You are on page 1of 1

“Clarita”

Maganda ang palabas na aming napanood. Maganda ang mga kuha ng mga Kamera sa bawat anggulo
ng palabas. Maganda rin ang naging takbo ng kwento na pinag bidahan ni Jody StaMaria bilang si
“Clarita”. Ang babae na sinasapian ng mga demonyo. Maraming aral ang makukuha dito, kasama na dito
ang pag kakaroon ng malakas at buong pananampalatay sa ating Poong Maykapal. Ipinakita sa palabas
na ito na kung ikaw ay naniniwala sa Diyos ay dapat ka ding maniwala sa mga Demonyo, ang matinding
kalaban ng kabutihan noon pa man. Marahil ay nakasisindak ang palabas na ito ngunit ito rin ay
magandang panoorin upang lubos nating maintindihan ang mga bagay na kung minsan ay gumugulo sa
ating mga isipan. Kung mayroon mang hindi maganda sa palabas na ito, ayun ay ang mga lugar kung saan
kinuha ang bawat parte ng palabas. May mga lugar na madidilim at hindi aplikado sa maliwanag na
kapaligiran. May mahina ring tunog ang palabas kung kaya’t hindi ito marinig ng maayos lalo na kung
nasa malawak at maingay kang lugar. Sa kabuuan ng palabas ay na mangha ako dahil naipakita ng mga
Direktor at iba pang may hawak sa palabas ang mga detalye na kanilang nais iparating, lalo na kung kelan
at gaano na katagal ang mga nangyari. Ang nga nilagay din na epekto para gumanda at lubos na
makapukaw ng atensyon sa manood ay tunay na maganda at kapansin-pansin para sa akin.

You might also like