You are on page 1of 10

IBA’T-IBANG MGA

MATALINGHAGANG
SALITA
KASABIHAN
- ito ay bukang bibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing patnubay sa dapat
gawin sa buhay.(Nacin et.al). Sa anyo, kadalasa’y anyong Patula na isa o dalawa ang
taludtod na may sukat at tugma.
IDYOMA
- ito ay matalinhagang pahayag na nakatago sa likod ng salita ang tunay na kahulugan nito.
Natututuhan parin ang kahulugan sa tulong ng malalim na pag-unawa sa diwa ng
pangungusap.
- Gumaganda ang pangungusap sa tulong ng idyoma dahil di nito inilalantad agad-agad
ang diwang taglay nito.Binibigyan parin ang mambabasa ng pagkakataong kilitiin ang
sariling isip.

Halimbawa:
Naniningalang pugad - nanliligaw
Nagbibilang ng Poste - walang gawa/trabaho
Isang kahig, isang tuka - naghihirap
PERSONIPIKASYON
-ito ang uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay mistulang may buhay sa tulong
ng pandiwa. Pandiwa na kadalasang ginagamit sa tao upang ilarawan sa bagay upang
mag-anyong may buhay.

PAURINTAO
-uri ng tayutay na ang bagay na walang buhay ay mistulang may buhay sa tulong ng
pang-uri. Ang pang-uring gamit ay pantao sa ikakapit sa bagay kaya ang bagay na
inilalarawan ay waring may buhay na gumagalaw.
TAYUTAY
- Anumang pahayag ay gumaganda kung katuwang nito’y mga tayutay sa iba’t-ibang uri
nito.

Iba’t –ibang uri ng itayutay;


Patutulad/Simili – ang paghahambing ng dalawang bagay sa tulong ng mga salitang
pahambing sa masining na pahayag.
Pagwawangis/Metapor – ang paghahambing ng dalawang bagay o tao na di
ginagamitan ng anumang salitang pahambing. Tahasang binabanggit ang salitang katulad
ng isang bagay o anumang inihahambing sa pinaghahambingan.
Sinekdote – uri ng tayutay na tumutukoy sa isang bahagi upang tukuyin ang kabuuan.
Maaring bahagi ng katawan ng isang tao o bahagi ng bahay na kahit bahagi lang ang
banggitin, tumutukoy na ito sa kalahatan.
Oksimoron – sa uring ito ng tayutay palasak na gumagamit ng dalawang salitang
magkasalungat ang kahulugan upang ipahayag ang diwa ng pangungusap. Dalawang
salitang maaaring positibo o negatibo ang hatid na kahulugan.
Metonimya – ang pagtukoy sa isang salita o pahayag upang katawanin ang isang bagay o
pangngalan. Sa halip na payak o simpleng salita ang tukuyin pinapalitan ito ng salitang
matalinghaga.
Pagtawag – ang bagay na abstrak, walang buhay at hindi nakikita ay kinakausap at
tinatawag na parang may buhay at nakikita. Ang pagtawag sa salitang abstrak ay may himig
ng pagnanais o ng parang hinanakit.
Paradoks – katumbas ito ng mga salawikain o sawikain, nagbibigay aral at puno ng
kagandahang asal. Madalas nagsisilbing pampaalala sa nakakalimot ng kagandahang asal.
Paglumanay/Eupemismo – ang orihinal na katawagan ay pinagagaan sa kahulugan, sa
pagpapalit ng katawagan upang di maging mabigat sa pandinig o damdamin ng iba ang
sitwasyon.
Pag-uyam/Ironiya – ito ang pagtukoy sa kabaliktaran ng katotohanan na may pangungutya.
Ginagawa ang pag-uyam upang di tahasang ipamukha ang tunay na negatibong kahulugan
ng pangyayari.
Hiperbole/Eksaherasyon – sobra sa dapat o sa katotohanan ang binabanggit na pahayag.
Kung susuriin ang diwa ng pahayag animo’y may pagyayabang na nais ipangalandakan.
Onomatopeya – ang tunog o himig ng salita ay nagpapahiwatig ng kahulugan nito. Sa
bagay na ito lubhang kailanganangtunog sensitibo sa tunog ng salita ang nakikinig upang
maiuganay sa tinutukoy.
Alterasyon – ang pag-uulit ng tunog-katinig sa simulang titik sa mga salita sa loob ng
pahayag. Pare-parehong tunog ng katinig ng simulang titik ang karamihan ng mga salita sa
loob ng pangungusap ang tinutukoy.
Asonansya – ang maraming pag-uulit ng magkaparehong tunog-patinig sa simulang titik ng
mga salita sa loob ng pahayag.Dito’y pare-parehong titik ng patinig ang simula ng karamihan
ng mga salita sa loob ng pangungusap.
Alusyon – ang pag-aalang muli sa kaalamang patuloy na naiimbak sa likod ng utak ng taong
may pinag-aralan. Kabilang ang mga ito sa ating wikang frozen na naaalala’t nagagamit sa
panahong talagang kailangan. Ito ang mga salitang kapag nabanggit, agad matutukoy kung
nasa kategoryang literature,mitolohiya o Bibliya.
Alusyon sa iba’t-ibang kategorya;

Alusyon sa Heograpiya
Alusyon sa Literatura
Alusyon sa Mitolohiya
Alusyon sa Bibliya
Faith cometh by Hearing
and Hearing by the Word of GOD!!!

THANK YOU FOR LISTENING!

You might also like