You are on page 1of 11

DAY 1

SCENE 1
[Bedroom]
Magsisimula ang araw sa malakas na alarm. Ang oras na ipapakita ay 6:15am araw ng
December 18, 2019. Mag-uunat, babangon, toothbrush, bihis sa salamin tapos bababa sa living
room.
[Kitchen]
Lalagpasan nya ang nanay nya na inaasikaso ang kapatid at kakain ng tahimik habang
ang tatay ay nag-aabala sa kung ano.
“Good Morning, Ma! Morning, Pa!”, masigla ang tono ni Elisa.
“M-mawrning Ayt-hwe!”, bati ng kapatid nya na nginisian nya na lang.
Mag mamadali si Elisa sa pagkain na mapapansin ng tatay nya.
“Dahan-dahan, anak. Kumain ka nga ng maayos.”, sasabihin ng tatay.
“Hindi na, Pa. Hinihintay na ako nina Maricar”, sasabihin ni Elisa habang tinuturo ang
oras.
“Hay nako, Elisa. Buti pa ang mga kaibigan mo inaalala mo.”, sasabihin ng nanay na
hahagikhikan lamang ni Elisa habang nagbebeso tapos mararamdaman nyang may nahatak sa
manggas ng uniporme nya.
“ID? Ayt-hwe? Kay Ayt-hwe? ID?”, tanong ng kapatid nya sakanya, tonong utal.
“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na huwag mong hahawakan ang mga gamit ko?
Agh!”, nagdadabog na aalis si Elisa.

*INSERT MONOLOGUE VOICE-OVER*

SCENE 2
[School]
Magsisimula ang cut sa pagkakagulo ng mga tao sa hallway in a secret way. Para silang
nagpapasa-pasa ng fliers na may hidden message na “YEAR-END PARTY”.
Everytime na may passerby, lalapitan ng isang estudyanteng may flier sabay bulong ng,
“Basahin pababa.”. Tapos ang letters sa flier pag pinagsama-sama ay year-end party.
“Anong nangyayari dito?”, tanong ni Elisa sa sarili habang papalapit sina Maricar.
“Uy, girl! Ang tagal mo!”, sabi ni Maricar.
“Please lang! Mas nauna pa ako sa inyong dalawa!”, sabi ni Elisa
“Gurls! Ilang beses ako natapilok sa overpass! Nakakahiya~”, sabi ni Mary Ann.
“Wag ka raw kasing mag-inom nang mag-inom! Hindi mo ba alam ang ‘Drink
Moderately’?”, sabi ni Maricar
“Seryoso kasi, girl. Sobrang nakakahiya!”, sabi ni Mary Ann.
“At least wala doon ang crush mo.”, sabi ni Elisa.
Matutulala sandal si Mary Ann sabay madramang pipikit. “Likod. Crush. Overpass.
Tapilok.”, sabay hahagulgol ng over.
“Oh bakit naiyak itong si Mary Ann?”, sabi ni Chesa na kakarating lang.
“Kabute ka, girl?”, silang tatlo.
“Drama nyo naman. Tara na nga!”, sabi ni Chesa at sabay-sabay na silang pumunta.
Habang naglalakad ay may pupuluting flier si Elisa at titingnan nila ng sabay-sabay.
Magkakatinginan sila sa isa’t-isa at magchecheer.
“Oh my God! Ito pala yun! Tutulong ba tayo? Balita ko kay Ben, si Carlos ang mag-
aasikaso ng event at nangangailangan sya ng tulong.”, sabi ni Chesa
“Hay nako. Ben Ben Ben. Move on ba, girl. Alam mo yun?”, sabi ni Maricar
“Pero—“, aapila si Chesa pero napigilan na.
“Walang pero-pero. Ang mang-iiwan ay kinakalimutan kaya let go na Chesa. Ano bang
paki mo sa walang paki sa’yo?”, mataray na sabi ni Maricar
“Tama! Hindi pa ba kami sapat sayo, Chesa?”, nagkukunwaring malungkot na si Elisa
“No more boys ha. Malapit na tayong grumaduate. Sulitin natin ang buhay Seniors sa
taong 2019!”, cheer ni Mary Ann at nagsabay-sabay silang magtawanan.

SCENE 3
[Classroom]
*INSERT DISCUSSION NG PROF*
Dadating bigla si Carlos sa klase na pagod at may konting fliers na bitbit. “Sorry I’m late,
ma’am. May banggaan at protesta po sa kalsada eh. Pasensya na po.”, nagkakamot ng batok
na sabi ni Carlos. Papapasukin ng Prof si Carlos.
Nakikinig lang sa discussion si Elisa habang nakatingin sa kanya si Carlos.
Mararamdaman nya ito at mapapatingin sya. Iiwas naman si Carlos. Magriring ang bell at
habang paalis ay hahabulin ni Carlos si Elisa.
“Elisa!”, sasabihin ni Carlos habang inaabot ang kamay ni Elisa. Titingin lang si Elisa
“Ah ano *kamot ulo*. Malapit na kasi ang Year-end party. Ako ang organizer ngayong
taon kaso hindi ko pa tapos ang preparations. Nagbabaka-sakali lang akong baka pwede mo
akong tulungan?”, nahihiyang tono ni Carlos
“Pag-iisipan ko.”, sabi nya sabay ngiti at alis.

SCENE 4
[Canteen]
Simpleng chikahan lang ng usual na mean girls. Pag-uusapan ang kalampahan ni Mary
Ann sa overpass nang mapapansin nila si Lyka na may dalang pagkain/lunch.
“OMG. Sisa Alert!”, maarteng sabi ni Maricar.
“Hindi nya baa lam na super baduy nya manamit?”, tanong ni Chesa
“Uulitin ko na lang ang pagkatapilok ko kesa manamit tulad nya.”, sabi ni Mary Ann
Sabay-sabay silang maarteng mag-eeww at magtatawanan.
Tatakbo ng dramatic si Maricar sa harap ni Lyka. Magkukunwaring taranta sabay hiyaw
ng “Crispin? Basilyo?! Mga anak ko!”, tapos tatawa sya sabay tingin kay Lyka at Loser handsign
Matatapos ang scene na may matatanggap na text silang apat mula kay Carlos. “Study
Area. Year-End Party. Now.”

SCENE 5
[Study Area]
Sabay-sabay na maglalakad ang apat papuntang study area. Umattend ang apat na
ikinatuwa ni Carlos. Nagmeeting si Carlos – yung update update chuchu na ginagawa kapag
may event tayo per committee ganern – tapos biglang dumating si Lyka.
“What is she doing here? As if may gustong makakita sakanya sa party?”, sasabihin ni
Elisa nang mataray habang nakapamewang
“Nasa mood pa naman akong tumulong. Hay nako.”, sabi ni Chesa
Kukulbitin silang tatlo ni Maricar sabay sabi ng “Watch this.”. Uupo sya sa tabi ni Lyka at
mag-mamaang-maangang ihaharang ang paa sa daraanan ni Lyka. Madadapa si Lyka.
“Oops, sorry. Ang lampa mo kasi.”, sabi ni Maricar na tinawanan nilang apat

[CR]
Pumuntang CR si Lyka para hugasan ang dumi sakanya pero nagulat sya nang
magsara ang pinto ng CR. Magmamakaawa syang buksan ito ng tao sa labas.
“Let’s go, girls. Tapusin na lang natin ang paper natin sa Chemistry.”, sasabihin ni
Maricar
“Paano si Lyka?”, pagtataka ni Elisa
“She’ll be fine. Ito naman. Nagrerecheck naman ang Janitors pagsapit ng alas otso.”,
sabi ni Chesa at nagtawanan na ang tatlo. Medyo bothered na si Elisa.

SCENE 6
[Dorm ng isa sa barkada]
Ipapakitang lampas 8:00pm na ang oras habang magkakasama sina Elisa na nag-aaral.
Nakatingin si Elisa at mapapatanong sya. “Sure ba kayong, nirerecheck ang rooms pagka-alas
otso?”, pag-aalala ni Elisa
“Please lang. Tatlong pages pa lang ang natatapos ko. Wala muna tayong pakialam kay
Lyca please.”, sabi ni Maricar
Biglang magkakaroon ng message sa phone nilang lahat. “A Senior from Chenes
Chenes High was found dead in one of the universities’ comfort rooms. Her name is Lyka
Chenes Chenes from Class Chengchengcheng. Cause of Death, unknown.”
Magkakatinginan sila at iimik si Mary Ann. “Oh no. Girls. What should we do?”.
“Anong what should we do? We do nothing, Mary Ann! Hindi natin kasalanan ito!”, sabi
ni Maricar
“Maricar is right. So what naman kung patay na siya? Wag niyong isisi ang sarili niyo.
Kung talagang hanggang dito nalang ang oras niya, wala na tayong magagawa don.”, sabi ni
Chesa
“Pero tayo ang huling nakakita sakanya sa CR na yon!”, pagrereason out ni Elisa
“Wag kayong maghugas kamay diyan na parang may pakialam kayo, ngayong parat na
yung tao! Masama ang trato nyo sakanya simula umpisa kaya panindigan nyo ito!”, naiiyak na
sabi ni Maricar. Ipinipilit na hindi lang sya ang masama kay Lyka
Kakalmahin ni Chesa si Maricar at yayaing humiga. Tatayo si Elisa at sasagot, “Talaga
ba, Maricar? Namatay na yung tao ganyan ka pa umasta?!”
“Normal lang na mamatay ang isang tao. Wag kang maguilty sa isang bagay na natural.
At wag ka ring plastik na parang ang bait bait mo sa kanya noong nabubuhay siya. Kasing
sama lang kita kasi kinunsinti nyo ako. Tandaan nyo yan!”
BIGLANG AALARM NG PANIBAGO. END OF DAY 1.
DAY 2
SCENE 1
[Bedroom]
Magsisimula ang araw sa malakas na alarm pero this time, nakakunot ang noo ni Elisa.
Ang oras na ipapakita ay 6:15am araw ng December 18, 2019. Mag-uunat, babangon,
toothbrush, bihis sa salamin tapos bababa sa living room.
[Kitchen]
Nagmamasid sya sa nanay nya na inaasikaso ang kapatid at nagtataka sa kaparehong
ayos ng tatay nya kahapon.
“M-mawrning Ayt-hwe!”, bati ng kapatid nya na ipinagtaka nya.
“Ma? Pa? Anong date na ngayon?”, natatakot na tono nya
“Disiotso ata ngayon eh. Tanong mo sa mama mo.”, sabi ni tatay
“Date ba? December 18, anak.”, sabi ng nanay nya at matutulala sya

SCENE 2
[School]
Magsisimula ang cut sa pagkakagulo ng mga tao sa hallway in a secret way. Para silang
nagpapasa-pasa ng fliers na may hidden message na “YEAR-END PARTY”.
Nakatulala lamang si Elisa
“Uy, girl! Ang tagal mo!”, sabi ni Maricar.
“Gurls! Ilang beses ako natapilok sa overpass! Nakakahiya~”, sabi ni Mary Ann.
“Wag ka raw kasing mag-inom nang mag-inom! Hindi mo ba alam ang ‘Drink
Moderately’?”, sabi ni Maricar
Nakatulala lamang na nasunod si Elisa sa kanila.
Habang naglalakad ay may pupuluting flier si Mary Ann at titingnan nilang tatlo ng
sabay-sabay. Magkakatinginan sila sa isa’t-isa at magchecheer maliban kay Elisa. Nagtatakang
tumingin sakanya si Maricar.
“Okay ka lang ba, girl?”, sabi nya nang natatawa.
“Hay nako. Baka umamin na sakanya si Carlos. Diba gusto ka non?!”, asar ni Chesa
“Hindi pa ba kami sapat sayo, Elisa?”, nagkukunwaring malungkot na si Maricar
“No more boys ha. Malapit na tayong grumaduate. Sulitin natin ang buhay Seniors sa
taong 2019!”, cheer ni Mary Ann at nagsabay-sabay silang magtawanan habang tulala pa din si
Elisa.
SCENE 3
[Classroom]
*INSERT DISCUSSION NG PROF*
Dadating bigla si Carlos sa klase na pagod at may konting fliers na bitbit. “Sorry I’m late,
ma’am. May banggaan at protesta po sa kalsada eh. Pasensya na po.”, nagkakamot ng batok
na sabi ni Carlos. Papapasukin ng Prof si Carlos.
Nakikinig lang sa discussion si Elisa habang nakatingin sa kanya si Carlos.
Mararamdaman nya ito pero nakatulala lang sya at nag-iisip.
“Elisa!”, sasabihin ni Carlos habang inaabot ang kamay ni Elisa. Titingin lang si Elisa
“Ah ano *kamot ulo*. Malapit na kasi ang Year-end party. Ako ang organizer ngayong
taon kaso hindi ko pa tapos ang preparations. Nagbabaka-sakali lang akong baka pwede mo
akong tulungan?”, nahihiyang tono ni Carlos
Tumulala lamang si Elisa at nag-isip-isip
“Tutulong ako.”, sabi nya sabay ngiti at alis.

SCENE 4
[Study Area]
“Pasensya na ha. Ito lang naabutan ko sa canteen.”, magbababa si Carlos ng lunch para
kay Elisa. Magpapasalamat si Elisa nang makita nya na pumasok si Lyka sa banyo dala ang
pagkain nya
“Uh. Lyka. Pagkatapos ngayon, may gagawin ka pa ba?”, pagbabaka-sakali ni Carlos
“Sorry, Carlos. Baka hanapin ako nina Mama. Sandali lang ha.”, sabi ni Elisa sabay
sunod sa banyo
Maririnig ni Lyka na may nagwawala sa banyo at makikita nya si Lycan a pilit kinakamot
ang braso nya. Mapapahiyaw sya ng “Lyca!”.
Tutulala lang si Lyca sakanya at sasabihing, “Ipagkalat mo. Pagtawanan nyo. Dyan kayo
magaling!”, sasabihin nya sabay walk out sa banyo.
Nakatulala lang si Elisa sa upuan nya at napatingin sya sa tatlong kaibigang paparating.
“Girl! Nauna ka na pala? Bakit hindi ka nagpapasabi?”, sabi ni Chesa at mahahagip ng
mata nila ang paparating na Lyca.
“What is she doing here? As if may gustong makakita sakanya sa party?”, sasabihin ni
Elisa nang mataray habang nakapamewang
“Nasa mood pa naman akong tumulong. Hay nako.”, sabi ni Chesa
Kukulbitin silang tatlo ni Maricar sabay sabi ng “Watch this.”. Uupo sya sa tabi ni Lyka at
mag-mamaang-maangang ihaharang ang paa sa daraanan ni Lyka. Madadapa si Lyka.
“Oops, sorry. Ang lampa mo kasi.”, sabi ni Maricar na tinawanan nilang apat

SCENE 5
[CR]
Pumuntang CR si Lyka para hugasan ang dumi sakanya pero nagulat sya nang
magsara ang pinto ng CR.
“Tama na yan, Maricar!”, hindi na napigilan ni Elisa kaya napatingin sakanya si Maricar
“Kinokontra mo ba ako, Elisa?”, sabi niya na nagbabanta kaya napatigil si Elisa
Bubuksan ni Maricar ang pinto ng CR at titingnan ng seryoso so Elisa. “Palitan mo sya
dyan kung gusto mo magpakabayani.”, matatahimik sila at manlalamig ang katawan ni Elisa
Magpapabalik-balik ang tingin ni Elisa kay Maricar at Lyka hanggang sa magulat syang
dahang-dahang sinasara ni Lyka ang pinto.
“See? You’re protecting the wrong people. Tara na. Iwan nyo muna si Elisa, nang
mahulas yan.”, sabi ni Maricar sabay alis nilang tatlo.

SCENE 6
[Kitchen]
Ipapakitang lampas 8:00pm na ang oras habang magkakasamang nakain ang pamilya.
Nakatulala lamang si Elisa habang nilalaro ang pagkain.
“Anak? Ayos ka lang ba?”, tanong ng nanay.
“Ma? Pa? Masama ba akong tao?”, tanong ni Elisa kaya magkakatinginan ang mag-
asawa
“Hindi, anak. Ito naman. Bakit ka nag-iisip ng ganiyan?”, tanong ng nanay
“Paano ako bubuti kung wala akong nagagawang mabuti? Hindi ako ang pinakamabait
na estudyante at lalong hindi ang pinakamabait na anak at kapatid!”, pagwawala ni Elisa at
matatahimik sila
“Ma-mahal k-ko ang m-mga may mab-bubuting puso ayt-hwe. Ma-mahal kit-hwa.”,
pagbasag ng kapatid nya sa katahimikan.
“Tama ang kapatid mo. Hindi pareho ang perpekto at mabuti. Walang nahuhuli sa mga
gustong makagawa ng kabutihan.”, sasabihin ng nanay
“Tanda mo noong bata ka? Noong bagong naintindihan mo ang sakit ng kapatid mo?
Diba ang sabi mo sakin noon hindi mo hahayaang masaktan siya ng kahit sino at aalagaan mo
siya hanggang sa pagtanda niyo?”, sasabihin ng tatay
“Eh ngayon po? Wala po ba akong nagagawang mabuti? Ma? Pa?”, pagtatanong ni
Elisa.
“Hindi naman importante kung ngayon o dati pa yung nagawa mong mabuti. Ang
mahalaga nakagawa ka ng kabutihan.”, sabi ng tatay nya at biglang may magsesend sa
kanyang text at matataranta si Elisa
“A Senior from Chenes Chenes High was found dead in one of the universities’ comfort rooms.
Her name is Lyka Chenes Chenes from Class Chengchengcheng. Cause of Death, unknown.”

BIGLANG AALARM NG PANIBAGO. END OF DAY 2.


DAY 3
SCENE 1
[Bedroom]
Magsisimula ang araw sa malakas na alarm. Ang oras na ipapakita ay 6:15am araw ng
December 18, 2019. Mag-uunat, babangon, toothbrush, bihis sa salamin tapos bababa sa living
room. This time, masaya na si Elisa.
[Kitchen]
“Good Morning, Ma! Morning, Pa!”, masigla ang tono ni Elisa.
“M-mawrning Ayt-hwe!”, bati ng kapatid nya na tinawanan nya
“Good Morning sa pinakamamahal kong kapatid!”, yayakapin nya ito habang
nagkakatinginan ang nanay at tatay nya na parang natouch sa bond ng magkapatid
Mag mamadali si Elisa sa pagkain na mapapansin ng tatay nya.
“Dahan-dahan, anak. Kumain ka nga ng maayos.”, sasabihin ng tatay.
Mapapatigil sya sa pagmamadali at ngingiti sa papa nya habang nanguya. “Sige po.
Wala pa naman akong oras na hinahabol.” At masaya syang kakain.

SCENE 2
[School]
Magsisimula ang scene nito sa pagmamadali nyang makapasok tapos
magkakabungguan sila ni Carlos. Magliliparan ang fliers na bitbit nito. Matatameme si Carlos
kay Elisa pero matatawa naman si Elisa.
“Banggaan at protesta pala ha.”, bulong nya ng mahina sabay tayo
“Oy. Magkakaklase tayo ngayon diba? Ma’am Fe?”, nahihiyang tanong ni Carlos na
tatanguhan nya lang. Magsesenyasan sila na magsasabay papasok at magtatawanan na lang.

SCENE 3
[Classroom]
Dadating si Carlos at Elisa nang sabay at mapapatigil ang klase. “Pasensya na po may
banggaan.” Sabi ni Carlos.
“May protesta po sa lugar naming pasensya na.”, sabi naman ni Elisa at natatawang
nagkatinginan ang dalawa. This time, tabi silang uupo at tahimik na nagnonotes habang pasilip-
silip sa isa’t-isa.
“Ah ano *kamot ulo*. Malapit na kasi ang Year-end party. Ako ang organizer ngayong
taon kaso hindi ko pa tapos ang preparations. Nagbabaka-sakali lang akong baka pwede mo
akong tulungan?”, nahihiyang tono ni Carlos
“Elisa? Yuhoo! Tara na?”, biglang tawag ni Maricar sakanya kaya tumango na lang sya
habang nakangiti.

SCENE 4
[Canteen]
Simpleng chikahan lang ng usual na mean girls. Pag-uusapan ang kalampahan ni Mary
Ann sa overpass nang mapapansin nila si Lyka na may dalang pagkain/lunch.
“OMG. Sis---“, mapipigilan ni Elisa si Maricar
“Girl! Gusto mong ice cream? Libre ko.”, sabi ni Elisa at magkakagulo ang tatlo sap ag-
aagawan. Nakatanaw pa din si Elisa sa dinaanan ni Lyka

SCENE 5
[CR]
Nakain nang tahimik sa CR si Lyka nang may makita syang ice cream sa ilalim ng pinto
nya. Bubuksan niya ang pinto at magtataka sa nakangiting Elisa na may dalang dalawang ice
cream. “Sabayan mo naman ako oh.”, alok niya nang nakangiti.
Nagtatakang lumabas si Lyka at nagtanong kay Elisa, “Kung inuuto mo lamang ako para
sa kasiyahan nyo. Please. Huwag ngayon.”
Nakangiti lang na inabot ni Elisa ang kamay ni Lyka at binigay ang ice cream. “Elisa nga
pala and I am sorry.”

SCENE 6
[Study Area]
Sabay na lalabas si Elisa at si Lyka habang masayang nagkukuwentuhan.
Mapapanganga ang tatlo sa nakita at natatawa nang tabihan sila ni Elisa. Matatahimik bigla si
Lyka na nakatayo at naawawkward.
“A new found friend? Anong kalokohan bai to, Elisa?”, natatawang sabi ni Maricar
Ngingiti lamang si Elisa at sasabihing, “You like dressing up?”, tanong niya kaya
nagkatinginan ang tatlo
“I guess mas maganda magmula sa pangit.”, sabi ni Maricar
“Basta ba huwag nya dudumihan eh.”, sabi naman ni Chesa
“Finally! Dati pa kita gusto maging kaibigan!”, sabi ni Mary Ann at pinagkaguluhan na
nila si Lyka.

Habang niwrawrap-up ang meeting, magpapaalam si Lykan a mag-CR. Biglaang mag-


aalala si Elisa at kinakabahan sa maaaring mangyari sunod nang biglang magsalita sina Chesa
“Nakakatampo ka naman. Bigla mo na lang kaming iniiwan at ipinagpapalit. Fine, she’s
cool naman pala but hey. Over us, Elisa?”, nagkukunwaring nasasaktan na si Chesa
“I’m lamer than you think, guys. We all are. Late lagi si Maricar. Lampa naman si Mary
Ann. Hindi makamove-on si Chesa---”
“Mapanakit ka!”, sabi ni Chesa at nagtawanan na silang lahat.
Mageend ang scene sa lumabas si Lyka ng CR nang nakangiti at nilapitan ni Mary Ann.
“Tara na tara na tara na!”

TUTUNOG NANG MALAKAS ANG ALARM. END OF DAY 3.


Gigising si Elisa nang masaya kasi hindi na 6:15am ang oras. Hindi na din December
18, 2019 ang date. Magmomonologue siya tungkol sa kabaitan tapos marerealize nya.
“LATE NA AKO!”

END OF FILM

You might also like