You are on page 1of 1

GUTOM

May isang binatilyong mag-aaral ang gustong makapagtapos ng pag-aaral ngunit


nakagawa ito ng bagay na kaniyang pinagsisisihan. Marahil ito ang dahilan ng unti-unting
panghihina ng kaniyang kalooban. Nawawala na rin siya sa tamang pag-iisip dahil naguguluhan
na siya sa mga pangyayari.

Habang siya ay naglalakad sa may tulay ay tuliro siya at hindi malaman ang gagawin sa
sitwasyong kaniyang kinakaharap. Nang akma na siyang tatalon ay tinapik siya sa balikat ng
pulubi upang manghingi ng limos. Hindi siya tinigilan nito hangga't hindi siya nag-aabot ng kahit
makakain man lang.

Sa kabila ng pag-iisa ng pulubi sa buhay ay punong-puno ito ng pananalig sa Diyos. Kahit


nanlilimos lamang siya ay mayaman siya sa pag-asa. Dahil dito ay napagtanto ng binata na dapat
matuto tayong harapin ang mga pagsubok sa ating buhay at itaguyod ang ating mga sarili
hanggang malampasan natin ang mga problemang kinakaharap natin sa buhay.

CLOUIE ANN BANGILAN

You might also like