You are on page 1of 1

Dec. 10 – Mt.

18: 12-14
Pagmamasid
Sa ating mga pamilya, mayroon tayong mga anak o kapatid na tinatawag na “black sheep.” Sila
yung mga taong suwail, wala nang ginawang tama sa buhay, at sila din ang pinapabayaan ng
pamilya
Paghahawi
Sa ebanghelyo, kay gandang isipin na hinihanap ang naliligaw na tupa. Kahit ang Diyos Ama,
ayaw niya “mawala isa man sa maliliit.” Na kahit ano mangyari, gagawin ng Diyos ang lahat
upang maibalik ang naliligaw, nawawala o suwail.
Pagtatabas
Kailangan natin matutunan ang kahalagahan ng isang pamilya. Ang pamilya, ayon kay Stitch,
ang lugar kung saan walang naiiwan, iniiwan, at iiwanan. Bukod sa mga kadugo, marami pa
tayong mga pamilya na ating kinakalakihan, tulad ng mga kaklase sa eskwelahan, mga kasama sa
simbahan, trabaho, atbp.
Pagsasaayos
Tandaan natin, may mga problema ang lahat ng tao. At kung hindi natin sila bibigyan ng
pagkakataon para ipahayag ang kanilang mga saloobin, hindi natin sila maiintindihan o
mauunawaan, at mananatili ang ating pagtingin sa kanila bilang isang “black sheep.” Hindi
lalago ang ating pakikipagugnayan sa kanila bilang isang pamilya. I-abot natin ang ating mga
kamay sa kanila, at ipakita natin sa kanila, na hindi sila nag-iisa at lagi silang may masasadalan
anuman ang mangyari
Pagdiriwang
Panginoon, biyayaan mo po kami na maging isang tunay na kapamilya para sa iba. Amen.

Dec. 11 – Mt. 11: 28-30


Pagmamasid
Mayroon po ba kayong kilala na galit sa mundo o akala mo pasan-pasan ang problema ng buong
daigdig? Di ba, ang sagwa, di sila ngumingiti, di mo makausap, at lahat ng sabihin nya, panay
pamumuna sa kapaligiran.
Paghahawi
Sa ebanghelyo, pinakita ni Hesus ang isang mabuting ehemplo, kung saan, kahit nahihirapan na
sya, kahit alam nyo na may nagaabang na panganib para sa kanya, kahit alam nya may kapalit
ang gagawin nyang kabutihan para sa atin, nanaig pa din ang pagpapakumbaba at pagmamahal
nya para sa tao
Pagtatabas
Higit sa mga problema bitbit natin sa ating buhay o sitwasyon kung nasaan tayo, huwag natin
kakalimutan ang mga ginawa ni Hesus para sa atin, ang pagpapakumbaba at pagmamahal. Hindi
nya ipinamukha sa atin kung gaano tayo kapalad sa kanya ginawa para sa atin, bagkus kusa nya
itong ibinigay para sa iba.
Pagsasaayos
Sa ating buhay, huwag natin masyadong dibdibin ang mga pagsubok at hamon na ibiibigay sa
atin. Inaanyayahan tayo ng ebanghelyo na hanapin ang mga magagandang bagay sa paligid natin.
Pagdiriwang
Maghanap ng mga pagagandang bagay sa paligid mo ngayon at magpasalamat sa Diyos

You might also like