Subalit, huwag nating kalimutan ang tunay na kahulugan ng Pasko
Ang kaarawan ng ating Panginoong Hesu Kristo
Siya ang tunay na diwa ng kapaskuhan
Siya ang tunay na dahilan ng kapaskuhan
Habang tayo ay nagdidiriwang ngayong Pasko,
Huwag nating kalimutang magpasalamat sa ating Panginoong Hesu Kristo.
‐-------------------
Ano nga ba ang tunay na diwa ng pasko?
Nasa masasarap bang mga inihandang pagkain?
O baka naman nasa mga regalong ibinigay sa atin? O kaya sa pagdating ng ating Hesu Kristo?
Maging anumang pinaniniwalaan natin sa ating pagdiwang ng Pasko
Hinding hindi mawawala sa atin ang diwa ng pagmamahalan Kasama man ang pamilya o mga kaibigan, o kahit mag-isa man Pare-parehong mararanasan ang karamdaman ng tunay na diwa ng Pasko.