You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII
Catbalogan City Division
Catbalogan VI District
BLISS CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
S.Y. 2018-2019

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO
Grade IV
Unang Markahan

I. LAYUNIN:
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa napanood na maikling pelikula/palabas.
F5PD-Ij-12;
LOCALIZED: Makapagsunod-sunod ng mga pangyayari sa napanood na maikling
pelikula/palabas na hango sa tunay na pangyayari sa isang liblib na lugar sa probinsya
ng Samar. DLHTM #7-VALUES and BELIEFS

II. A. PAKSANG ARALIN:


Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa napanood na maikling pelikula/palabas.

KBI: Pag-iingat sa sarili at sa mga taong nakakasalamuha

III. A. SANGGUNIAN:
K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino 5 F5PD-Ij-12, p 95 ng 190
DLHTM #7-VALUES and BELIEFS
(Belief in ghosts, aswang, tikbalang, white ladies malign in the trees of schools and
witchcraft)
“Biringan, an Misteryoso nga Lugar ha Samar”
“Aswang na Umaaligid kay Lorena”, Wagas, GMA News
“Tiyanak na Gumagala sa Baryo”, Wagas, GMA News

B. MGA KAGAMITAN:
Projector at laptop, videoclip, larawan, tsart, basket, bond paper, pentil pen,
cheapboard, scotch tape

IV. PAMAMARAAN:
A. Pagsasanay:
Gabayan ang mga bata sa pagbuo ng tatlong pangkat at pumili ng lider sa bawat
pangkat.
Bawat pangkat ay bibigyan ng sobre para sa kani-kanilang gawain.
Ilalahad ng mga bata ang kanilang isinagawang gawain pagkatapos.

B. Balik-aral:
Balikan ang isinagawang gawain, isa-isahin ang mga Bahagi ng Liham.
Ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng liham?

C. Paghahanda:
1. Pagganyak:
Sino sa inyo ang mahilig manood ng pelikula?
Anong pelikula ang gusto ninyong panoorin?
Ano ang mabisang pamantayan sa panonood ng pelikula?
Ipapanood sa mga bata ang isang maikling palabas, “BIRINGAN, ang Misteryoso
nga Lugar ha Samar.”

Tungkol sa ano ang natunghayan ninyong palabas?


Saan natin matatagpuan ang lugar ng Biringan City?
Sino-sino ang mga nakatira doon?

Magpakita ng larawan ng mga maligno/kababalaghan


Sino-sino sila?Nakakita naba kayo nito sa totoong buhay?
Tototo ba sila?Bakit?

D. Paglalahad/Abstraksyon:
Sabihin: Magkakaroon kayo muli ng pagkakataong makapanood ng pelikula.
Ipaalala ang pamantayan sa panonood ng pelikula.
Magpapanood sa mga bata ng isang maikling palabas “Aswang na umaaligid kay
Lorena”.
Ano ang kaganapan sa napanood na palabas?

3. Pagtatalakay:
Talakayin ang kwento at ipalarawan ang tauhan sa kwento.
Ipalahad sa mga bata ang pagkakasunud-sunod ng pangyayari.
Talakayin kung tama ba ang pagkakasunud-sunod na pangyayari ayon sa kanilang
pagsasalaysay.

E.. Pagpapayamang Gawain/Aplikasyon:

Pangkatang Gawain.
Bigyan ang bawat grupo ng lipon ng mga larawan mula sa kwentong “Aswang na
umaaligid kay Lorena.”

Unang Grupo:
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kwento. Ayusin ang mga larawan
mula sa unang nangyari hanggang sa matapos ito.

Ikalawang Grupo:
Bigyan ang ikalawang grupo ng mga pangungusap mula sa kwentong “Aswang na
umaaligid kay Lorena”

Ikatlong Grupo:
Isadula ang mga pangyayari sa kwentong “Aswang na umaaligid kay Lorena”, ayon sa
pagkakasunud-sunod ng pangyayari.

Talakayin at iproseso ang mga sagot ng mga bata. Bigyang diin ang pag-iingat sa sarili sa
lahat ng oras at sa pakikisalamuha sa iba’t-ibang tao.

F. Paglalahat:
Anu-ano ang mga dapat tandaan sa panunuod ng isang palabas o pelikula?
Bakit mahalagang sundin ang mga hakbang sa isang gawain?
Ano ang kahalagahan ng pagkakasunud-sunod ng pangyayari?

Tandaan: Ang pagsunod-sunod ng pangyayari ay ayon sa tamang pagkakasunod sa


kwento/pelikula.
G. Paglalapat:
Pangkatin ang klase sa dalawa. Ipaayos ang mga larawang ibinigay sa kanila ayon sa
pagkakasunud-sunod.
I. Larawan ng kwentong “Si Pagong at ang Matsing”
II. Larawan ng isang babae mula pagkabata hanggang pagtanda
III. Larawan ng isang batang eskwela.

H. PAGTATAYA:
1. Panoorin ang maikling pelikulang “TIYANAK NA GUMAGALA SA BARYO”.Pagsunod-
sunurin ang mga pangyayari sa napanood na pelikula.
2. Sa isang buong papel, sumulat ng 5 pangungusap na nagsasabi ng sunod-sunod na
pangyayari tungkol sa iyong napanood na palabas na “TIYANAK NA GUMAGALA SA
BARYO”.
3. Kapag tapos na sa gawain, itupi ang papel ng 3 beses at tahimik na maghintay
hanggang sa matapos ang iba.

I. TAKDANG-ARALIN:
Manood ng “ANG PROBINSYANO” ngayong gabi at isulat ang mga pangyayari sa
wastong pagkakasunod-sunod.

V. MGA TALA:

VI. PAGNINILAY:

Ipinasa ni::

DOTESA E. ALINSO-OT
Teacher III

Inirekomenda ni:

MATEO M. PABUNAN
Principal

Noted & Approved:

FLORITA L. LEE, Ph.D


EPS-I, Filipino
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII
Catbalogan City Division
Catbalogan VI District
BLISS CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
Catbalogan City
S.Y. 2018 - 2019

Prepared & Submitted by:

DOTESA E. ALINSO-OT
Teacher III

Recommending Approval:

MATEO M. PABUNAN
Principal

Noted & Approved:

FLORITA L. LEE,Ph.D
EPS-I, Filipino

You might also like