You are on page 1of 3

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Unang yugto ng imperyalismo


Nagsimula noong ika-15 na siglo ang eksplorasyon ng mga Europeo sa mga lugar na hindi pa nararating. Ang eksplorasyon ay nagbigay-daan sa kolonyalismo o ang
pagsakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.  Noong ika-15 hanggang ika-17 na siglo naganap ang unang yugto ng Imperyalismong
kanluranin.  Imperyalismo – panghihimasok, pag-iimpluwensiya at pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.  Ang eksplorasyon ng
mga Europeo ay nagkaroon ng matinding epekto sa nagging takbo ng kasaysayan ng daigdig.  Ang panahon ng ekplorasyon ay nagging dahilan upang ang mga
karagatan ay maging daan tungo sa pagpapalawak ng imperyong Europeo.
Motibo para sa kolonyalismo…
 Paghahanap ng kayamanan
 Pagpapalaganap ng Kristyanismo
 Paghangad ng kantayagan at karaganlan Mga Salik ng pagdating ng mga kanluranin sa Asya
 Renaissance
 Ang paglakbay ni Marco Polo at Ibn Battuta
 Merkantilismo
 Krusada
1. 4.  Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng paglalayag at pagtuklas ng bagong lupain – ang Portugal at Spain.  Prinsipe Henry (the Navigator) –
Inspirasyon ng mga manlalayag. Pinamunuan niya ang pangunguna ng Portugal sa mga bansang Europeo.  Limitado lamang sa Spain at Portugal ang
paglalayag ng mga Europeo noong ika-16 na siglo. Naitatag din sa panahong ito ang unang pinakamalaking imperyo ng Europeo.
2. 5. 1469 – nagsimula ang imperyo sa panig ng Espanol nang magpakasal si Isabella kay Ferdinand ng Aragon. Sa pamumuno ni Ferdinand at Isabella ay
napanatili nila ang kapangyarihan ng dugong bughaw sa Castilla. Nasupil din nila ang mga Muslim sa Granada at nagwakas ang Reconquista. Noong ika-17 na
siglo, naitatag ang mga bagong imperyo sa hilagang Europe, Great Britain, France at Netherlands. Ang mga ito ang nagbigay lakas sa mga Europeo upang
palakihin ang pakikipagkalakalan at pagpapalaganap ng mga produktong galling sa Silangan.
3. 6. What’s in a pic? Paghahanap ng kayamanan Mga ___________ at _____________ ng Spain at Portugal sa ________________.
4. 7. Ang paghahanap ng Spices…  Noong ika-13 na siglo ay naka depende ang Europe sa spices na matatagpuan sa Asya particular sa India.  Ang mga spices
na malaking demand para sa Europeo ay ang paminta, cinnamon at nutmeg.  Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim at ng
mga taga-Venice, Italy.  Naging monopolyo ang kalakalan kaya naghangad ang Europe ng direktang kalakalan ng spices sa Asya.  Spices – ito ay ginagamit
nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa kanilang pabango, kosmetics at medisina.
5. 8. Spices.. Spices.. Spices… Bakit ibig ng mga Europeo ang mga Spices? Maliban sa mga spices, mayroon pa bang ibang nakukuha ang mga Europeo sa
kanilang eksplorasyon?
6. 9. Pinangunahan ng Portugal ang Paggagalugad  Portugal – kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa panggagalugad sa karagatan ng
Atlantic upang makahanap ng mga spices at ginto.  Dahil sa banta ng Mongol minabuti ng Europeo na gamitin ang rutang katubigan hanggang sa Africa upang
mahanap ang rutang Asya.  Bartholomeu Dias – Natagpuan ang pinakatimog na bahagi ng Africa noong Agosto 1488, na kilala sa tawag na Cape of Good
Hope.  Ang paglalakbay ni Dias ay patunay na pwedeng makarating sa Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa.
7. 10.  Vasco de Gama – pinamunuan ang apat na sasakyang pandagat na naglakbay mula Portugal hanggang India noong 1497.  Ang kanyang Ekspedisyon ay
umikot sa Cape of Good Hope, tumigil sa ilang mga trade post sa Africa upang makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan sa Calicut, India 
Natagpuan niya na ang mga Hindu at Muslim na nakikipagkalakalan ng mahusay na seda, porselana at pampalasa na pangunahing kailangan ng mga Portuges
sa kanilang bansa.  Hinimok niya ang Asya na direktang makipagkalakal ngunit hindi siya nagtagumpay.  Kinilala si de Gama sa Portugal bilang bayani dahil sa
kanyan nalaman ng Portugese ang yamang meron ang Silanganin at ang maunlad na kalakalan nito.
8. 11. Prinsipe Henry Si Prinsipe Henry ay anak ni Haring Juan ng Portugal, ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga maglalayag sa pamamagitan ng pag-
aanyaya ng mga mandaragat. Siya ay tagagawa ng mapa, matematisyan, astrologo, at mag-aaral ng siyensya na nabigasyon sa bansa. Siya ang nagging patron
ng mga manlalakbay kaya ikinabit sa kaniyang pangalan ang katawagang “The Navigator”. Dahil sa kaniyang itinaguyod na paglalakbay ay nakarating siya sa
Azores, isla ng Madeira at sa mga isla ng Cape Verde.
9. 12. The Mystery One… Sino-sino ang mga Portugese na yan? Ano-anong lugar ang kanilang narating? Ano ang kanilang ambag at nagawa?
10. 13. Ang Paghahangad ng Spain ng Kayamanan Mula sa Silangan…  Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille
noong 1469 ay naging daan sa Spain na maghangad ng mga kayamanan sa Silangan.  Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ang naging daan sa
pagpapadala ng mga ekspedisyon sa Silangan.  Christopher Columbus – isang Italyanong manlalayag na kauna- unahang namuno sa ekspedisyon sa Silangan.
Noong 1492 ay tinulungan siya na ilunsadd ang kaniyang ekspidasyon patungong India na dumaan pakanluran ng Atlantiko.
11. 14.  Ang ekspedisyon ni Columbus ay nakaranas ng maraming paghihirap gaya ng walang kasiguraduhan na mararating nila ang Silangan, pagod at gutom sa
kanilang paglalakbay at haba ng panahon na kanilang inilagi sa katubigan.  Naabot din niya ang isla ng Bahamas dahil sa maling akala na Indians ang mga tao
doon dahil sa kulay ng mga balat.  Tatlong buwan ang inilagi ng kanilang paglalakbay ng maabot nila ang Hispanioala (kasalukuyang nasa bansa ng Haiti at
Dominican Republic) at ang Cuba.  Maraming ginto siyang natagpuan dito ngunit sa tingin niya ay hindi pa din nararating ang Sibilisasyon ng Asya.  Pagbalik
niya ng Spain ay ipinagbunyi ang resulta ng kaniyang ekspedisyon at binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang
kaniyang natagpuan sa Indies.  Tatlong ekspedisyon pa ang kaniyang pinamunuan bago siya namatay noong 1506. Narating niya ang mga isla sa Carribean at
sa South America ngunit di siya nagtagumpay sa paghahanap ng bagong ruta patungo sa Silangan.
12. 15.  Amerigo Vespucci – Italyanong nabigador na nagpaliwanang na si Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo noong 1507. Ang lugar na ito nang lumaon ay
isinunod sa pangalan ni Amerigo kaya nakilala ito bilang America. Ito ay naitala sa mapa ng Europe.
13. 16. Katanungan… Katanungan.. Katanungan.. Bakit hinangad ng Spain ang yaman sa Silangan?
14. 17. Paghahati ng Mundo  Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon ng Portugal at Spain humingi ang mga bansang ito ng tulong sa
Papa sa Rome upang mamagitan sa kanilang mga paglalabanan.  Line of demarcation – noong 1493 ay ginuhit ito ng papa, isang hindi nakikitang linya mula sa
gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang sa Timugang Pola. Ipinaliliwanag nito na ang lahat na matatagpuang kalupaan at katubigan sa Kanlurang
bahagi ng linya ay para sa Spain at sa Silangang bahagi ng linya ay para naman sa Portugal.  Pope Alexander VI – naglabas ng papal bull na naghahati sa
lupaing maaring tuklasin ng Portugal at Spain.
15. 18.  Nagduda ang mga Portuguese sa nagging kinalabasan ng kanilang pagtatanong kaya nagpetisyon sila na baguhin ang naunang linya na dapat mapunta sa
kanila at Spain. Nakita nila na baka lumawak ang paggagalugad ng Spain sa Kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa Silangan. 
Kasunduan sa Tordesillas (1494) – nagkasundo ang Portugal at Spain na bagohin at ilayo pakanluran ang line of demarcation.
16. 19. Connect the ideas… Pope Alexander VI Line of demarcation Portugal at Spain
17. 20. Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan o Ferdinand Magellan – isang Portuges na ang paglalakbay ay pinondohan ng Spain taong 1519 nang magsimula ang
kaniyang ekspedisyon. o Nilakbay ng kanyang ekspedisyon ang rutang pakanluran tungong Silangan. Natagpuan nila ang silangang baybayin ng South America o
bansang Brazil sa kasalukuyan. o Nilakbay din nila ang isang makitid na daanan ng tubig; ang Strait of Magellan ngayon, pinasok ang malawak na Karagatang
Pasipiko hanngang marating ang Pilipinas. o Sa haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga kasamahan at pagkagutom. Ngunit nalagpasan nila
ang lahat ng ito at nakatagpo ng malaking kayamanang ginto at mga pampalasa.
18. 21.  Naging matagumpay din sila na madala sa Katolisismo ang mga katutubo.  Napatunayan ng ekspedisyon na kayang ikotin ang mundo ay muling makabalik
sa pinanggalingan. Pinatunayan ito ng nang barkong Victoria na nakabalik sa Spain kahit na napatay si Magellan sa Spain.  Ito ang unang circumnavigation o
pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang lumang kaalaman ng mga Europeo na ang mundo ay patag. Naitala sa mapa ang iba pang kalipaan sa Silangan kaya’t lalo
pang nakilala ang yaman nito.
19. 22. 4 pics 1 word… _ _ _ _ e _ _ _ y _ n
20. 23. Ang mga Dutch…  Dutch – Pumalit sa mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya noong ika-17 na siglo.  Inigaw nila ang Moluccas
mula sa Portugal at nagtatag ng bagong sistemang plantasyon kung saan ang mga lupain ay pinatanniman ng mga halamang mabili sa pamilihan.  Henry
Hudson – nanguna sa pagtatag ng kolonya sa North America. Napasok niya ang New York Bay noong 1609 at pinangalanan itong New Netherland.  Trade
Outpost – isang himpilang pangkalakalan na itinatag noong 1624 sa rehiyon ng New Amsterdam (kasalukuyang New York City).  Dutch East India Compony –
dahilan kung bakit mas tumagal pa ang pananakop ng mga Dutch sa Asya kysa sa America.
21. 24.  Ilog Hudson – ilog na pinangalan galing kay Henry Hudson na matatagpuan sa Manhattan, USA.  Nagtatag din ng pamayanan sa Africa ang mga Dutch sa
pamamagitan ng mga Boers; mga magsasakang nanirahan sa may Cape of Good Hope. Noong ika-17 na siglo, humina ang kapangyarihang pangkomersiyo ng
mga Dutch at napalitan ng England bilang pinakamalakas na imperyong pangkatubigan ng Emperyo.
22. 25. What’s in a Pic?
23. 26. Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtutuklas ng mga Lupain…  Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at paglalayag noong
ika-15 at ika-16 na siglo.  Nawala sa dating kinalalagyan ang Italy sa kalakalan na kaniyang pinamumunuan sa Medieval Period.  Naging sentro ng kalakalan
ang mga pantalan sa babay dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France, Flanders, Netherlands at England.  Ang mga kalakal na matatagpuan sa Bansa: 
Spices – Asia  Kape, Ginto at Pilak – North America  Asukal at Molasses – South America  Indigo – Kanlurang Indies
24. 27.  Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto at pilak galing sa Mexico, Peru at Chile. Ito ang nagpasimula sa pagtatag ng
bangko.  Kapitalismo – ang Sistema kung saan mamumumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo.  Noong Medivial Period, hindi
alam ng mga tao ang pag-iipon ng salapi. Nasiyahan na sila kung sapat na ang kanilang kita. Ngunit sa pag-unlad ng kalakalan, dumami ang kanilang salaping
naipon. Hindi nila ito itinago, bagkus ginamit nila itong puhunan para higit na lumago pa.
25. 28. Where Am I? INDIGO SPICES ASUKAL at MOLASSES KAPE, GINTO at PILAK
26. 29. Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon  Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Espanol at Portuguese ay nagbigay-daan sa malawakang
pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan.  Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at
teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.  Sumigla ang paglaganap ng sibilasasyong kanluranin sa silangan.  Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga
bansang nasakop tulad ng pagkawala ng kasarinlan, paninikil at pagsasamantala sa kanilang likas na yaman.  Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa
daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng mga hayop, halaman, pati na sa mga sakit sa pagitan ng Old World at New World.
27. 30. Complete the Word… 1. _ _ i _ _ s – ginagamit na pampalasa ng mga Europeo na kadalasan hinahanap hanap nila sa Asya. 2. _ _ r _ _ _ a _ - kauna-
unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa panggagalugad sa karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga spices at ginto. 3. A _ _ r _ _ _ V _ _
_ u _ _ _ _ - sa kanyang pangalan nanggaling ang America. 4. _ a _ _ o _ _ _ a _ a - pinamunuan ang apat na sasakyang pandagat na naglakbay mula Portugal
hanggang India noong 1497. 5. C _ _ _ _ _ _a _ i _ _ t _ _ n - pag-ikot sa mundo

You might also like