You are on page 1of 4

Villanueva, Michelle N.

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Pangatlong Baitang

II. Layunin:
 Naipaliliwanag ang ibig sabihin ng mga tuntuning pantrapiko
 Naipapakita ang kahalagahan ng mga tuntuning pantrapiko
 Naisasagawa kung paano magagamit ang mga tuntuning ito
II. Paksang aralin
A. Paksa: Ang mga Tuntuning Pantrapiko
B. Sanggunian: Serye ng Edukasyon sa Pagpapakatao 3
C. Kagamitan: mga larawan, kartolina, pentel,chart

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
. Panalangin
. Pagbati
. Pagsisiyasat sa kapaligiran
. Pagtala ng liban sa klase

B. Balik–Aral

C. Pagganyak
. Pagpapakita ng iba’t ibang mga larawan na nagpapakita ng mga
sitwasyon sa kalsada.
. Magtanong sa mga bata kung ano ang ipinapakita sa larawan.
D. Paglalahad
. Pagpapasuri sa mga larawan at pagpapahayag ng mga ibig sabihin nito.

E. Pagtatalakay
. Tanungin ang mga bata tungkol sa mga larawan.
1. Ano ang ibig sabihin ng mga larawang ipinakita?
2. Saan makikita ang mga larawang ito?
3. Ano ang gagawin kapag nakita ang mga simbolong ito?
4. Ano ang halaga ng mga simbolong ipinapakita sa larawan?
5. Paano mo maipapakita ang tamang pagsunod sa mga tuntuning
ito?

IV. Pangwakas na Gawain


A. Panghalaw
. Tanungin ang mga bata.
1. Kailangan ba nating malaman ang mga tuntuning pantrapiko?
2. Dapat ba tayong sumunod sa mga tuntuning ito?
3. Ano ang magandang maidudulot sa pagsunod sa mga tuntuning ito?
B. Paglalapat
Indibidwal na gawain
 Ano ang mga babalang pantrapiko na nauukol sa mga larawan sa kaliwa? Pag-
ugnayin ng guhit.
C. Pagtataya
 Tingnan ang mga sitwasyon na nakasulat. Isulat sa patlang ang letrang “T” kung
ito ay nagpapakita ng tamang pagsunod sa tuntuning pantrapiko at “M” naman
kung ito ay hindi nagpapakita ng tamang pagsunod sa mga tuntuning pantrapiko.

_____1. Lalong binilisan ng tsuper ng jeepney ang sasakyan nang makitang


nkadilaw na ang ilaw- pantrapiko.
_____2. Ang mga bata ay sabay-sabay na tumawid sa pook-tawiran nang
makita nilang nakahinto na ang mga sasakyan.
_____3. Nagtatrapik ang isang traffic enforcer sa isang intersection at ang
mga tsuper ay sumunod sa kanyang direksyon.
_____4. Nagmamadali ang kaklase ni Juan na makarating sa paaralan kaya
tumawid na lang siya kahit saan.
_____5. Lumalakad ang mga mag – aaral ng maingat sa bangketa.
_____6. Ibinaba ng tsuper ng jeepney sa hindi tamang lugar ang kanyang
mga pasahero.
_____7. Nasagi ng kotse ang isang bata at dinala niya ito sa ospital.
_____8. Habang mabagal ang daloy ng trapiko mabilis na tumawid si Maria
sa kalsada kahit naka berde pa ang ilaw-pantrapiko.
_____9. Ang mga bata ay tumawid sa pook-tawiran habang nakatingin sa
kaliwa at kanang bahagi.
_____10. Sinagot ni Jose ang tawag sa kanyang cellular phone habang
nagmamaneho.

D. Takdang aralin
. Magdala ng larawan na nagpapakita sa pagpapahalaga sa kalinisan
sa ating kapaligiran.

You might also like