You are on page 1of 2

Eirin Divine A.

Halili 2019, Setyembre 16


Gr. 12- Pope John XIV Pagbubuod

“Big Brother”
Direktor: Ka-Wai Kam
Sumulat: Tai-lee Chan

Si Chen Xia (Henry Chen sa Ingles) ay dating sundalong nagpasiyang maging


guro sa Tak Chi Secondary School. Naatasan siyang maging guro ng homeroom sa
klase ng 6B, ang pangkat na puno ng mga mag-aaral na kulang sa disiplina.

Unang araw palang sa trabaho ay nasubok na ang kaniyang kakayahan nang


makitang walang interesadong makinig at magbigay respeto sa kaniya. Kasabay ng
unang araw na ito ang pagpupulong ng punong-guro at mga tauhan ng Kagawaran
ng Edukasyon. Ipinagbigay-alam sa punong-guro na ititigil na ang paglaan ng pondo
sa kanilang paaralan kung patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga mag-aaral sa
kanila. Nagkaroon din ng isa pang suliranin nang madawit sa seryosong away ang lima
sa mga estudyante ni Mr. Chen. Binigyang ang mga mag-aaral na ito ng tig-iisang
liham na mag-aapela sa kanilang mga kilos ngunit ang apat lamang ang tumanggap
nito.

Isang gabi, kinuha ni Mr. Chen ang profile ng kaniyang mga mag-aaral. Sa
pagbasa nito, nalaman niya ang mga kinakaharap ng mga mag-aaral. inikip silang
matulungan at makuha ang kanilang loob. Una ay si Xiang Zufa na nagnanais maging
isang mang-aawit ngunit nakaranas ng diskriminasyon dahil sa kaniyang kulay. Sa
pagdalaw ni Mr. Chen kay Xiang ay nabigyan siya ng lakas ng loob at tiwala sa sarili
upang makapagtanghal sa madla. Sumunod naman si Wang Denan na isang
babaeng nangangarap sumali sa mga karera ng sasakyan. Naniniwala siyang mas
paborito ng kaniyang ama ang bunsong anak na lalaki. Sa tulong ni Mr. Chen ay
napapayag ang ama ni Wang sa kaniyang mga pangarap at napagtibay rin ang
kanilang relasyon. Ang kambal naman na mga mag-aaral ay sina Quan Qixian at
Quan Qicheng. Sila ay iniwan ng kanilang sariling ina na nagdulot naman ng
pagkalasinggero ng kanilang ama. Nagplano si Mr. Chen upang makapag-usap nang
maayos ang ama at kambal. Sa paraang ito, humingi ng tawad ang kanilang ama at
umayos ang kanilang relasyon sa isa’t isa. Dinalaw at kinausap rin ni Mr. Chen ang lola
ni Li Weicong, ang mag-aaral na hindi tumanggap ng liham ng apela.

Habang si Cheng Xia ay naging abala sa pagtulong sa kaniyang mga mag-


aaral, si Li Weicong ay napasali naman sa samahan ng mga boxingero. Inatasan
siyang lagyan ng droga ang inumin ng isa sa mga boxingero ngunit nang mahuli ay
ipanabugbog naman. Maya-maya’y dumating si Mr. Chen sa eksena at
nakipagsagupaan sa mga boxingero upang mailigtas ang kaniyang estudyante.

Pagkatapos ng naganap na labanan ay naging usap-usapan na si Mr. Chen sa


buong paaralan. Inilahad ang kaniyang kabataan at naging karanasan sa gitna ng
digmaan. Dito rin nagsimula humanga at magbigay respeto sa kaniya at mga mag-
aaral ng pangkat 6B. Mula noon ay aktibo na sa klase ang kaniyang mga mag-aaral.
Subalit, panibagong suliranin na naman ang kanilang kinaharap nang nagtangkang
magpakamatay and isa sa kambal niyang estudyante. Isinisi ito ka Mr. Chen dahil sa
nabalitaang pagkabrutal niya at pagkakaroon ng maling paraan ng pagtuturo. Labis
itong ikinalungkot ng kaniyang mga mag-aaral kaya naman mas naging desiddid
silang makakuha ng mataas na marka sa huling pagsusulit.

Sa araw ng pinaghandaang pagsusulit, ginamit ni Kane Luo ang numero ni Mr.


Chen upang malinlang ang mga mag-aaral sa papunta sa kanilang silid. Ikinulong sila
ni Kane dahil nais niya mapabagsak ang Tak Chi Secondary School. Dumating si Mr.
Chen at kinalaban ang mga tauhan ni Mr. Luo. Pinalaya rin niya ang kaniya mga mag-
aaral bagoharapin at kalabanin si Mr. Luo. Sa kanilang laban, natuklasan ni Mr. Chen
na si Kane Luo ang batang piyanistang napahamak nang dahil sa kaniyang kakulitan.
Naglabas si Mr. Luo ng kaniyang sama ng loob dahil hindi niya nakamit ang kaniyang
pangarap. Nagtagumpay si Mr. Chen sa laban at humingi ng tawad kay Mr. Luo.

Ilang araw matapos ang naganap na pagsusulit, makikitang unti-unting


natutupad ang mga pangarap ng mga mag-aaral ni Chen Xia. Dahil sa matagumpay
na resulta, napagdesisyunan din ng Kagawaran ng Edukasyon na ipagpapatuloy ang
pagpopondo sa Tak Chi Secondary School. Sa huli ay makikita na may bagong pang-
akademikong taon na naman na haharapin at binate ni Mr.Chen ang kaniyang mga
bagong mag-aaral.

Tatlong Aral:

Napakahalaga ng pag-aaral sa ating buhay lalo na sa pagkamit ng ating mga


pangarap sapagkat tulad nga ng sabi ni Mr. Chen sa palabas, “knowledge is power,” kaya
naman dapat patuloy ang ating pagsusumikap sa pag-aaral kahit na ito’y mahirap.

Bawat tao na ating nakakasalamuha ay may sari-sariling kinakaharap na problema


kaya dapat silang kilalanin at intindihin imbes na tayo aymaging mapanghusga sa kanilang
mga ikinikilos.

Lahat ng tao ay may pagkakataong magbago at pagsisihan ang kanilang mga


pagkakamali noon kaya naman dapat ay matutuo rin tayong humingi ng tawag at
magpatawad sa mga tao sa ating paligid.

You might also like