You are on page 1of 4

PULUBI (MONOLOGO)

Si Nikki ay laki sa kalye. Hindi niya kilala ang kaniyang mga magulang at pinalayas
siya ng tiyahin niya noong siya ay anim na taong gulang pa lamang. Simula noon,
nabago ang takbo ng buhay niya. Siya ay sampung taong gulang na sa kasalukuyan,
ramdam at tinitiis niya ang mabuhay ng mag-isa.
“Ano ba naman ‘to? Habang buhay nalang ba akong magiging ganito?”
Palakad-lakad ang batang si Nikki hanggang sa ‘di niya namalayan na nakadating siya
sa isang perya.
“Nandito nanaman ako sa perya? Sa dinami-rami ng lugar na pwede akong dalhin
ng mga paa ko, ba’t dito pa? Baka mamaya paalisin na naman ako ng guard dito.”
Himala nalang din na hindi namalayan ng guard na nakapasok na si Nikki. Manghang-
mangha siya sa kaniyang nakita sa loob.
“Wow! Ang ganda naman pala dito.”
Lakad siya ng lakad na hindi tumitingin sa kaniyang dinadaanan dahil sa labis na
pagkamangha at tuwa. Hindi niya namalayan na may mababangga pala siyang isang
batang babae.
“Ay! Sorry po.” Sabi ni Nikki.
“Ano ba kasing hinaharang-harang mo diyan ha?! Ba’t dika tumitingin sa
dinadaanan mo?!” Sagot ng batang babae sabay tulak sa kaniya at umalis na ito.
“Aray! Sorry po ulit pasensya na.” Sabi ni Nikki habang nakatingin sa batang
papalayo sa kaniya.
Lingid sa kaalaman niya may isang batang lalaki na nakakita ng buong pangyayari.
Linapitan siya nito habang nagpapagpag siya ng damit.
“Ok ka lang?” Tanong ng batang lalaki.
“Ah oo.”
“Dj! Halika na, let’s go home.” Tawag ng nanay nung batang lalaki sa kaniya. Ngunit
hindi ito kumibo.
“Oy bata! Tawag kana yata ng nanay mo.” Sabi ni Nikki sa batang lalaki.
“Narinig ko hindi ako bingi. Anong pangalan mo?”
“Nikki.”
“Sige aalis na ako.”
Nalito si Nikki sa inasal ng batang lalaki ngunit ‘di niya nalang ito inintindi.
Lumipas ang dalawang araw, naisipan ni Nikki na mamalimos sa malapit sa paaralan.
“Ate palimos po kahit limang piso lang. Pangkain ko lang po ate.”
“Ate palimos po.”
“Kuya kahit pangkain ko lang po.”
Dinadaanan lamang siya ng mga tao. May ibang nagbibigay, may iba namang nandidiri
pa.
May batang lalaki na tumawag kay Nikki.
“Hoy bata! Hindi ba ikaw yung nasa perya?”
Matagal bago nakasagot si Nikki dahil inaalala niya pa kung sino ang batang lalaking
kumakausap sa kaniya ngayon.
“Hindi mo na ba ako naaalala? Ako ‘to ‘yung nakilala mo sa perya. ‘Di ba Nikki ang
pangalan mo?”
At napagtanto ni Nikki na yun nga yung batang lalaki sa perya.
“Ah! oo naaalala na kita. Diyan ka nag-aaral?” Tanong ni Nikki sabay turo sa
paaralan sa harap niya.
“Oo. Bakit? Ikaw saan ka nag-aaral? Nasan ang nanay mo? Bakit ganiyan ang suot
mo? Ba’t ang dumi?”
“Teka dahan-dahan lang naman ‘no? Isa-isa lang ha? Ah hindi ako nag-aaral. Wala
akong nanay. At madumi ako kasi batang kalye ako. In short pulubi ako. Hindi kaba
natatakot sakin?”
“Ah naiintindihan ko na. Ba’t naman ako matatakot sa’yo eh bat aka rin lang
naman?”
“Dj, tara na.”
“Teka ma, sandali, pwede ba natin siyang isama?”
Sabay turo kay Nikki na ikinagulat naman nito.
“Who is she anak?”
“Mom, she’s a friend. I wanted to help her because wala siyang pagkain. Tsaka ma,
may sasabihin ako sa’yo mamaya.”
Pumayag ang nanay ng bata at ngumiti ito kay Nikki ng buong-buo.
Nasa isang fastfood sila kumain at ang daming tanong ng nanay ni Dj. Sagot lang din
ng sagot si Nikki.
“Sa tingin ko matalino ka namang bata. Gusto mo bang mag-aral ulit?”
“Gustong-gustong ko po mam. Kaya lang alam ko namang wala talagang pag-asa
eh.”
“Iha, I’ll be willing to help you, I can send you to school? You can live with me and Dj.
And please call me Tita Anika.”
Tinanggihan ni Nikki ang alok ng nanay ni Dj ngunit pinilit siya nito at kalaunay
pumayag na rin siya. Lubos ang pasasalamat niya rito. Alam niyang panibagong simula
na ito para sa kaniya. Hindi siya pinabayaan ng Panginoon sa kabila ng hirap na
dinanas niya sa loob ng limang taong pamumuhay ng mag-isa. Hindi niya sinayang ang
pagkakataon at nag-aral siyang mabuti at sinuklian ang mga taong tumulong sa kaniya.
Kasabay niyang lumaki si Dj at tinuring nilang magkapatid ang isa’t-isa dahil noon
paman gusto na talaga ng kapatid na babae ni Dj.

Namuhay ng masagana si Nikki sa kaniyang pagpupursigi at gabay ng Panginoon,


at pinatunayan niya sa Tita Anika niya na hindi ito nagkamali sa pagtulong nito sa
kaniya.

Mary Nikka Albarico


10-Solidarity

You might also like