You are on page 1of 5

Napakasaya ng mga sandaling ito.

“Palakpakan nating lahat ang nanood sa gig na ‘to!”

Sigaw ng bokalistang mahaba ang buhok habang yakap-yakap niya ang kanyang
gitara.

At lumagutok na ang mga instrumento, kumalansing ang pares ng magkapatong na


tanso.

Naghahalo ang dilaw, kahel at ginto na mga ilaw sa paligid.

Napakaliwanag.

Mas pinililiwanag pa ng bawat notang nililikha ng kilalang banda.

Isa-isang pinakilala ang mga miyembro ng banda.

Napapaindak habang tumitipa ang may hawak ng keyboard. Sulit ang bawat kalabog na
nagmumula sa mga nagtatambol. Banayad ang pagkakahagod ng pinagsasama-
samang buntot ng kabayo sa kwerdas ng violin. At masayang napapayugyog, minsan
pa’y napapatalon ang kanilang bahista.

Walang tapon—ni isa sa kanila.

“MATAGAL PA BA ‘TO, KAY?”

Sigaw niya sa akin sapagkat ayaw magpaawat ng mga nagtatanghal—tila nalulong na


sa sariling sining. Bakas sa mukha niya ang pag-aalinlangan kung aalis o tutunghayan
pa ang banda.

Kung tutuusin, ayaw na ayaw niya sa bandang ito.

Pero sumama siya—para sa akin.


Iba yung lalim ng mensahe ng mga kanta nila, kaya naman mahal na mahal ko sila.
Kung mayaman lang ako, kukumpletuhin ko lahat ng merch at album nila. May pirma pa
nga nila ang isa sa mga ticket ng napuntahan kong gig nila.

Mga kanta nila ang nagparamdam sa akin ng emosyon na matagal kong hindi
nakamtan—kapayaan.

At itong lalaking kasama ko…mahal ko ‘to.

At siya rin—ang kapayapaan ko.

Hinatak ko yung tenga niya habang walang-patid kanyang panonood sa banda.

Sabi niya…ayaw niya.

‘Yon pala…kasi hindi niya pa nakikinggan.

“LAST NA SONG NA ‘YAN, JAI! MAGANDA ‘YAN! ALAM MO BA ‘YON?”

Nanahimik ang lahat at namatay na ang mga ilaw.

At di na nagkamayaw ang mga daliri ng isa sa mga bokalista sa pagpiltik ng mga


kwerdas ng kanyang gitara.

Nagwala na ang madla.

Nagpatay-sindi ang mga ilaw—kung saan-saan tumatama ang mga di mapakaling


kulay.

‘Yon ang pinakainaabangan ko sa lahat at ang pagsigaw ng boses niyang malalim at


pagaw…
“JUMP! JUMP! JUMP!”

Halu-halo na.

May sumisigaw, kumakanta, humuhuni, sumasayaw at tumatalon.

At sa saya…napatalon ako.

Pati puso ko…nakisali na.

Tumatalon na rin pala siya sa tabi ko habang nakataas ang mga kamay.

Napakasaya niya.

At wala na akong mahihiling pa.

Kumikislap ang mga mata niya, kasabay ng pagtama ng mga ilaw sa salamin niya.

Parang mga kometang matagal na hindi nakaranas na makalaya sa sariling enerhiya.

Ang saya-saya.

Niyakap ko siya gamit ang kaliwang kamay at isinandal ang ulo sa balikat niya.

At gan’on din siya sa akin.

Napahinto kami sa pagtalon.

Sinabayan ko ang mga liriko ng kanta habang nakatingin sa kanya.

“They lead me back to you, ohh.”

At lumingon siya, nagkangitian.

Kilig.
“So I'm coming home to you, o-ohhh.”

Nakisabay na rin siya sa pagkanta kahit wala siya sa tono.

“You, ohhhhh.”

Nanahimik na siya kasi di niya na alam yung mga sunod na liriko eh. Niyakap niya
ako…yung mahigpit habang magkatabi kaming namamangha sa banda—nalulunod sa
musika at mga nararamdaman.

“You're all I need, the very air I breathe.”

Napakahina ng boses ko sa ingay dito.

Walang laban sa bawat palo ni Jam sa drums.

Nilapit ko ang bibig ko sa tabi ng tenga niya…

“You are home,”

At inilapit niya sa mukha ko ang mukha niya.

Naglapat ang mga noo…

Sunod naman ang mga ilong.

“Home.”

‘Yan ang sabi niya.

At tapos na.
Tapos na kaming dalawa.

Isang parte na lang ng planong hindi na mangyayari pa.

Dahil isa na lang siya sa mga ligaw na kaluluwang maharot na dapat ipagdasal at
ipagpamisa na sana tuluyang manahimik at ‘wag ng magparamdam pa.

You might also like