You are on page 1of 7

A.

Depinisyon

Ang Business Management Student may salitang “Business”. Business o negosyo ito ang

iyong pagkaka abalahan at pinapangarap kapag ikaw ay nag tagumpay at nakatapos na sa iyong

kurso at pag-aaral. Alam naman nating hindi gaanong madali ang kurso ng isang Business

Management Student madaming nag sasabi na ito ay madali lamang at chillin lang na kurso

kumpara sa iba. Marami ring taong minamaliit lang ang aming kurso. Hindi lang nila alam ang

mga hirap, pagod, pag pupuyat at kung ano-ano pang mga journal entry ang kailangan nating ma

balance upang ma solve ay makuha ang tamang mga sagot at komputasyon.

Ang Pagnenegosyo ay isang organisasyon kaugnay ng pakikipagpalitan ng produkto at

serbisyo sa mga consumers. Ang pagnenegosyo ang pangunahing pinanggagalingan ng kita ng

mga mamamayan na kung saan halos lahat ng mga negosyo ay pagmamay-ari ng pribadong

sector. Mayroong dalawang klase ng Pagnenegosyo. Una ay ang pagnenegosyo dahil sa

kapakinabangan kung saan nagnenegosyo sila upang kumita, at ang pangalawa naman

ay ang pagnenegosyong hindi dahil sa pakinabang. Maaring ang dahilan ay makatulong o

maari din upang hindi magbayad ng tax.


B. Enumerasyon

Ang computer ay isang electronikang gamit na patuloy na pinauunlad upang matugunan

ang yumayabong na nasa bahagi ng selpon, kalkulator, laptop, ATM at iba pang kagamitan na

nakukunan ng iba't ibang impormasyon Nahahati ang computer sa hardware at software kaya’t

ang parte ng computer ay pipilitin nating pasukan ng software.

Hardware:

1. Monitor dito makikita ang mga proseso, input, at output.

2. Mouse – ito ay siyang ginagamit na panturo sa mga bagay na nasa monitor.

3. Keyboard – pangunahing pang-input ng mga proseso sa computer.

4. Central Processing Unit – binubuo ng mga sensitibong hardware gaya ng processor,

motherboard, random access memory, hard drive, at iba pang importanteng “cards” upang

magproseso ng mga ininput sa computer.

Software:

1. Operating System– isang uri ng graphical user interface (GUI) upang mas mapadali ang

paggamit ng computer.

2. Applications – pantulong upang mapadali ang mga output o resulta mula sa mga ininput na

proseso. Tulad nito ay word processor, spreadsheet, at slideshow presentation.


C. Order

Ako ay kasalukuyang nagaaral sa isang paaralan sa Olongapo City. Ang paaralang ito ay

AMA Computer College Olongapo City. Ang skedyul lamang ng pasok ko ay tuwing martes at

biyernes habang ang natitirang araw ko ay gugugulin sa online quiz at exam. Sa ganap na ika

1:30 ng hapon ang nakatakdang guro namin ay si Mr. Ryan Sabiano na may asignaturang kritikal

na pagbasa at pagsulat sinusundan naman ito ng ika 3:30 ng hapon at ang guro naman naming ay

si Mr. Randy Alcasid na may asignaturang Law on Obligation. At ang pinakahuli naman ay 5:00

hanggang 7:30 upang talakayin naming ang Team Sport at ang guro naman naming ay si Sir Neo

Eda.

Ang iskedyul naman ng huling araw ng aming pasok ay 1:30 hanggang 8. Ang unang

asignatura namin ay 1:30 na may asignaturang Market Research at ang guro namin ay si Mr.

Randy Alcasid. Sinusundan naman ng 3:30 na may asignaturang Philippine Tax System and

Income. At ang pinakahuli ay ika 5 ng hapon at ang asignatura naman namin ay ang NSTP 1 at

ang guro naman naming dito ay si Sir Neo Eda. Napakaikli lamang ng araw na kami ay

magkakasama ngunit madaming aral ang naitutulong at naipapamahagi n gaming mga guro sa

kanilang mga estudyante. Ginugugol pa namin ang iba naming oras upang makapagsagot sa

aming online.
D. Paghahambing at Pagkokontrast

Hindi maitago ang mga damdamin ng ilan sa mga kababayan natin na ikumpura si

Digong sa dating diktador ng Pilipinas. May ilan kasing pagkakahawig sa mga naging kilos nila

at patakaran sa gobyerno kaya hindi maialis na ipagkumpara ang dalawa. Ang “Matial Law” ito

ang puno’t dulo ng pagkukumpara kay Digong at Marcos. Pareho kasi silang gumamit ng

kapangyarihan ng Martial Law. Sa panahon ni Marcos kasi, kinatatakutan ang kaniyang

pagproklama ng Martial Law sapagkat isa ito sa naging sanhi ng pagkakamatay ng maraming

sibilyan at pagkakakulong ng iba na kumakalaban sa rehimen ng diktador noon. Samantalang

wala pang 2 taon bilang pangulo si Digong, tumawag din siya kaagad ng Martial Law para sa

Mindanao.

Ngunit mayroon ding pagkakaiba ang dalawa.Matindi ang ipinaglalaban ni Duterte para

sa Federalism sa Pilipinas. Naniniwala siya na sa ganitong uri ng pamamahala, katiwalian at

kahirapan ang lahat ay malulutas at mabawasan nang madali. Bibigyan ng pederalismo ang mga

indibidwal na karapatan sa bawat estado ng isang bansa upang baguhin at gumawa ng mga batas

ng kanilang sariling mga hukom at senador. Magiging sanhi ito ng ilang pagkakaiba-iba ng

bawat estado pagdating sa maraming mga isyu na kinakaharap ng bansa. Taliwas dito, idineklara

ni Ferdinand Marcos ang Martial Law. Isang natatanging uri ng kapangyarihan na magkaroon ng

Pangulo pagdating sa pambansang seguridad.


E. Problema at Solusyon

Lingid sa ating kaalaman na ang bullying ay pinakapangunahing nararanasan ng mga

mag-aaral sa paaralan. Makakita lamang sila ng kakaiba sa paningin nila ay agad nila itong

tutuksuhin o di kaya’y napansin nila ang isang bata na nag-iisa ay agad itong lalapitan at saka

tutuksuhin. Ang mga ganitong eksena ay kadalasang nagyayari kapag walang magawang hindi

maganda ang ilang estudyante,minsan ay kapag sinita ng isang guro ang kanilang kinagawa ay

sasabihin lamang na nagbibiruan lang dahil sa takot ng biktima ay nakuha na lamang nya na

sumangayon dito. Kahit anong masasakit na salita ang lumabas mula sa bibig ng bullies ay

parang binalewala na lamang ito ng biktima dahil aa takot. Karaniwan ding biktima ng

pambubully ay mga kabataan ng mahihina at alam nilang walang kalaban laban sa kanila. Ang

ganitong sitwasyon ay hindi dapat isinasawalang bahala lamang dapat ay matuto din tayong

umimik kung anong nangyayari sa atin para mapagsabihan ang mga nambubully at maitama ito.

Wala namang mabuting maidudulot ito sa ating kapwa at lalo sa ating sarili bagkus ay

makasasama pa ito. Dahil once na ang isang bata ay nangbully automatically madadamay ang

magulang nito na nagiging dahilan ng pagkakagulo ng bawat magulang dahil sa walang

kwentang pambubully ng kanilang mga anak. Kung sa tingin ng iba magiging sikat sila sa

ginagawa nila pwes nagkakamali sila dahil sa mata ng tao at lalong higit ng Diyos na mali ang

ginagawa nila. Hindi naman tayo nagkulang sa mga pangaral ng ating mga magulang at lalong

higit ay nag-aaral tayo kaya naituturo sa atin ng mga guro ang tama at mali. Siguro ay kulang ito

sa atensyon ng magulang kaya naman para sa ating mga magulang ay dapat subaybayan pa rin

tayo at gabayan sa bawat kilos na ating gagawin.


F. Sanhi at Bunga

Ang paninigarilyo ng kabataan ay maituturing na isa sa mga nangungunang isyung

patuloy na pinagtatalunan at sinusubukang maibsan. Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga

kabataang nalululong sa bisyong ito. Dagdag pa rito ang kaalamang dumarami at tila pabata pa

nang pabata ang mga sumusubok manigarilyo. Patuloy ang ganitong paglaganap kahit na marami

ng mga solusyon at batas ang isinasagawa at isinasakatuparan upang labanan o di kaya naman ay

mabawasan ang paglaganap ng gawaing ito.

Sa bawat batang naninigarilyo ay mayroong kwento sa likod nito. Pare-pareho man

silang nag-umpisang manigarilyo sa murang edad, iba-iba pa rin ang kani-kanilang mga dahilan.

Ilan sa mga dahilan o salik na nakaaapekto sa kanilang desisyong manigarilyo ay ang mga

sumusunod: Estado o kalagayan sa buhay, paninigarilyo ng magulang, kapatid, at iba pang

kamag-anak, kakulangan ng patnubay ng magulang sa paglaki, peer pressure, kahinaan ng loob

sa pagharap sa mga problema, pampalipas oras

Alam nating maraming masasamang epekto ang paninigarilyo sa ating populasyon.

Ngunit, bakit nga ba patuloy pa rin ang paglaganap nito hanggang sa kasalukuyan? Isa sa

pinakamahalagang dahilan ay ang tinatatawag na peer pressure kung saan naiimpluwensyahang

manigarilyo ang isang bata ng kanyang mga kaibigan dahilan sa kagustuhang makisama sa mga

ito

Ang pinakakilalang epekto ng paninigarilyo sa katawan ng tao ay ang pagiging

mas vulnerable sa sakit . Ilan sa mga sakit na maaaring makuha sa paninigarilyo ay ang kanser sa

baga at ilang mga komplikasyon sa puso. Maaari rin itong magresulta sa abnormal na

panganganak sa mga naninigarilyong kababaihan. Ito rin ay maaaring makasira sa itsura ng isang
tao tulad ng paninilaw ng labi at mga daliri pati na rin ang pagkasira ng ngipin, at pagbaho ng

katawan. Nasisira din ang reputasyon ng mga gumagamit nito sapagkat ang kultura natin ay

mayroong negatibong pananaw sa mga naninigarilyo. Ang patuloy na paninigarilyo ay maaaring

magdulot ng adiksyon, kung saan sa patuloy na paggamit ng sigarilyo ay unti-unti silang

sumasalalay dito. Ang mga taong naadik dito, lalo na ang mga mahihirap, ay maaaring

magkaroon ng dagdag na gastos na siya namang magdudulot ng dagdag na kahirapan. Siyam sa

bawat sampung naninigarilyo ay may kaalaman sa mga bantang ito subalit patuloy pa rin silang

naninigarilyo.

You might also like