang iyong dignidad bilang tao?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ G O O D L U C K ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

PREPARED:

MICA JOLINA R. MORALES

Adviser
CHECKED:

MARICEL AGUILAR
Values Coordinator

APPROVED:

MRS. SEGUNDINA P. REGUA

School Principal

You might also like