You are on page 1of 2

Kagandahan ng MLBB

Isa sa mga kinahuhumalinangan ng mga kabataan ngayon ay ang paglalaro ng

mga online games. Kabilang na rito ay ang Tekken 7, Dota 2 at Arena of Avalor. Ngunit

sa lahat ng mga online games ngayon, ang pinakakilala ngayon ay ang MLBB o Mobile

Legends Bangbang.

Ang MLBB ay isang Multiplayer Online Battle Arena na uri ng online game na maaari

laruin sa kompyuter ngunit kadalasang linalaro sa mga mobile phones. Ito’y linalaro ng

limang players at pangunahing objective ng laro ay basagin o sirain ang pangunahing

tore o yung enemy base turret.

Sa kabila ng kasakitan ng MLBB sa ating bansa, maraming tao parin ang

pumupuna sa maaaring masamang maidulot nito sa kalusugan at pag-uugali ng

kabataan. Ngunit pag lubos niyo itong tingnan, makikita niyo kung gaano kaganda at

lubos na makakatulong ito sa pag-iisip ng isang tao. Hindi lingid sa inyong kaalaman na

ang paglalaro ng MLBB ay hndi kapindot-pindot lang ng mga buttons at kasugod-sugod

lang kapag may kalaban. Nangangailangan ito ng masusi at eksaktong pagdedesisyon

at epektibong istratehiya sa bawat clash o laban na magaganap. Lalong-lalo na sa mga

clutch plays o yung mahahalagang clash na makapagpapanalo ng team. Makatutulong

ito sa isang tao upang lubos nitong mapaunlad ang kanyang kakayahang

makipagkomunikasyon sa iba’t-ibang wika at lugar.

Bukod dito, sa paglalaro ng MLBB maaari kang kumita ng pera at makakuha ng

mga sponsors sa pamamagitan ng paglilive-stream sa Facebook at Youtube. Sa bawat

views at diamonds na ibibigay ng viewers ay may katumbas na pera at kung maging

mas kilala ka na, mismong Youtube at Facebook na ang magbibigay sayo ng suweldo.

Mayroon din mga ginaganap na mga tournaments ng Mobile Legends kung saan

maipapakita at mapapamalas ng isang player ang kanyang talento. Sa ginanap na 30th

SEA Games 2019 nga ay kasali sa mga laro ang esports at kabilang na rito ang Mobile

Legends Bangbang.
Kaya ibig sabihin lang neto, ang paglalaro ng MLBB ay hindi lang isang libangan

sa halip ito’y isa ring laro na nagbibigay ng mga opportunidad. Isang laro na hindi

lamang nakapagbibigay ng aliw sa mga tao kundi isang ring larong nakapagbibigay ng

pagkakataon sa tao na maipamalas ang talento sa larangan ng esports at karangalan

sa isang bansa. Maaaring malimit natin naririnig palagi ang masasamang epekto nito sa

kalusugan at pag-uugali ng isang tao sa sobra-sobrang paglalaro nito subalit ika nga ng

iba,” Lahat ng sobra ay nakakasama.”

You might also like