You are on page 1of 6

“AKALA”

Hindi kita inaalis sa puso ko kasi umaasa ako sa pagbabalik mo,

Alam ko sa sarili ko na ikaw pa rin ang tinitibok nito,

Laman ka pa rin ng puso ko kahit ako ay durog at nagdudugo,

Ako ay umaasa pa rin na iyong dinggin ang aking mga pagsamo.

Akala ko nagbibiro ka lamang sa paglisan mo,

Di ko alam na ito pala ay tototohanin mo, Akala ko isa lang to sa mga pakulo na inihanda mo,

Pero ako pala ang di nakapaghanda sa pagbitaw mo sa kapit ko.

Baka, baka sakaling mahal mo rin ako, Baka planado lamang ang lahat ng ito, Pero nadiskubre kong
nasanay lamang pala ako,

Di dapat ako nabulag sa panandaliang presensyang dulot mo.

Di ko namalayang nahulog na ko sayo,

Di ko pala napigilan ang damdamin kong ito,

Akala ko mananatili ka sa piling ko,

Ngunit di ko inaasahan na lilisanin mo rin ang aking mundo.

Nanatili ka sa puso ko hanggang sa madurog ito,

Akala ko ikaw na ngunit bigla kang nagbago,

Ang mga mabubulaklak mong salita ay biglang naglaho,

Sa iba mo na pala sinasambit at isinasapuso.

Sa bandang huli mapapagod din ako, Maiisip kong pinagtagpo lamang tayo,

Di tayo ang itinadhana ng mundo,

Akala ko lang pala na pedeng maging tayo.


Sana kaya kong ibalik ang dati,

Baka sakaling ayos pa tayong nakakangiti,

Di tulad ngayon na halos di na magkatinginan,

Samahan natin ay tila winakasan.

Akala ko ikaw na,

Akala ko tayo na,

Akala lang pala ang lahat ng meron tayo, Sapagkat simula palang ay di pala talaga ako ang iyong gusto.
MAGISA.

Lagi nalang akong magisa.

Magisang hinaharap ang mga problema.

Magisang hinaharap ang mga araw na dumadaan.

Magisang naghahanap ng sagot sa buhay ko.

Magisang nagaantay ng kung ano mang aantayin.

Gusto kong ipahayag lahat ng nararamdaman ko.

Pero wala akong lakas ng loob para sabihin lahat ng ito.

Gusto kitang mahalin ng walang duda.

Pero wala akong lakas ng loob na sabihin na mahal kita.

Gusto ko ako ang lalaki para sayo.

Pero hindi pwede,kasi nakahanap ka na pala ng lalaking magmamahal sayo.

Napakarami kong iniisip.

Napakarami kong gustong sabihin.

Napakarami kong hinanakit.


Napakarami kong problema.

Napakarami kong....

Pero.. pag nakakausap kita nawawala lahat yun.

Pero.. pag naaalala kita nabablangko ang isip ko.

Pero.. pag nakikita kita gumagaan ang pakiramdam ko.

Kaya pwede mo ba akong samahan?

Sa daang tinatahak ko na ito??

Kaso masyadong madilim itong daan na dadaanan ko.

Masyadong mahirap sa isang kagaya mo.

Masyadong nakakatakot ito, dahil pwedeng ikamatay ito.

Pero wag kang magaalala dahil nandidito naman ako.

Hindi kita iiwan, sa daang tatahakin natin.

Hindi kita bibitawan kahit ano pa ang aking salubungin.

Hindi kita pababayaan kahit buhay ko pa ang kapalit.


Dahil ikaw ang buhay ko.

Ikaw ang bumubuhay sa puso kong naghihingalo.

Ikaw ang tanging taong nakakaintindi ng nararamdaman ko na ito.

Ikaw ang taong mahal na mahal ko.

Kaso...

Hindi pwedeng.

Maging tayo..

Dahil..

Meron ka nang mahal na iba..

Kaya ito ako ngayon.

Magisa..

Magisang tinatahak ang daan na napaka delikado.

Magisang naglalakbay sa daang hindi dapat daanan ng tao.

Magisang nagmamahal sayo.

Kaya hanggang dito nalang dahil hindi ko na kaya.


Hindi ko na kayang isipin kapa.

Hindi ko na kayang makita kapa.

Hindi ko na kaya...

Paalam. Aking mahal.

Paalam... Aking kaligayahan..

You might also like