You are on page 1of 3

Mga Ibat Ibang Uri ng Teksto

1. Informativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong
pangyayari, bagong paniniwala at mga bagong informasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng
sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at kaisahan
Halimbawa: mga kasaysayan, mga balita
Ang textong informativ (e xplanation) ay nagpapaliwanag ng mahalagang impormasyon o
Kaalaman nang malinaw at walang pagkiling. Isinasaad ang mga kabatiran nang naaayon sa mga
tunay na pangyayari batay sa nasasaklaw na kaalaman ng tao.
Napag-aralan mo na ang tekstong informativ. Basahin mo ang ilang mahahalagang konseptong
dapat mong tandaan sa aralin.
 Ang tekstong informativ ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na impormasyon, at
mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay.
 Isang tiyak na paksa lamang ang tinatalakay nito. Kung magkakaroon ng kaugnay na paksa,
dapat na makita ito sa kasunod na talata.
 Sa pagbasa ng tekstong informativ, magkaroon ng fokus sa mga impormasyong
ipinahahayag. Isulat ito kung kinakailangan.
 Sa pagsulat ng tekstong informativ, tandaang ihanay nang maayos ang mga salita, piliing
mabuti ang mga tiyak at mahahalagang salita lamang.

2. Argumentativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na kaugnayan
ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.Ang ganitong uri ng
teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.
Halimbawa: mga editorial
Ang textong argyumenteytiv ay naglalahad ng mga proposisyon, mga ideya, o konseptong
naglalayong mahikayat ang mga mambabasa sa pananaw ng manunulat ukol sa isang kontrobersyal
na isyu.
Kailangang ang susulat nito ay may malawak na kaalaman ukol sa paksa upang makapagbigay ng
mailnaw na pagmamatuwid.Layunin nitong mabatid ng mambasa ang panig na sinasang-ayunan ng
manunulat subalit ang argyumento ay hindi lamang batay sa paniniwala o personal na karanasan ng
manunulat.
Dapat ito’y sinusuportahan ng mga totoong datos, istaistika, at patotoo ng iba buhat sa mga panayam,
mga sanggunian, iba pang makatotohanang halimabawa.
Ang paraan ng pagkakasulat o pagkakabuo ng texto ay kakikitaan ng formalidad sa pagkakagamit
ng wika.

3. Persweysiv- Tekstong nangungumbinse o nanghihikayat.


Halimbawa: mga nakasulat na propaganda sa eleksyon, mga advertisement
Textong Persweysiv
Layunin ng textong persweysiv na maglahad ng isang opinyong kailangang mapanindigan at
maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa
na pumanig sa manunulat.
Mga pahayag na makaakit sa damdamin at isipan ng mambabasa
Mga pangangatwirang hahantong sa isang lojikal na konklusyon
Mga dokumentong buhat sa mga pag-aaral at pananaliksik upang higit na maging kapani-paniwala at
may kredibilidad ang paglalahad

4. Narativ- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o simpleng nagsasalayasay


Halimbawa: mga akdang pampanitikan
Ang textong narativ ay nagsasaad ng isang pagsasalaysay. Maaaring ilahad sa ganitong uri ng texto
ang mga personal na karanasan ng manunulat gayundin ang isang natatanging tao o pangyayari sa
nakalipas.
Narito ang katangian ng textong narativ:
1. Ang textong narativ ay isang inpormal na pagsasalaysay. Para ka lang nagkuwento ng isang
bagay o isang pangyayari sa isang kaibigan
2. Magaan itong basahin. Maaaring magtaglay ng anekdotang naglalarawan ng mga tauhan,
eksena, at mga detalye ng mga pangyayari
3. Nagtataglay ito ng panimula na nagsasaad kung anong uri ito ng textong narativ at ng isang
matibay na kongklusyon.

5. Deskriptiv- ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng informasyong may kinalaman sa pisikal
na katangian ng isang tao, lugar, bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong
na ano.
Halimbawa: mga lathalain, mga akdang pangpanitikan
Ang pagsulat ng textong descriptiv ay maihahalintulad sa pagpipinta. Ang mambabasa ay tila
direktang nakasaksi sa mga pangyayaring inilalahad sa pamamagitan ng masining na paglalarawang
ginagamit ng manunulat.
Deskriptiv ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal
na katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng
mga tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.
Ang tekstong deskriptiv ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na
katangiang taglay ng isang tao, bagay, lugar, at pangyayari.
Halimbawa:
 Paglalarawan ng tao
 Masisipag at matitiyaga sa gawain ang mga Asyano.
 Marami sa mga Asyano, tulad ng Hapones at Koreano ay eksperto sa teknolohiya.
 Di pahuhuli sa kahusayan ang mga Pilipino pagdating sa teknolohiya.
 Paglalarawan ng Lugar
 Dahil sa pinakamaunlad na bansa ang Hapon, itinuturing itong “higante” sa Asya.
 May mga bansa sa Asya na kahit na mayaman sa mga likas na yaman ay di – gaanong
maunlad kung ihahambing sa mga karatig – bansa na may kakaunting likas na yaman.
 papaunlad ang mga bansa sa Asya na ang ikinabubuhay ay agrikultura at industriya.
 Paglalarawan ng Bagay
 Matataba ang mga produktong maaani sa maraming lupain sa mga bansang Asyano.
 Mataas ang kalidad ng mga panindang iniluluwas ng mga bansang Asyano sa ilang
karatig-bansa sa Asya.
 Pawang produktong teknolohikal ang produksyon ng bansang Korea at Hapon.
 Paglalarawan ng Pangyayari
 Umunlad ang industriya sa Asya dahil sa pagtuklas at pagpapaunlad ng Agham at
teknolohiya.
 Sa paggamit ng makabagong teknolohiya, sadyang gumaan ang mga gawain at higit
na
dumami ang produksyon.
 Ang tagumpay naman sa ekonomiya ng Taiwan, Singapore at timog Korea ay
nagbigay - sigla sa iba pang bansang Asyano upang magsikap na matamo ang
ganitong
tagumpay sa harap ng papalakas na paligsahan ng buong daigdig.
6. Prosijural- ang isang teksto kung ito ay nagpapakita at naglalahad ng wastong pagkakasunod-
sunod ng hakbang ng malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang gawain. Naglalahad ng
wastong pagkakasuno-sunod ng hakbang sa paggawa ng isang bagay.
Prosijural Ito ay isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang
hangganan o resulta. Halimbawa pagluluto ang gagawin, may mga tamang prosesong dapat na sundin
upang maging masarap ang pagkain ihahanda. Kung ang pagkumpuni naman ng sirang makina, may
mga tamang prosidyur din na dapat gawin upang maisaayos ang sira nito.
Ito ay ang teksto na ngalalaman ng gustong mong kinalalabasan o resulta. Ito ay ginagamait upang
matamo mo yung gusto mong kinalalabasan o resulta.

7. Nareysyon-ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tumutugon sa mga
tanong na paano at kailan.

8. Exposisyon- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tungkol sa pag-aanalays
ng mga tiyak na konsepto. Tinutugon nito ang tanong na paano.
Ang tekstong expositori ay naglalahad ng masusing pagpapaliwanag kung paano ang isang
abstrak na konsep na nasa isip ng tao na inuugnay sa isang tiyak na termino
HALIMBAWA:
Dumarami na ang mga batang kulang sa nutrisyon dahil ito sa kahirapan na marami sa atin
ngayon ang dumaranas ngunit ano nga ba ang dapat nating gawin sa ganitong konsepto ?Ang
paghirap ng isang tao ay nakasalalay sa kanyang pagdidisisyon at ginagawa kaya naman may mga
taong mabilis na tumatas at bumabababa dahil sa kanila ring mga ginagawa ito ang mga resulta ng
kanilang pagpapabaya o pagpupunyagi. Ang tekstong ekspositori ay tekstong may layon na
magbigay ng impormasyon ukol sa sanhi at bunga.Ito ay napapaliwanag ng mahahalagang
impormasyon sa teksto.Ito ay kadalasang walang pinapanigan.
HALIMBAWA:
Ang tae ay mabaho hindi mabango.
Layunin ng tekstong ekspositori na magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon at
ideya.

9. Referensyal- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan ng mga
inilalahad na kaalaman. Ang mga kaalamang hinango mula sa iba ay malinaw na tinitiyak at
inilalahad.
Reperensyal
ito ay uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sors hinggil sa isang
paksa. madalas, binubuod o pinaiikli ng isang manunulat at ideya ng ibang manunulat at tinitukoy
ang pinghanguan niyon na maaring sa paraang parentetikal,talababa o end notes para sa sinumang
mambabasa na nagnanais na mag-refer sa reperens na tinukoy.

You might also like