You are on page 1of 27

Prologue

Sabi nila, nakatatak na raw sa bato ang hinaharap. Na lahat


nang nangyayari sa ating mundo ay nakatakda na.

Bawat hinga, bawat hakbang may dahilan at patutunguhan.


Lahat ng nangyayari sa paligid mo ay may ibig sabihin. May
destinasyon at may katapusan.

Mula sa mumunting pagkakataon hanggang sa malalaking


okasyon. Lahat ng ito’y may kahulugan.

Nakasaad na umano ang lahat sa kapalaran.

Pero ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng buhay?

Bakit nabubuhay ang tao sa mundo?

Bakit nabuhay pa ako?

Naglalakad ako ngayon sa gitna ng kadiliman.

Ang patutunguhan? Hindi ko alam kung saan.

Basta ang alam ko naglalakad akong mag-isa. Walang kasama.


Walang makit kundi ang liwanag sa dulo ng kawalan.

Naglalakad…

Naglalakad…

Patuloy na humahakbang kahit hindi alam kung ano ang


nagtutulak sa akin para sundin ang munting ilaw sa hindi
kalayuan.

Tumingin ako sa aking dinadaanan pero kadiliman lamang ang


aking nasilayan. Tiningnan ko ang aking mga kamay, ang aking
mga paa, ang buhok kong tinatangay ng malamig na hangin
habang patuloy kong inilalapit ang aking sarili sa nagsisilbing
liwanag sa kawalang aking tinatahak.

Gaano katagal na nga ba akong naririto?

Alam kong hindi ito panaginip pero hindi rin ito totoo.

Nasaan ako?

Sino itong nasa harapan ko?

Napatigil ako sa aking paglalakad ng may biglang lumitaw mula


sa kawalan na lalaki na humarang sa aking dinadaanan.

Binatilyo.

Nakasuot ng itim na punit punit na maong. Kayumanggi ang


balat at katamtaman ang pangangatawan. Nakabalabal sa
kanyang katawan ang telang animo’y gawa sa kadilimang
bumabalot sa amin.

Tulad ng maong, punit-punit din ang manggas ng kangyang


balabal na gaya ng aking buhok na mahaba ay tinatangay ng
hangin na tulad ko ay hindi ko alam kung saang nagmula at
saan ang pupuntahan.

Kulot ang buhok nya at may kaiklian. Parang yung nakikita


kong istilo ng mga sundalo. Maiksi at malinis.

Ang kanyang mga mata ay itim na itim. Ang mukha nya ay hindi
mo kakikitaan ng emosyon o reaksyon.

Hindi ko masabi kung maganda o pangit syang tingnan.

Ang mukha nya ay parang mukhang hindi malilipasan ng


panahon. Kahit gaano mo katagal tingnan, mauubos ang oras
mo sa pag iisip kung paano ito bibigyan ng diskripsyon.
Mukhang parang kahit dumaan ang ilang siglo, hindi
magbabago, hindi maluluma ngunit hindi rin bago. Mukhang
kahit ilang taon siguro ang lumipas, iyon pa rin ang anyo.

Nakatingin sya sa akin. Wari’y pinagaaralan ang aking mukha.

Hindi…

Ang kanyang mga matang tulad ng kanyang mukha na wari’y


hindi mabilang na agos ng panahon na ang nakita ang ngayon
ay nakatitig sa akin.

Animo’y binabasa nya ang pagkatao ko. Hinahalungkat kung


sino ako, kung ano ako at kung paano ako nakarating dito.

Hindi ko alam kung gaano katagal kami nagtitigan. Kung may


oras nga ba na dumadaloy sa aming kinaroroonan. Ngunit
sigurado ako na sa paglabas ng nanunudyong ngiti sa kanyang
maninipis na labi.

Alam ko…

Nalaman na nya ang lahat ng tungkol sa akin.

Mga bagay na kahit ako ngayon ay hindi ko maatim na


alalahanin.

“Ako si Khronos. Ang Diyos ng Oras at Panahon,” pakilala nito


sa akin, “Tapos na ang oras mo sa mundo. Wala ka nang
magagawa para baguhin pa ang naitakda ng kahapon,” walang
emosyong wika nito sa akin, “Kailangan mo nang sumama sa
akin. Sa gusto mo o sa hindi. Papunta sa kung saan nagsimula
at nagtatapos ang walang hanggan.”

Tapos na?

Ang alin?

Oras? Oras saan? Sa mundo?


Mundo?

Gusto kong alalahanin ang pinakahuli kong alaala ngunit may


kung anong napigil sa aking balikan ang nakalipas na memorya
ng nakaraan.

Hindi ako kumilos. Ni kumarap ay hindi ko magawa. Nakatitig


pa din ako sa kanyang nakakalunod na mata.

Mga matang kahit ang oras mismo ay nakikita.

Muli kong binalikan ang mga binitawan nyang mga kataga.

Tapos na ang oras ko sa mundo?

“Natapos na ang oras mo para mabuhay. Walang makakatakas


sa kamatayan pag ito ay naihatol na ng kapalaran at tinapos na
ng oras,” sunod na sabi nito sa akin.

Wari ba’y inaasahan nito na manlalaban ako o itatanggi ko ito


sa kanya.

Pero wala akong maramdaman.

Patay na ako…

Ngunit bakit kahit alam ko ang ibig sabihin nito ay wala akong
emosyon na maramdaman mula sa aking puso?

Katahimikan…

Nakakarinding katahimikan ang pumagitna sa aming dalawa sa


aming kinakatayuan.

“Wala ka bang sasabihin?” tanong nya sa akin, “Karamihan sa


mga taong sinusundo ko ay nakikipaglaban at away sa akin pag
sinabi ko sa kanila ang totoo. Ang iba ay maligaya sa aking
pagdating. Naiintindahan mo ba?”
Naiintindihan ko ang sinasabi nya. Pero wala akong maisip na
kailangan pang isagot sa Diyos sa harap ko.

Hindi ko alam kung bakit pero wala akong mailabas na kahit na


ano mula sa aking mga bibig.

Katahimikan…

Nakipagtitigan lang ako sa lalaking nasa aking harapan ng


walang imikan.

“Bakit hindi ka nagsasalita?” untag nito sa akin.

Bakit nga ba?

Bakit nga ba wala akong masabi?

Bakit wala akong maramdaman?

“Anong klase kang tao?” tanong nito na wari ko’y katanungan


nya sa kanyang sarili bagkos sa akin.

Katahimikan…

Katahimikan…

Nakakarinding katahimikan sa gitna ng kawalan…

Parang ang puso kong patay nga ngunit parang namatay na


walang laman.

Alam kong may gusto akong sabihin. May gusto akong ilabas.
May nais akong iparating. Pero hindi ko maisip o maradaman
sa aking damdamin…

Gusto kong humiyaw, umiyak, magwala at magmakaawa. Para


saan, bakit at para kanino?

Hindi ko alam.

Ngunit ang puso ko ay manhid at walang laman.


Patay na nga ako, siguro patay na din ang aking puso?

Nakakunot na ang noo na nakatitig sa akin ang binatang


kaharap ko. Hindi ko alam ang kanyang iniisip pero alam kong
may balak itong gawin sa akin.

Inangat nito ang kanyang kanang palad at ibinuka ito. May


lumabas na liwanag mula dito, malamlam at matingkad ngunit
hindi nakakasilaw.

Iniangat nito ang liwanag sa kanyang dibdib at umihip ng


malakas ang hangin.

Napansin ko na parang may kakaiba sa kanyang balabal. Wari’y


gawa ito sa balahibo ng uwak. Itim na itim at wari’y
pumapagaspas.

Hindi na natapos ang pag-aaral ko sa anyo nito dahil bigla itong


gumalaw at bumuka.

Ang akala ko’y sira-sirang balabal kanina ay mga nakatuping


itim na pakpak pala. Nakabuka ito at nakita ko ang itim na
sando na suot ng Diyos sa aking harapan na gaya ng kanyang
pantalon ay may punit at sira din.

Napatingin ako sa liwanag na hawak nya sa aking harapan.


Naghugis bilog ito na may labindalawang numero at tatlong
kamay.

Isang orasan na gawa sa liwanag.

Tatlumpung minuto bago mag alas dose. Ngunit umiikot


pabalik ang mga kamay nito.

Dahan dahan sa una pero sa kalaunan ay bumibilis hanggang


sa hindi na masundan ng aking mga mata ang pag inog nito.

Biglang tumigil ito sa pag-galaw at isang nakakasilaw na


liwanag ang bumulag sa aking mga mata.
Nawala ang tinatapakan ko at nahulog ako sa kawalan.

Wala akong marinig kundi ang pagaspas ng malalaking pakpak.

Hanggang sa pagmulat muli ng aking mga mata ay nakita kong


wala na ako sa mundo ng kadiliman.

Ngunit nasa harapan ng isang paaralan.

Malinis at bago ito. Tahimik at madaming puno. Mataas at


malawak. Tipikal at normal.

Ngunit walang buhay akong maramdaman mula rito. Walang


tao.

Walang kahit sino…

“Mataas na Paaralan ng Kapitolyo,” malamig na wika ng boses.

Pag lingon ko sa aking balikat ay nakita ko ang Diyos ng Oras na


nakatayo sa aking tagiliran.

“Ginawa ko ito hango sa iyong mga alaala,” simula nito sabay


tingala sa mataas na tore ng eskwelahan, “Isang paaralan, base
sa iyong mga pangarap. Hindi ba?”

“Paaralan,” halos pabulong kong ulit sa salitang binitiwan nya.

Napangiti ito at nagpatuloy na tumitig sa akin, “Sa wakas at


nagsalita ka din.”

Tumingin ako muli sa eskwelahan at napakurap, “Kapitolyo…


Paaralan… Ito yung lugar kung saan dapat papasok ako. Mag-
eenroll dapat ako dito pero sa kalapit na building ako
nakapasok. Sa isang ospital…”

Para akong may binabasa habang nagsasalita ako at nakatingin


sa paaralang nagpapabalik ng aking mga memorya.

Nang aking mga pangarap at istorya…


“Malapit lang ito sa silid na tinutuluyan ko sa ospital kaya kinig
ko ang mga tawanan ng mga estudyanteng pumapasok dito,”
pagpapatuloy ko sa aking pagimik habang unti-unting
nanunumbalik sa akin ang lahat, “Pangarap kong makatapak
dito. Gusto kong makapag-aral dito. Gusto kong magkaroon ng
madaming kaibigan.”

Naramdaman kong napangiti ng malungkot ang aking mga labi,


“Ngayon, nandito na ako sa wakas…”

Tahimik lang ang aking nag-iisang kasama sa lugar na ito. Alam


kong nagmamasid sya sa akin.

Dumako ang aking paningin sa isang lamesa sa gilid ng


paaralan sa hindi kalayuan. Naglakad ako papalapit dito at
nakita ko ang mga nakapatong dito.

Mga bagay na alam kong kasama ko sa aking kabaong.

Nakinig ko ang pagaspas ng mga pakpak at ang pag lapag ng


mga paa sa aking likuran.

Inabot ko ang isang stuff toy na pusa at ipinakita ko ito sa


binatang nakatayo sa aking likuran, “Tingnan mo ito oh.
Paborito ko ito. Bigay nung mabait na nars sa akin. Lagi ko
syang katabi sa aking higaan at tuwing ooperahan ako.”

Wala akong nakinig na sagot mula sa kanya. Ang tanging


reaksyon lang na makakapagsabing nakinig nya ako ay ang
pagkurap ng kanyang mga mata.

Ibinalik ko ang hawak kong laruan sa lamesa at kinuha ang


isang mamahaling pocket watch sa tabi nito, “Itong
pocketwatch na ito, pamana ito ng nanay ko sa akin. Sabi nya
ingatan ko raw ito kasi mula pa raw sa kanununuan pa nya yan.
Purong ginto yan at mamahalin. Pero hindi ko na din naman
magagamit.”
Napatingin ako ulit sa kasama ko at sa aking hawak na relo.
Lumapit ako sa kanya at isinabit ko ang pamana sa akin ng
aking ina, “Ilang araw lang pagkabigay nya sa akin nyan ay
namatay na din sya. Sa iyo na lang. Bagay sa iyo. Diyos ka ng
Oras diba?”

Hindi nya ako sinagot pero tiningnan lang nya ang gintong
pocket watch na nakasabit na ngayon sa kanyang leeg bago
ibinalik ang tingin sa akin.

“Quince ang pangalan ko. Sabi nung mabait na nars baka raw
mahilig sa quince na prutas yung nanay ko nung
pinagdadalang tao nya ako. Pero ang alam ko, pang patay ung
prutas na yun.”

Wala akong sagot na narinig pero hindi naalis sa akin ang


kanyang titig.

Kinuha ko ang isang kumpol ng buhok na maayos na nakatali


ng ribbon at nakatupi at ipinakita ito dito, “Ito yung buhok ko
na ginupit nung nars bago ako kalbuhin. Para raw may
remembrance kasi ang ganda raw ng buhok. Mahaba at kulot
pero malambot at maayos tingnan. Pagkatapos nung
operasyon, hindi na bumalik sa dati ang aking buhok. Gawa
raw ng gamot at ng sakit ko. Tuwing tinitingnan ko ito,
sumasama ang loob ko kasi hindi ko na maibalik ung isa sa mga
kakaunting maganda sa akin. Pero hindi ko maitapon…”

Nanahimik ako at napatungo.

May kung anong mabigat sa dibdib ko na gusto kong ilabas


pero hindi ko maipaliwanag kung ano.

“May isa pang nakapatong sa lamesa.”

Napatingala ako at napatingin sa kasama ko. Itinaas nito ang


kanang kamay nito at itinuro ang nasa likuran ko.
Tumalikod ako at nakita ko ang isang card na may disenyo ng
paborito kong cartoon na pusa. Napakunot ang noo ko nang
inabot ko ito at hinawakan.

“Ano ito? Hindi ko tanda na meron ako nito. Message card…”

Binuklat ko ito at binasa ang nakasulat, “Quince, Please rest in


peace. Rica.”

Napakurap ako at unti-unting naalala ko kung kanino galing


ang card na ito, “Si Ate Rica. Yung kasama ko sa room sa
ospital. Mabait sya at masayahin. Lagi nyang sinasabi na
kakayanin namin. Na gagaling kami basta’t magtiwala lang.
Hindi nga nagtagal na discharge sya. Nagpapadala pa din sya
pag minsan ng mga gantong cards.”

Tinitigan ko lang ang hawak kong card, “Kaya mo yan! Ayos


naman ako! Isipin mo lang gagaling ka din!” napatawa ako at
napailing, “Akala ko naman ginagawa ko ang lahat. Iniisip ko
naman na gagaling ako. Pero siguro kung mas ginalingan ko,
hindi siguro ako nandito sa harap mo, ano?” tanong ko sa
binatang nakatingin lang sa akin, suot ang pocketwatch na
ibinigay ko sa kanya kanina.

“Rest in Peace? Nakakatawang marinig galing sa taong buhay


at gumaling. Siguro masaya sya ngayon, nakakapamsyal
kasama ng kanyang pamilya at kaibigan. Masaya syang buhay
sya!” naiiling kong wika sabay patong ng card sa lamesa at
binalingan ng tingin ang kaharap ko, “Ang daya. Bakit ganun?
Bakit sya gumaling ako hindi?!”

Napahinga ako ng malalim at napahawak sa aking dibdib.


Nanikip ito at nanlambot ako. Pumatak ang mga luha mula sa
aking mga mata.

Naalala ko din ang pakiramdam na pilit kong kinalimutan noon.


Takot…

Galit…

Hinagpis…

Poot…

Lungkot…

“Bakit?! Bakit pa ba ako pinanganak?!” sigaw ko sa kanya,


“Bakit kailangan pa akong ipanganak?! Nabuhay akong walang
kaibigan, walang magulang. Pati magandang kalusugan wala
din ako! Nagdasal ako araw araw sa mga Diyos, sa inyo. Pero ni
isa walang sumagot ng mga panalangin ko! Bakit pa ako
nabuhay?”

Tiningnan ko ang Diyos sa harap ko na wala pa ring ekspresyon


ang mukha ngunit nakatingin na nakatingin sa akin ito.

Umaagos ang aking luha habang nilalamon ako ng pighati at


pagdurusa.

“Ano bang silbi ng buhay ko? “mahina kong sambit sa kanya.

Hindi ito sumagot at tumungo lang.

“Salamat,” sabi ko sa dito na nagpatingala sa kanya, “Salamat


at ipinakita mo sa akin ang lugar na ito. Pero ayaw kong makita
ito. Lahat ng mga pingarap ko nasa lugar na ito. Pero hindi ko
naabot at namatay na lang ako. Namatay lang akong solo at
walang kwenta.”

Napailing na lang ako sa kanya, “Napakasakit nito. Napakalupit


para sa isang tulad ko na hindi nakamtan ang kanyang inaasam
tapos makikita lang ang minithi ko kung kelan tapos na ang
lahat? Ayoko na. Pakiusap, tama na! Gusto ko nang magsolo.
Gusto ko nang mawala!”
Tumakbo ako papalapit sa kanya at inalog ko ang kanyang mga
balikat, “Patayin mo na ulit ako. Ayaw ko na. Ayaw ko nang
maramdaman. Ayaw ko nang maalala! Kunin mo na ako.
Tapusin mo na ako! Hindi ko na kayang isipin pa ang buhay ko
na natapos lang sa wala!”

Napaluhod na lang ako sa paanan nya at humagulhol, “Ayoko


nang makita ito. Tama na…”

Inabot ng dalawa kong kamay ang aking leeg at sinakal ko ito.


Hindi ko alam kung mamamatay pa ba ako kahit patay na ako
pero gusto ko lang mawalan ng malay o mawala na ng tuluyan
sa halip na maramdaman ko pa ang pasakit na ito.

Ito lang ang naiisip kong paraan para matapos na ang


paghihirap ko…

Dahan dahan nang sumisikip ang pagsakal ko sa aking sarili


ngunit biglang may kamay na humawak sa akin at inalis ang
aking mga kamay sa aking leeg.

Pagtingala ko at pagmulat ng aking mga mata ay nakita ko ang


Diyos ng Oras, si Kronos na nakaluhod sa harap ko, suot ang
ibinigay kong orasan sa kanya na ang oras ay labingdalawang
minuto bago mag alasdose.

Ang kanyang mukha wala pa ding ekspresyon.

Pero ang mga mata nya…

Lumuluha…

“Gusto mo bang maiwan na lang mag-isa? Naiiba sa lahat,


hawak ang puso mong naging bato na?” tanong nya sa akin.

Ang boses nya ay payapa ngunit nagtataka. Inilahad nya ang


kanyang kanang kamay at muli itong naglabas ng bilog na
liwanag.
“May liwanag kang inilalabas. Kita ko sa iyong mga mata na
naghahanap ng pag-ibig na wagas,” tahimik na sabi nya sa akin.
Hindi nya inaalis ang kanyang titig sa aking mga mata habang
unti-unting nilalamon ng kadiliman ang eskwelahan na ginawa
nya, “Dumaan man ang mga gabi at umaga.”

Sya na lang at ang liwanag mula sa kanyang kamay ang nakikita


ko sa gitna ng kawalan.

Bumuntong hininga ito at tumango sa akin, “Alam kong ang


oras ay mapaghiwalay. Pero ang kapalaran ay isang bagay na
hindi natin maitatago. Tama, kahit hindi ito mapagtanto.
Kakaiba man at hindi natin gamay,” mahinang bigkas nito
sabay tingin sa hawak nyang bola ng liwanag.

Nag anyong orasan muli ito at muling umikot pabalik ang mga
kamay ng mas mabilis pa kaysa sa kayang sundang ng aking
paningin hanggang sa tumigil ito.

Isang minuto matapos ang alas dose.

Malungkot na ngumiti sa akin ang Diyos ng Oras bago hinaplos


ang aking pisngi habang unti-unting nagliliwanag ang buo
naming paligid.

Ang kadiliman ay lumilisan at napapaltan ng liwanag ng


kaluwalhatian.

“Oras na upang matulog tayo,” mahinang untag nito sa akin at


maingat na inihiga nya ako. Ang aking ulo, nakapatong sa
kanyang hita. Ang kanyang mga kamay hinahaplos ang aking
buhok, “Nawa'y mga panaginip natin ay maging makahulugan
kahit hindi ito totoo,” sambit nito bago ako unti-unting
nakaramdam ng payapang antok at ang huli kong nakita ay ang
kanyang mga matang kasabay kong pumipikit na.

Nakalimutan ko unti-unti ang lahat.


Lahat ng sakit.

Ang buhay ko.

Kung sino ako…

Tulog na Quince. Mahimbing nawa tayong sabay. Ako si


Kronos ang Diyos ng Oras at Panahon. Ikaw, isang kaluluwa na
naghahanap ng kahulugan ng buhay ng iyong kahapon.

Sabay nating panaginipan kung ano nga ba ang ibig sabihin


ng buhay mo at kung may kwenta pa ba ako sa mundo…
Aria of Tiera

Paano kung ang mga diyos at diyosa at ang mga tao ay


namumuhay sa isang mundo?

Mahika at Makinarya parehong ginagamit at binubuo?

Isang mundo na nasa gitna ng katotohanan at ilusyon.

Patuloy na nananaginip pero hindi rin nagigising. Walang


hanggang nababalot ng hiwaga at misteryo.

Isang lugar kung saan napakalapit sa ating nakagisnan ngunit


kasing layo din ng walang hanggan?

Nakalutang sa pagitan ng buhay at kamatayan, ang istorya ng


isang immortal at kaluluwa ay magsisimula na ng tuluyan….

-0-

Aria of Olympians

Ang Tiera ay nabuo hindi mabilang na milenyo na ang


nakakalipas.

Noong mga kapanahunan kung saan oras at kadaliman lamang


ang nag eexist. Nabuo ang mundo ng Tiera mula sa kawalan, sa
persona ni Gaia, ang diyosa ng kalapuan.

Mula sa kanya at sa kadiliman pinanganak ang kalangitan sa


persona ni Ouranos, ang diyos ng kalangitan.

Madami silang naging supling.


Sabihin na lang nating “magulo” silang pamilya.

May awayan, trayduran at kung ano-ano pang hindi katanggap-


tanggap na gawain na hindi nating akalaing magagawa nila.

Pero hindi sila mga tao at wala pang moralidad o tama o mali
ng mga kapanahunang iyon.

Maraming siglo ang lumipas hanggang sa ang isa sa mga anak


nila Gaia at Ouranos na si Cronus, diyos ng ani ay nagka-anak
kay Rhea, diyosa ng panganganak o kilala sa tawag na
“dakilang ina” ay nagkaroon ng anim anak.

Ang isa at ang bunso sa kanila na si Zeus, hari ng mga diyos at


diyos ng mga ulap, kulog at kidlat ay kinitil ang kanyang sariling
ama dahil malupit ito sa kanya at sa kanyang mga
nakakatandang mga kapatid.

Mula ng panahong iyon, sya na ang naghari sa mga diyos at


diyosa sa Tiera at maging sa mga mortal na taong umusbong
mula sa kanilang kapangyarihan.

Nakatira ang labingdalawang kapatid sa matayog na


kabundukan ng Olympia sa tuktok ng mundo at sa ibabaw ng
mga ulap sa kalangitan.

Malayo sa paningin at abot ng mga mortal sa lupa.

Kinuha ni Zeus na asawa at reyna nya ang isa sa kanyang


kapatid na si Hera, diyosa ng mga kababaihan, pamilya at
kasal.

Si Poseidon isa sa dalawang kapatid na lalaki ni Zeus ay kinuha


ang lahat ng katubigan sa kalupaan at naging diyos ng mga ito.
Bagamat tirahan nilang magkakapatid ang Olympia, walang
kwestyon na si Zeus ang nagmamayari nito kaya gumawa sya
ng sarili nyang kaharian sa pinakamalalim na karagatan ng
Tiera kung saan doon sya tumira kasama ang kanyang asawang
si Amphitrite, diyosa ng mga isda at kabibe isa sa mga anak ng
mga naunang diyos at diyosa na kasabayan nila Ouranos at
Gaia.

Hindi mahilig sa mga kasiyahan at ang mga ingay ng Olympia,


si Hades, bunso sa tatlong lalaking magkakapatid at diyos ng
kadiliman, kabilang-buhay at mga brilyante at bato ay
minabuting manirahan sa ilalim ng Tiera. Doon ay naghahari
sya sa mga namatay na at sa mga mamahalin at importanteng
bato at yaman ng kailaliman kasama ang asawa nyang si
Persephone, dyosa ng bulaklak.

Si Athena, dyosa ng katalinuhan at stratehiya ng digmaan. Isa


sa tatlong birhen na mga dyosa ng Olympia ito at ang
direktang kabaliktaran ng kapatid nyang lalaki na si Ares, dyos
ng bayolente at brutal na digmaan.

Pareho silang anak ni Zeus. Si Ares, kay Hera at si Athena ay


kay Metis, isa sa mga nakakatandang dyosa ng kaalaman.

Si Demeter naman ang diyosa ng mga pananim at tag-ani.


Anak nya si Persephone kay Zeus at isa sa pinakamahalagang
diyosa sa mga mortal dahil siya ang nangangalaga ng mga
halaman at punong namumunga.

Ang kambal na diyos at diyosa ng araw at ng buwan na sila


Apollo at Artemis na anak ni Zeus kay Leto, diyosa ng
pangunawa ng hinaharap.

Masasabing ang pinakamagandang hitsura sa lahat ng mga


lalaking diyos ay si Apollo na diyos din ng medesina at musika.
Samantalang ang kanyang kapatid na si Artemis ay diyosa ng
kagubatan at mababangis na hayop.

Hindi rin dapat makalimutan si Hermes, ang diyos ng mga


mensahero at katusuhan. Anak ni Zeus at ng diyosa ng
memorya na si Mnemosyne.
Isa pang anak ni Zeus at Hera ay si Hephaestus, diyos ng mga
manggagagawa ng armas at apoy. Bagamat salat sya sa
kagandahan ng anyong panlabas, sya naman ang
pinakamagaling sa lahat ng mga immortal pagdating sa mga
gawaing bakal.

Sa kanya nagpapagawa lahat ng mga armas at kalasag. Asawa


nya ang dyosa ng kagandahan at pagibig na si Aphrodite.
Ngunit may sabi-sabing kalaguyo nito si Ares sapagkat ang
gyera at pagibig ay laging magkapareha.

Magulo at nakakalito ang pagkakaugnay at samasama ng mga


Olympiano, nakakatuwang isipin na may isang pares ng diyos
at diyosa na naiiba sa kanilang lahat.

Ang una ay si Dionysius, diyos ng alak at kaligayahan. Anak ng


isang mortal si Dionysius at ni Zeus na lumaki sa Tiera ngunit
paglaki nya ay umakyat sya sa Olympia para makasama ang
kanyang pamilya.

Malapit sya sa puso ng mga mortal at ganun din sila sa kanya


sapagkat sa lahat ng mga diyos at diyosa, sya lamang ang
nakaranas ng tunay na hirap ng buhay ng mga mortal bago sya
maging tuluyang immortal.

Sa lahat ng mga masasayang pagdiriwang na may kasamang


alak, sya ang laging unang binibigyang pugay lalo na sa mga
kalalakihan.

At ang kahulihulihan sa mga Olympiano ay ang masasabi


nating hindi kasali sa labingdalawa.

Si Hestia ang dyosa ng bahay at apuyan. Sya ang huling birhen


kasunod nila Artemis at Athena na nangakong hindi mag-
aasawa, bagkos itinuon nya ang kanyang sarili sa pagaaruga ng
Olympia at ng kanyang pamilya.
Magkaaway-away man ang lahat ng mga Olympiano sa lahat
ng mga bagay, ang kaisa-isang hindi nila pwede pagawayan ay
ang pagmamahal nila kay Hestia.

Sya ang simbolo ng kanilang pagkakaisa bilang isang malaking


pamilya kahit kadalasan ay hindi sila magkakasundo.

Makanti lang si Hestia ng kahit na sino ay tyak wala syang diyos


o dyosa na pwedeng hingan ng awa dahil ang lahat ay tyak
poprotektahan at ipaghihiganti si Hestia.

Maging sa kalupaan ng Tiera ay malaki ang pagmamahal kay


Hestia ng mga mortal. Sya ang tagapagtanggol ng mga pamilya,
mga naliligaw at mga maglalakabay na walang matuluyang
bahay.

Malayo sa perpekto ang labingdalawang Olympiano.

Pati na rin ang iba’t ibang diyos at diyosa ng Tiera na nakatira


sa palibot ng mundo.

Mula sa kalangitan, kalupaan, hanggang sa kailalim-laliman ng


karagatan ay merong mga diyos at diyosa na mga naninirahan
doon at tahimik na nagmamatyag ang iba sa mga mortal at
kapwa immortal.

Ang iba naman ay aktibong nakikisalamuha sa mga tao nang


nakabalatkayo.

Minsan sa ikakabuti o sa ikakasama ng taong malas o swerteng


nakagiliwan nila.

O sa mga nagiging supling nilang kalahating diyos at kalahating


tao…

-0-
Aria of the Five

May isang malaking kontinente lamang ng kalapuan sa buong


Tiera.

Tinatawag itong Gaia hango sa sinaunang diyosa ng kalupaan.


Hugis itong parisukat at sa apat na sulok ng kontinenteng ito
naninirahan ang mga mortal.

Nahahati ito sa limang nasyon na magkakaiba ang kultura,


pananaw at panahon.

Sa hiligang kanluran matatagpuan ang Magistracy of Pagos, na


pinamumunuan ni Magistrate Tundros. Tinatawag din itong
Land of Eternal Cold dahil sa buong taong malamig na
panahon at pag ulan ng snow. Likas na tahimik at masasabing
kasing lamig ng panahon ng bansa nila ang mga Pagosian dahil
na din sa pagtitiis na ginagawa nila para mabuhay at umunlad
sa bansang hindi hospitable ang klima.

Capital City:

Borealia

Sinasabing ang pinakamagandang kapitolyo sa buong Tiera.


Dalawang oras lamang sa isang araw kung masilayan ang araw
at ang kalahatan ng gabi ay nababalot ng malamig na gabi sa
paligid, makapal na nyebe sa lupa at ang mga nagniningning na
mga bituwin at ang kamaghamanghang Aurora Borealis na
regalo ng kanilang patrong diyos na si Boreas sa mga Pagosian.

Colours:
Blue and White

Symbol:

Frozen Narwhal

Government:

Magistracy

Religion:

Cult of Boreas (State Endorsed Religion) but with freedom of


religion except for the other three wind god cults which is
permanently banned.

Resources:

Oil, Gold, Nickel, Fisheries and Game.

Clothing:

Makakapal na damit panlamig. Earmuffs at jackets. Cold boots


and snow googles are the norm kung malakas ang bagsak ng
nyebe.

Weather Patterns:
All year round snow. Madalang na tag-araw at malamig na
simoy ng hangin ang laging nararanasan ng mga taga dito. May
mga pag-ulan din ng nyebe at mga snowstorm pag hindi
maganda ang mood ni Boreas o ng kanyang mga anak.

Magic:

Ice and Cold Magic

Tahimik at nakakamatay ang simple at maiksing paliwanag ng


kanilang mahika. Dahil na din sa hindi magandang panahon
buong taon ay natuto ang mga tao rito na maging isa sa lamig
at yelo.

Mahigpit na pinagbabawal ang Fire Magic sa mga taga Pagos at


mahirap kung hindi ay imposible na makapasok sa bansa nila
ang mga taong may taglay na alam sa elementong ito sa
kadahilanang nanghihina sa apoy ang mga Pagosian dahil sa
kanilang likas na affinity sa yelo at lamig.

Transport:

Trains, snow sleds, cars, boats and cable cars.

Beliefs:

Absolute obedience to the law. Lahat ng Pagosians ay


ipinanganak at nabubuhay para sumunod sa batas at
alituntunin ng Pagos hanggang sa kanilang kamatayan.

Rituals:
Tuwing ikaapat na buwan ay nagsasagawa ng isang pagtitipon
ang mga Pagosian sa kani-kanilang lokal na templo para ialay
sa altar ni Boreas ang mga unang ani at mina para sa buwang
iyon. Wala ring nagtatrabaho sa loob ng unang linggo ng
naturang buwan at lahat ay naghihintay sa mga ibabalita at
ipapahiwating ng kanilang patrong diyos sa pamamagitan ng
kanyang temple maidens.

Festivals:

Feast of the Northen Wind in honor of Boreas

Chione Festival in honor of Chione

Twin Sons Gathering in honor of the Boread Twins

Olive Thanksgiving in honor of Athena

Education:

Ang Pagos ang merong pinakamataas na literacy rate sa buong


Tiera. Patunay dito ang pagbibigay ni Athena, diyosa ng
katalinuhan, ng isang malaki at immortal na puno ng Olive na
nasa gitna ng Borealia bilang simbolo ng pagkilala sa angking
hilig at debosyon ng mga Pagosian sa larangan ng kaalaman.

Isa sa malalaking dahilan bakit importante ang edukasyon sa


Pagos ay sa kadahilanang lahat ng kanilang batas ay mabusisi
at madami kaya responsibilidad ng mga Pagosian na mag-aral
ng mabuti para maintindihan ito at maisagawa ng maayos at
naaayon sa saligang batas.
Sa Hilagang Silangan naman at katabing bansa lamang ng
Pagos matatagpuan ang Republic of Anoixi ang isa sa kung
hindi ay ang pinakapayapang bansa at lugar sa buong Tiera.
Kung Land of Eternal Cold ang tawag sa kapitbahay nito. Land
of Eternal Calm naman ang bansag sa Anoixi dahil sa payapang
hangin at klima na buong taong nararanasan dito. Laging
tagsibol at katamtaman ang panahon kaya sagana sa pagkain
at malulusog ang mga Anoixians.

Capital City:

Zephyranth

Sumusunod sa pinakamagandang kapitolyo sa balat ng Tiera.


Napapalibutan ng mga makukulay na bulaklak at
namumungang mga halaman ang Zephyranth. Hindi na
nakakagulat kung makakakita ka ng mga gusaling napapaligiran
o tinutubuan ng mga puno at tinitirnhan na ng mga ibon. Sa
gabi ay napupuno ng ilaw ng mga alitaptap ang paligid at
malalanghap ang preskong simoy ng hangin na mula sa
patrong diyos ng Anoixi na si Zephyrus.

Colours:

Green and Pink

Symbol:

Gliding Otter

Government:
Republic

Religion:

Cult of Zephyrus (State Endorsed Religion) but with freedom of


religion except for the other three wind god cults which is
permanently banned.

Resources:

Fisheries, Hydropower, Flower Industry

Clothing:

Katamtamang pananamit at kasuotan ang normal na makikita


dito na hindi nalalayo sa normal na isinusuot ng mga taga
Empire of Kalopsia sa kadahilanang laging maayos at maganda
ang panahon buong taon.

Weather Patterns:

Siguradong maganda lagi ang panahon dito at laging


katamtaman ang ihip ng hangin. Umulan man ay hindi
kalakasan at hindi rin nagtatagal.

Magic:

Water and Cure Magic.


Eksperto sa pagkontrol sa tubig ang mga Anoxians. Sa
kadahilanang madalas ay walang problema o napakadalang
kung magkaroon ng gulo sa kanilang bansa ay nagagamit
lamang nila ang kanilang mahika sa pang gagamot ng mga
hayop o tao at pagdidilig ng mga halaman sa paligid nila.
Ngunit hangal lamang ang tahasang hahamunin sa laban ang
isang Anoixian na nananahimik dahil gaya ng rumaragasang
tubig baha ang kanilang lakas pag nagalit. Hindi man tahasang
pinagbabawal pero binibigyan ng babala ang mga gumagamit
ng mahika ng lupa na huwag masyadong gamitin sa loob ng
Anoixi ang kanilang mahika sa kadahilanang mabilis maubos ng
lupa ang tubig sa kanilang bansa.

Transport:

Trains, Cars, Chariots, Boats, Ships, Jet Ski, Kayak

Beliefs:

Pacifism o ang paniniwala sa kapayapaan ang kaunaunahang


itinuturo ng mga magulang sa kanilang mga anak sa Anoixi.
Hindi namamakialam sa away ng ibang bansa ang Anoixi at
hindi rin nila hinahayaang pakialaman sila ng bansa. Kung may
gyera man ay hindi sila napanig sa isa at nananatiling walang
kinakampihan.

Rituals:

Linggo-linggo ay may pagtitipon ang mga Anoixians. Dala na


din ng maamo at masiyahing ugalin ng kanilang patrong Diyos
na si Zephyrus. Pinagbabawal lamang ang pagseselebra ng
ibang tatlong Diyos ng hangin ngunit maaari na ang iba lalo na
kung sa pamilya ni Poseidon.

Festivals:

Feast of the West Wind in honor of Zephyrus

Chloris Festival in honor of Chloris

Equine Holiday in honor of Balius and Xanthus

Fluvial Thanksgiving in honor of Poseidon

Education:

Kumpara sa mga Pagosians, hindi ganoon katindi sa aralin at


katalinuhan ang mga Anoixians. Alam ng lahat na hindi
magkasundo sila Athena at Poseidon kaya sa halip na
magaksaya ng oras ang mga Anoixians sa matinding
pagsasaliksik, gaya ni Poseidon, sumusunod na lang sila sa alon
ng panahon. Kung kelan kailangan ng bagong kaalaman, tsaka
sila nag aaral. Kung hindi naman kailangan, hindi na nila
pinagkaka-abalahan pa at itinutuon na lamang ang oras sa
pakikipagkwentuhan at pagpapakasaya sa isa sa kanilang
napakraming pyesta.

You might also like