You are on page 1of 7

I.

Pamagat: Panukalang Proyekto sa pagkakaroon ng maayos na silid-


aklatan
II. Proponent ng proyekto: Cristine Joy Cabuga
Maricar Raven Carcosia
III. Kategorya:
Ang proyektong pag sasaayos ng silid aklatan ay pangangalapan ng
pondong galing sa gagawing fund raising upang makakalap ng sapat na
pera para sa proyekto ito sa tulong ng mga guro,magulang at punungguro
ng paaralan.
IV. Petsa:
Ang mga sumusunod na araw ang itinakdang araw at hakbangin upang
masimulan at matapos ang pag sasaayos ng lagayan ng libro at
pagdadagdag ng mga libro sa silid-aklatan na ilalahad sa ibaba.
Petsa Mga gawain Lugar/Lokasyon
Pebrero 25-30, 2018 Pag aaproba ng punong guro LHS
Maghahanap ng donasyon para sa
Marso 03-24, 2018 LHS
mga libro
Paghahanap ng murang bagong
Marso 26-April 05, 2018 libro para sa pagdadagdag sa mga ABC Bookstore C
kinakailangang libro
Inaasahang araw ng pangongolekta
Marso 27-April 10, 2018 LHS
ng mga libro.
Paglalahad ng tawad para sa mga
Abril 17- May 30, 2018 materyales na gagamitin sa pag DEF Hardware Co
papagawa ng lagayan ng mga libro.
Inaasahang pagsisismula ng LHS
Abril 11-16, 2018 proyekto sa pag sasaayos ng
lagayan mga libro.
Pagsasaayos ng mga nakolektang
Mayo 25-31, 2018 LHS
libro.
Enero 02, 2018 Pagtatapos ng proyekto LHS
Pormal na pagbubukas ng silid-
Enero 05, 2018 LHS
aklatan

V. Rasyonal:
Ang kahalagahan ng proyektong ito ay makapagbigay ng pakinabang sa
pagkakaroon ng maayos at organisadong silid- aklatan sa Lagro High
School.
VI. Deskripsyon ng Proyekto:
Ang proyektong ito ay aabutin ng mahigit limang buwan upang
maisakatuparan ang nais matamong pag babago sa silid-aklatan.
VII. Badget:
Sa Proyektong ito inaasahang badget na igugol sa paaralan ay ilalahad sa
ibaba.
Pagsasalarawan ng Presyo ng Presyong
Bilang ng Aytem
Aytem bawat aytem pangkalahatan (php)
Pangangalap ng donasyong
0 0
libro
Base sa sinumiteng
Pagbili ng mga dagdag na
presyo ng ABC 500 15,000
libro
Company
Pagpapagawa ng mga
2,500 15,000
bagong lagayan ng mga aklat
Kabuuang
Php 30,000
gastusin

VIII. Pakinabang:
Ang mga mag aaral ng LHS ang makikinabang sa proyektong ito upang
hindi na mahirapang mag hanap ang mga mag aaral mula sa ikapitong
baitang hanggang ikalabing dalawang baitang ng sagot sa gagawing
proyekto o takdang aralin. At makatulong din ito sa pagkakaroon ng
kredibilidad para sa gagawing pananaliksik ng mga mag aaral sa tulong ng
pagkakaroon ng mataas na antas ng sanggunian na hindi kakailanganin
pang pumunta sa ibang silid -aklatan.

Halimbawa ng Memorandum

Paaralan ng Dona Aurora Elementary School

Ika 28 ng Hunyo 2019

Ikalawang Memurandon

Para sa:

Pagpapatayo ng karagdagang palikuran sa eskwelahan

Para sa:

Mga guro ng Paaralan at Meyembro ng PTA Officers

Magandang araw! bilang isang Pangulo ng PTA Officers ay naisipan kung


maging proyekto sa paaralang ang pagtatayo ng karagdagang palikuran ng
mga mag-aaral, dahil napansin na ang palikuran ng mga babae at lalaki ay
iisa lamang nais ko sanang imungkahi na magpatayo ng isa pang palikuran
ng sa gayon ay mapagbukod ang palikuran ng babae at lalaki para sa
kanilang kaligtasan at gayon narin sa kalinisan. Ang pundo po natin ay
magmumula sa nalikom nating pera mula sa mabuting loob na nag donate
sa ating paaralan.

Inaasahan ko po ang inyong pagtugon sa proyektong ito. Maraming


salamat po.

Hana Tores

Pangulo ng PTA

Dayalogo: Iba't Ibang uri ng Pangungusap

Ana: Maari po bang magtanong? (Pakiusap)

Maria: Oo naman! (Padamdam). Ano po ba ang nais ninyong malaman?

Ana: Mayroon po kasi akong kaibigan na dito sa lugar ninyo nakatira.


(Pasalaysay) May kilala po ba kayong Sarah Rodriguez? (Patanong)

Maria: Ang tinutukoy mo bang Sarah ay matangkad at balingkinitan ang


pangangatawan? (Patanong)

Ana: Opo. Siyanga po. Maari nyo po bang ituro kung alin sa mga ito ang
bahay niya? (Pakiusap)
Maria: Lumakad ka patungo sa kaliwa at bumilang ng tatlo. (Pautos) Ang
ikatlong bahay na makikita mo ay ang tirahan nina Sarah.

Ana: Naku! (Padamdam). Maraming salamat po. Sa wakas ay magkikita na


kami ng kaibigan kong si Sarah.

Maria: Walang anuman po. Mag - ingat po kayo sa daan. (Pautos)

MENSAHE
Pilit kong inaalala ang unang beses na nakita kita.
Ito yung panahong nasa unang taon tayo sa kolehiyo.
Nakita kita, seryosong nakikinig sa ating propesor, hindi ako nahihirapan sa
pagtitig sa iyo sapagkat ang silid ay may apat na mesa, at napasakto
naman na ang pwesto ko ay paharap sa iyo.
Napaisip ako, mukha kang weirdo, parang hindi ka pwedeng ihalo sa mga
kaklase natin dahil may kakaiba sayo na hanggang ngayon ay hindi ko
mawari kung ano.
Sa paglipas ng mga araw madalas tayong nagkakasama, yung barkadahan
na pareho nating kinabibilangan ay yaong mga estudyante na may
seryosong layunin at nakakaangat ang katalinuhan sa ibang kaklase.
Dito kita unti unting nakilala, dito sa unang taon natin sa kolehiyo kita
naging matalik na kaibigan.
Hindi man ‘bes’ ang tawagin natin bagkus ito ay ‘dude’ pero alam natin sa
isa’t isa na itong pagkakaibigan na ito ay siyang simula ng matibay na
samahan na titignan natin kung kaya bang tibagin ng mga suliranin at
panahon.
Ikaw na nakakasama ko sa mga lakad na may kinalaman sa pag aaral.
Nakakatuwa lang na ngayong binabalikan ko ang nakaraan ay natatawa
ako.
Dahil ngayong nasa huling taon na tayo sa kolehiyo ay hindi na tayo tulad
noon na seryoso.
Naalala ko pa noong nasa ikalawang taon tayo sa kolehiyo, madalas
tayong magkausap twing gabi. Yung pinag uusapan natin ay patungkol sa
mga sikolohiya, mga sakit na may kinalaman sa sikolohiya. Binansagan pa
nga kita noon na ‘Mr. Know It All’ dahil pakiramdam mo alam mo lahat kahit
hindi.
Naalala mo ba na dati ayaw mong pumasok tuwing hindi ako papasok dahil
sabi mo ay wala ka naman talagang maituturing na tunay na kaibigan sa
mga kaklase natin kundi ako.
You’ll never know how I treasured that particular moment. I felt like I am
blessed and I cant have a hold to that bursting happiness.
Yung mga pangako natin na magkikita pagkatapos ng limang taon.
Patawarin mo ako dahil makakalimutin ako at ang natatandaan ko nalang
ay December 2019 di ko na maalala yung eksaktong araw.
Nasa ikatlong taon tayo sa kolehiyo ng binayo tayo ng iba’t ibang suliranin
na sinubok ang tatag at tibay ng ating samahan.
Unti unti tayong nawawalan ng oras para gumawa ng mga bagong ala ala
na idadagdag pa sa libo-libong imbak ng mga ala ala sa aking isipan.
Oo, nakakatakot ang magkaroon ng bestfriend na lalake dahil babae ako.
Naroon ang mapanuring mga mata ng iba, mga walang patunay na
konklusyon kung ano nga ba ang meron sa atin.
Mga napakakitid na pag iisip ng iba.
Gayon pa man, masaya ako na hindi pa rin tayo natitibag, tibay ng
pagkakaibigan natin no?
Siguro kaya tayo nagtagal na magkaibigan ay dahil sa kahit kailan hindi
natin nagustuhan ang isa’t isa sa paraang romantiko.
Umpisa pa lang ay magkapatid na ang turingan natin. Masaya tayo sa
ganong lagay.
Gusto kitang pasalamatan.
Maraming maraming salamat sa apat na taong pagiging kuya mo sa akin.
Salamat sa lahat ng mga naitulong mo.
Salamat sa bawat pagdamay mo sa tuwing may mabibigat akong suliranin.
At patawad.
Patawarin mo ako sa mga pagkakataong nasasaktan kita.
Sa mga panahong sa tingin mo ay nag iisa ka at hindi mo ako mahagilap.
Patawad kung naging at nagiging dahilan ako ng mga problema mo.
Sa lahat ng mga kaklase natin ikaw ang pinagkakatiwalaan ko ng buong
buo.
Hindi man na tayo madalas magkausap at magkasama alam ko na hindi
magbabago ang pagkakaibigan na mayroon tayo.
Asahan mo na palagi akong may oras sa tuwing kakailanganin mo ng
makakausap.
Kahit na magkakahiwalay na tayo sa pagtatapos ng kolehiyo ay hindi doon
matatapos ang pagkakaibigan natin.
Isa kang tunay na kaibigan.
At dahil tunay rin akong kaibigan sasabihin ko sayong marami ring
nakakainis sa pag uugali mo.
Ayaw na ayaw kitang nalalasing dahil daig mo pa ang isang baliw kung
umasta.
Nakakainis yung pagiging late mo sa usapan.
Nakakaasar yung sasabihin mong bibigyan mo ako ng partikular na bagay
at paglipas ng mga araw nakakalimutan mo na.
Nakakainis yung pagiging tamad mo.
Pero may mga bagay din namang ikinatutuwa ko sayo.
Gusto ko yung pagiging maalalahanin mo.
Yung pagiging totoo mo sa nararamdaman mo.
Yung hindi mo pag iwan sa tuwing kailangan ko ng kasama.
The friendship that we have is one of a kind. Hard to find. Our friendship is
strong because we build it slowly and carefully with trust and understanding
and the foundation of our bond is unbreakable.
Sana ay maabot mo ang mga pangarap mo sa buhay. Ang mga ninanais
mong mangyari para sa pamilya at mahal mo.
Just put God first on your list and everything will fall into their right places.
Adieu. Hasta la proxima vez.

You might also like