You are on page 1of 19

Inihanda ni: Ganimid D. Alvarez, Jr.

ng III-
Antimony
 SaIsang maliit na nayon sa
Hapon ay may binatang ang
ngala’y Urashima Taro. Siya ay
mahilig mangisda araw-araw sa
dagat. Kasama niya ang kanyang
ama’t ina na naninirahan sa isang
tahanang malapit sa dagat.

 Isang
araw, nang siya’y pauwi
galing sa pangingisda....
 Binigyan niya ng tig-sasampung
sentimos ang mga bata para
lubayan na ang kaawa-awang
pagong at makabalik na ito sa
dagat. Maraming araw na ang
lumipas at nakalimutan niya na
ito.

 Isang araw, habang siya’y


namamangka, nagpakita sa kanya
ang pagong na kanyang
nailigtas....
Urashima-
san, Urashima
-san! Sama ka
sa kin!

Sure! Pero
paano ako
makakahinga
sa ilalim ng
dagat?
 Upang pasalamatan si
Urashima, inanyayahan ng pagong
ang binata na bumisita sa
prinsesang nakatira sa palasyo sa
ilalim ng dagat. At dahil sa
kabantugan ng palasyo at ang
kagandahan ng prinsesa, siya’y
pumayag na sumama.

 Siya’y sumakay sa gulugod nito at


pumailalim sa tubig-dagat....
 Sa ilalim ng dagat, siya’y
nakakahinga at di nababasa na
parang panaginip lamang. Nakikita
niya ng malapitan ang kagandahan
ng kailalaliman ng dagat tulad
ng mga iba’t ibang uri ng
isda, halamang dagat at mga
kabibi.

 Nang sila’y dumating sa


tarangkahan ng
palasyo, ipinakilala ng pagong si
Urashima Taro sa mga isda....
 Nang sila ay nakarating sa bungad
ng palasyo na higit na mas
maganda, iniwan nga pagong si
Taro upang ipagbigay-alam sa
prinsesa ang pagdating ng binata.
Manghang-mangha si Urashima sa
kanyang nakikita.

 Ilang sandali lang at bumalik na


ang pagong upang ipresenta ang
prinsesa....
 Hindi maibuka ni Taro ang
kanyang bibig upang mangusap.
Sapat na ang siya’y tumitig sa
prinsesa. Kasama ang kanyang
mga dama sa harap ng
palasyo, ang prinsesa ay
nagniningning sa kanyang
kasuotan at palamuti sa
katawan.

 Sila’y pumasok na sa palasyo, at


sa hapag-kainan....
 Pagkatapos ay ipinasyal siya sa
buong palasyo. Napakita sa kanya
ang mga uri panahon sa
pamamagitan lamang ng mga silid.
Dahil sa pagliliwaliw niya sa
kaharian, nalimutan niya ang
kanyang tahanan at naulilang
nayon. Tatlong daang taon ang
nakalipas ngunit parang tatlong
araw lang para sa kanya. At sa
wakas at nagpaalam na siya....
 Sa kanyang paglisan, ibinigay sa
kanya ang isang kahitang ginto na
sabi’y wag bubuksan kung gusto pa
niya makabalik sa piling ng
prinsesa. Nagpalam na siya sa
lahat ng kaibigan sa palasyo at
kalaunan ay nakabalik na sa
dalampasigan ng nayon na
kanyang pinanggalingan. Nasasabik
na siyang makitang muli ang mga
magulang ngunit sa pagtungo niya
papunta sa kanyang tahanan....
 Ni isa ay wala siyang mamukhaan
sa daan at pagtungo sa
kinaroroonan, wala nang bahay at
isang lote na lamang ito na puno
ng damo. Nang nagtanong siya sa
isang matanda, nalaman niya ang
katotohanang siya’y inakalang
patay na at tatlong daan na ang
lumipas simula ng umalis siya. Sa
sobrang lungkot at wala sa
sarili, binuksan niya ang kahita na
akala niya’y makapapawi sa
kanyang lungkot. Ngunit ang
nangyari ay....
 Di na siya makababalik sa prinsesa
sa palasyo sa ilalim ng dagat at
ito’y nagdulot sa kanya ng
pagiging matanda na tatlong
daang taon ang gulang. 
Maraming Salamat
at Mabuhay... XD

You might also like