You are on page 1of 1

Payo sa bumabsa ng tula (explaination)

Kung nagulat man kayo, wag kayong magalala, dahil tulad ninyo, ako
rin ay nagulat. Hindi ko akalain na ang mangga ay pwedeng ihambing
sa tula, ngunit noong binasa ko na ang tula, naintindihan ko na ang
gustong ipaalam ni Rolando Tinio sa mga mambabasa ng tula na
iyon. Sa tula na “Payo sa mga mambabasa” sinasabi dito ng persona na
ang prosesso daw ng pagkain ng mangga ay parehas lang sa prosesso
sa pagbasa ng tula. Mula sa balat hanggan sa buto ng mangga ay may
sinasabi ang persona na pagkatulad nito sa tula.

Sa tula sinasabi ng persona na ang balat daw ay ang balat daw ay


parehas sa pagamat o estruktora ng tula. Ito ang pisikal na anyoo ng
tula. Sa balat ng mangga ay may mga pekas, ngunit noong bata pa
tayo, kapag tayo ay gumuguhit ng mangga, hindi natin ito napapansin,
tayo ay naguguguhit lamang ng pisikal na nayo ng mangga at
kinukulayan ito ng dilaw. Sa pagbasa ng tula lahat ng detalye ay
importante, dapat ay pansinin natin lahat, kahit na ito ay maliit
lamang na parte, dahil kapag hindi natin to pinansin, baka hidni na
natin lubos na maintindihan ang gustong ipalabas ng may akda.

Pagkatapos ng balat, ay matatagpuan naman natin ang laman ng


mangga. Ito naman ay ang mga salita o nilalaman ng tula. Sa pagkain
ng mangga, dapat tayo ay maging mabagal at mahinhin dito, wag
tayong magmadali at baka masugatan natin ang buto ng mangga.
Tulad ng pagkain ng mangga, ang pagbasa ng dula, dapat rin na hindi
tayong nagmamadali na hindi na natin naiintindihan ang mga
nakasulat sa tula, hindi tayo dapat gagamit ng “context clue” dahil
kapag nagkamali tayo ng pagintindi sa binabasa ay maaaring mali na
rin ating magiging interpretasyon sa kahulugan ng tula.

Ang kahulugan na makukuha natin sa dula ay parang buto ng mangga.


Dito mangangaling ang mga interpretasyon na magagawa natin. kahit
na isa lang ang kahulugan ng tula, kagaya ng isang buto ng mangga,
maaari parin tayong gumawa ng mga hindi limitadong interpretasyon,
ngunit para makagawa tayo ng interpretasyon, kailangan natin
lubusang intindihin ang nilalaman ng tula, kagaya ng buto, ito ay
nakatago sa simula, ngunit kung tayo ay nagtsyaga at naging maingat
sa pagbabasa ng tula, makakarating din tayo sa kahulugan nito.

You might also like