You are on page 1of 1

Sabi nila, mahirap makahanap ng kaibigan,

Pero mali,

Madaling makahanap ng kaibigan,

Mahirap makatagpo ng tunay na kaibigan

Tumingin ka sa langit,

Bilyon-bilyong mga bituin,

Bilyon-bilyong mga bituin ang nandiyan sa harapan mo,

Pero kapag sumilay na ang init, ang init ng buhay, ang pait ng buhay

Ilan na lang diyan ang matitirang kumikislap

Bilang na lang diyan ang mananatili sayo

Konti na lang diyan ang hindi mang-iiwan

At isa sa mga bituin na iyon , ay ang tinitignan ko

Oo, isa kang bituin

You might also like