You are on page 1of 4

FIRST QUARTER

ARALING PANLIPUNAN – GRADE - 7

PANGALAN_____________________________________________ SECTION: _____________________ ISKOR: __________

I.Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na pahayag/pangungusap. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa
sagutang papel.

___ 1. Halos lahat ng bansa sa Timog-silangang Asya ay nakalatag sa mababang latitude, kaya ang mga ito ay may klimang _______.
A.Kontinental B.Mediterranean C.Polar D.Tropikal
___ 2. Kung ang kabuuan ng Pilipinas ay mabundok, nangangahulugan na ang bansa ay mayaman sa lahat ng sumusunod maliban sa
______.
A.Kagubatan B.Langis C.Hydroelektrisidad D.Mineral
___ 3. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa, at ang mga ilog na lubhang napakahalaga sa
pamumuhay ng tao. Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, ang Indus sa India at ang Huang Ho sa China ay ilan lamang
sa mga ilog na ito na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang mahalagang gampaning ito?
A. Ang mga ilog na ito sa Asya ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig.
B. Maraming mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng rehiyon sa Asya ay naganap sa mga ilog na ito.
C. Madalas magdulot ng pinsala sa ari-arian at pagkasawi ng mga buhay ang mga ilog na ito sa tuwing may nagaganap na mga
pagbaha.
D. Ang mga ilog na ito ay nagsisilbing daanan ng mga barko paloob at palabas ng bansang kinabibilangan nito para sa kalakalan.
___ 4. Nahahati ang Asya sa limang rehiyon. Heograpikal at kultural na sona ang rehiyong ito. Ano ang mga batayan sa paghahati?
A. Parehong pamamaraan ng paglinang ng kultura
B. Porma ng anyong lupa at anyong tubig
C. Pisikal, historikal at kultural na aspeto
D. Klima at uri ng pamumuhay
___ 5. Kung malawak at mataba ang lupa sa Asya, ang pag-unlad ng ekonomiya nito ay nakasalalay sa pag-unlad ng teknolohiya sa
larangan ng __________.
A.Agrikultura C.Kalakalan
B.Industriya ng pagyari D.Turismo
___ 6. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-Silangan, at Silangang Asya. Tinatawag na heograpikal
at kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspetong pisikal, historikal at kultural.
Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang tinitignan bilang magkaugnay?
A. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasan sa larangang historikal, kultural, agrikultural at sa klima
B. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal
C. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho
D. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito
___7. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at topograpiya ng isang lugar.
Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig
at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
A. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.
B. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo.
C. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t-ibang buwan sa loob ng isang taon.
D. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
___ 8. Bakit nagbabago ang klima sa mundo?
A. Marumi ang hangin C. Nasira ang ozone layer
B. Dulot ng asidong ulan D. Dulot ng global warming
___ 9. Anong patakaran ang makabubuti para sa mga bansang Asyano na nahaharap sa ibat-ibang pangkat-etniko?
A.Asimilasyon C.Pederalismo
B.Awtonomiya D.Pagkakaisa sa pagkakaiba-iba
___ 10. Alin sa mga rehiyon sa Asya ang may pinakamaraming bansa?
A.Kanluran B.Silangan C. Hilaga D. Timog
___ 11. Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na damuhan
o grasslands. Tinatayang ang sangkapat (¼) ng kalupaan sa mundo ay ganitong uri. Alin sa mga uri ng grasslands ang may
mga damuhang mataas na malalalim ang ugat na matatagpuan sa ilang bahagi ng Russia at maging sa Manchuria?
A. Steppe B. Prairie C. Savanna D. Tundra
___ 12. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, itinuturing na pangunahin at napakahalagang butil pananim ang palay. Bakit?
A. Maaaring ipalit ang palay sa mga butil ng trigo, mais at barley.
B. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa TimogSilangang Asya.
C. Sagana sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim
D. Galing sa palay ang karamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyong ito.
___ 13. Mahalagang panatilihin ang ecological balance ng Asya sapagkat anuman ang maging katayuan at kalagayang ekolohikal ng
rehiyon ay tiyak na makakaapekto nang lubos sa pangkalahatang kalidad ng kapaligirang pandaigdig. Alin sa mga sumusunod
na konsepto ang akmang interaksyon ng tao sa kanyang kapaligiran upang umunlad ang kanyang kabuhayan?
A. Ang pagpapabagal ng paglaki ng populasyon upang maiwasan ang kakapusan at kakulangan ng pangangailangan mula sa
limitadong pinagkukunang-yaman
B. Ang patuloy na paglinang ng yamang likas tungo sa pagpapabuti at pagpapalago ng kabuhayan at paggamit ng mga
modernong makinarya sa pagkuha ng mga produkto at kapakinabangan mula dito
C. Ang paggamit ng paraang sustainable development o ang sistema ng pagpapaunlad unlad ng industriya o mga
gawaing pangkabuhayan na hindi isinasakripisyo ang kalikasan at pinapangalagaan ang mga ito sa pamamagitan ng
mga programa
D. Ang paghawan ng kagubatan at pagsasagawa ng reclamation para sa pagpapatayo at pagpapaunlad ng mga industriya,
gayundin ang pagpapalawak ng urbanisasyon
___ 14. Alin sa mga kongklusyon ang kumakatawan sa pahayag na “ Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi ”
A. Ang wika ay may iba’t ibang layunin.
B. Iba’t iba ang wika ng iba’t ibang tao.
C. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao.
D. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi.
___ 15. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan. Ano ang tawag sa
pagpapangkat na ito?
A. Etniko B. Nomad C. Katutubo D.Etnolingguwistiko

___ 16. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon ng isang bansa?
A. Upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon.
B. Upang magamit sa pagpaplano ng pamilya.
C. Upang maunawaan ang kahalagahan ng yamang tao.
D. Upang maging batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng mga patakaran /programa na makapagpapabagal o
makapagpapabilis ng pagdami ng tao.
___ 17. Batay sa resulta ng pananaliksik ng mga eksperto, tinatayang nasa apatnapung porsyento (40%) ng populasyon ng rehiyong
Asya-Pasipiko ay namumuhay sa mga lungsod. Ang mabilis na pagtaas ng antas ng urbanisasyon sa Asya ay nakapagdudulot
ng labis na epekto sa kapaligiran nito. Alin sa mga suliraning pangkapaligiran sa ibaba na bunsod ng urbanisasyon ang
lubhang napakasalimuot at epekto ng lahat ng usaping pangkalikasan?
A. Problema sa solid waste C. Pagkawasak ng kagubatan
B. Polusyon sa hangin at tubig D. Pagkasira ng biodiversity
___ 18. Ang Asya sa ngayon ay dumaranas ng samu’t saring suliraning pangkapaligiran, tulad ng nagaganap sa Aral Sea sa
Hilagang/Gitnang Asya na kilala bilang pang-apat na pinakamalaking lawa sa buong mundo. Ngunit mula taong 1989
hanggang 2003, ang Aral Sea ay lumiliit nang lumiliit ang sukat mahigit sa apat na beses, at humantong sa pagkakahati sa
dalawa- ang Large Aral Sea at Small Aral Sea. Ano ang implikasyon nito?
A. Ang kontinente ng Asya ang may pinakamabilis na antas ng paglala ng mga suliraning pangkapaligiran kumpara sa ibang
mga kontinente ng daigdig
B. Ang suliraning tulad nito ay lubhang nakakaalarma, kung kaya’t kailangan ang pagtutulungan ng bawat bansa sa buong
daigdig upang harapin ang mga hamon ng kalikasan
C. Ang pagbaba ng lebel ng Aral Sea, ang pagkasira ng mga pastulan at pagkatuyo ng mga lupa, at ang polusyon sa tubig
ang mga naitalang pinakamalalang suliraning pangkapaligiran sa Hilaga/Gitnang Asya
D. Malaki ang epekto sa buhay ng maraming tao ang pagbabago ng kalagayan ng kalikasan, kung kaya’t dapat maging aktibo
ang iba’t-ibang samahang pangkalikasan sa bawat rehiyon na bumuo ng mabisang solusyon para dito
___ 19. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
A. Ang hanggahan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa: tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto at
kabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong halamanan.
D. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga
Asyano.
___ 20. Ang hindi wastong pagtatapon ng solid waste o basura ay isang malaking suliraning pangkapaligiran sa malaking bahagi ng
Asya. Ang kawalan ng pasilidad at epektibong pamamahala upang itapon ito sa maayos na pamamaraan ang mga dahilan
nito. Alin sa sumusunod ang malaking epekto sa kapaligiran ng walang habas na pagtatapon ng basura kung saan-saan?
A. Nahaharangan ang mga daluyan ng tubig sa mga estero at ilog
B. Nanunuot sa lupa ang ilang mga maasido at organikong materyal
C. Nakokontamina o narurumihan ang hangin, tubig at maging ang lupa
D. Nahahalo ang nakakalasong katas nito sa tubig na iniinom at sa tubig na du-madaloy sa irigasyon
___ 21. Mainit na panahon ang nararanasan ng mga bansang nasa mababang latitude at nababalutan naman ng yelo ang ilang bahagi
ng rehiyong ito.
A.Kanlurang Asya C. Timog Asya
B.Hilagang Asya D. Silang Asya
___ 22. Ang bansang ito ay kilala na nangunguna sa produksyon ng Langis ng niyog at kopra sa buong mundo.
A.Japan B.China C.Pilipinas D.Indonesia
___ 23. Sa agrikultura nagmumula ang pangangailangan ng tao. Ano ang dapat pagyamanin upang lumaki ang produktong hilaw
A.Hayupan B.Lupa C.Makinarya D.Tractor
___ 24. Anong suliranin ang kaakibat ng pagdami ng mga pagawaan at pangangailangan ng tao?
A. Pagkaubos ng likas na yaman C. Pagsikip ng taniman
B. Pagkasira ng tirahan ng mga hayop D.Urbanisasyon
___ 25. Ang pagdami ng tao ay nangangahulugang pagdami rin ng panahanan. Anong suliranin ang idudulot nito?
A. Kakulangan ng espasyo C. Pagkatuyo ng taniman
B. Pagguho ng kagunatan D. Kargdagang kasuotan
___ 26. Kapag hindi maayos na mapamahahalaan ang mga basura, ano ang maidudulot nito?
A.Deforestation B.Polusyon C.Salinization D.Siltation
___ 27. Ano ang pangunahing batayan sa pagsukat ng kahirapan ng isang bansa?
A.Edukasyon B.Ekonomiya C.Kalusugan D.Pabahay
___ 28. Ang sumusunod ay mga sukatan sa pagtatamo ng maayos na kaunlarang pantao o human development. Alin ang hindi
kabilang?
A. Kaunlarang batay sa antas ng kamuwangan ng mga may sapat na bilang.
B. Disenteng antas ng pamumuhay batay sa GDP per capita
C. Mahaba at malusog na uri ng pamumuhay batay sa life expectancy at birth rate
D. Partisipasyon sa mga usaping pangkabuhayan at panlipunan.
___ 29.Ang sumusunod ay mga kahalagahan ng wika sa mga grupong etnolinggwistiko maliban sa ______.
A. Hindi sila maintindihan ng ibang grupo.
B. Magiging batayan sa paghubog ng kanilang kultura
C. Magsisilbing pagkakakilanlan ng mga grupo
D. Nakatutulong sa kanilangg pagkakaisa
___ 30. Alin sa sumusunod ng mga institusyon ang may mahalagang papel sa pagtataguyod ng wika?
A.Mag-anak B.Pamahalaan C.Kalusugan D.Pabahay
___ 31. Ano ang implikasyon ng mataas na Literacy Rate?
A. Mataas na Employment Rate C. Mataas na GDP/capita
B. Pagbaba ng Death Rate D. Pag-unlad ng bansa
___ 32. Ayon sa ABC News, 33 bata ang isinisilang sa India kada minuto. Ano ang suliraning kakaharapin ng pamahalaan?
A. Walang sapat na pundo para sa serbisyo publiko
B. Kakulangan ng ospital
C. Kawalan ng hanapbuhay o unemployment
D.Pagsikip ng espasyo

Suriin ang bawat pangungusap at piliin ang dalawang kahalagahan ng wika sa mga pangkat-etnolinggwistiko
___ 33. ___ 34.
A. Nagiging batayan sa paghubg ng kanilang kultura
B. Nagiging salik sa pagtaas ng sahod
C. Nagsisilbing pagkakakilanlan ng grupo
D. Nagdadamayan ang bawat pangkat
___ 35. Ano ang nagyayari sa wika kapag ang isang tao ay napupunta sa ibang lugar?
A. Dala niya ang kanyang wika saan man siya pumunta
B. Natutuhan niyang magsalita ng ibang wika.
C. Nakakalimutan niyang magsalita ng ibang wika
D. Nakakalimutan niya ang kanyang wika
___ 36. Anong patakaran ang makakabuti para sa mga bansang Asyano na nahaharap sa iba’t-ibang pangkat-etniko?
A.Asimilasyon B.Awtonomiya C.Pederalismo D.Pagkakaisa

Suriin ang talahanayan at sagutin ang mga katanungan.


BANSA Bahagdan ng Unemployment Rate Life GDP per
Marunong Expectancy Capita
bumasa at
sumulat
Singapore 92.5 1.9 82.06 60,500
Azerbaijan 99.8 6 67.0 10,300
UAE 77.9 4.3 76.32 45,653
Qatar 96.3 0.5 75.51 92,501
Tajikistan 99.7 60 65.68 2,100
Pilipinas 92.6 6.9 71.38 4,100

___ 37. Anong bansa ang may pinakamataas na bahagdan na marunong bumasa at sumulat?
A.Azerbajan B.Pilipinas C.Qatar D.Tajikistan
___ 38. Anong bansa ang may pinakamahabang buhay o Life Expectancy?
A.Azerbajjan C.Tajikistan
B.Singapore D.United Arab Emirates
___ 39. Anong bansa ang may pinakamalaking bahagdan ng walang trabaho?
A.Azerbaijan C.Tajikistan
B.Singapore D.United Arab Emirates
___ 40. Anong bansa ang may pinakamataas na kita ng bawat indibidwal sa loob ng isang taon?
A.Azerbaijan C. Tajikistan
B. Singapore D. United Arab Emirate

II. Pagtambalin ang hanay A at B. Isulat ang napiling sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
___ 41. Pinakamalaking tagapagluwas ng A. Migrasyon
petrolyo sa daigdig B. Literacy rate
___ 42. Pagkasira ng lupa o pagbaba ng C. Saudi Arabia
kapakinabangan nito D. Japan
___ 43. Pangunahing batayan ng pagsukat E. Remittance
ng kahirapan ng isang bansa F. Ekonomiya
___ 44. Pandarayuhan sa loob o labas ng bansa G. GDP
___ 45. Bansang may pinakamalaking populasyon H. Kanlurang Asya
sa daigdig I. China
___ 46. Porsyento o bahagdan ng populasyong J. Soil Degredation
marunong bumasa at sumulat
___ 47. Kabuuang panloob na kita ng isang bansa
sa loob ng isang taon
___ 48. Dolyar na ipinapadala ng mga OFW
___ 49. Bansang may pinakamalaking life expectancy
___ 50. Rehiyong mayaman sa langis at iba pang
depositing mineral

III. Pagpupunan. Punan ng salita o mga salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

51. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay dahilan sa _______________________________________________________________


______________________________________________________________________________________________________.
52. Para mabigyan solusyon ang kakulangan sa pagkain, kailangan ng land conversion o paggamit sa ilang lugar para gawing sakahan
na sanhi ng pagkawasak ng _____________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________.
53. Kung iba’t-iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya, nangangahulugang pinakamalaking hamon sa bansa ang
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________.
54. Halos lahat ng bansa sa Timog-Silangang Asya ay nakalatag sa mababang latitud, kaya ang mga ito ay may klimang
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________.
55. Ang edukasyon ng mga mamamayan ng isang bansa ay ___________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________.
56. Isa sa mga katangiang pisikal ng Asya ang _____________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________.
57. Ang mga produktong agrikultural na umaasa sa matatabang lupain ay tumutustos sa ____________________________________
________________________________________________________________________________________________________
58. Ang mga yamang likas ay binubuo ng mga ______________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________.
59. Itinuturing na napakahalagang butil pananim ang palay sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya dahil sa ________________
________________________________________________________________________________________________________.
60. Matabang lupaing prairie sa Mongolia kaya ang pinakapangunahing hanapbuhay rito ay __________________________________
________________________________________________________________________________________________________.

Inihanda ni:

REMIELYN C. LAZARO
Guro sa AP

You might also like