You are on page 1of 4

Frequently Asked Questions

GSIS Financial Assistance Loan (GFAL) with Top-Up Loan


1. Ano ang GFAL?

Ang GSIS Financial Assistance Loan (GFAL) ay loan-balance transfer and


consolidation program ng Government Service Insurance System (GSIS).

Sa GFAL, maaaring ilipat ng members sa GSIS ang loan balance nila


mula sa lending institutions upang makapag-avail ng mas mababang
interest na 6% at mas mahabang payment term na 6 na
taon. Php500,000 ang maximum amount na mahihiram sa GFAL.

Ang proceeds ng GFAL ay diretsong ibinabayad sa pinagkakautangang


lending institutions. Bago makahiram sa GFAL, kailangan munang
sumailalim ang borrower sa financial literacy course ng GSIS.

2. Sino ang maaaring mag-apply sa GFAL?

Noong 2018, GSIS members lang sa Department of Education (DepEd)


ang maaaring mag-apply sa GFAL matapos pagtibayin ang memorandum
of agreement (MOA) ng GSIS at DepEd. Layunin nitong matugunan ang
problemang pinansiyal ng DepEd employees.

Simula Hulyo 29, 2019, binuksan ang GFAL sa lahat ng qualified GSIS
members kung ang kanilang ahensiya ay papasok din sa MOA upang
maipatupad ang GFAL sa kanilang tanggapan.

Maaaring mag-apply sa GFAL ang active GSIS member na:


a. Permanent ang employment status;
b. May outstanding loan sa lending institution;
c. May hindi bababa sa 3 taon na periods with paid premiums (PPP);
d. Walang due and demandable loan account sa GSIS;
e. Hindi naka-on leave without pay (LWOP);
f. May net take-home pay na hindi bababa sa Php5,000.00 matapos
kaltasin ang lahat ng monthly obligations; at
g. Walang pending administrative case o criminal charge.
Kung nasampahan ng lending institution ang GSIS member ng kasong
kaugnay ng nonpayment of obligations dahil nabigyang-prayoridad
ang GSIS loan payments, kuwalipikado pa ring mag-apply sa GFAL
ang nasabing miyembro.

3. Ano ang requirements sa pag-aapply sa GFAL?

Dapat i-submit ng gustong mag-apply sa GFAL ang mga sumusunod:

a. GFAL application form na kumpleto, maayos na nasagutan, at pinirmahan


ng agency authorized officer (AAO).
Puwedeng i-download ang application form sa

1
http://www.gsis.gov.ph/downloads/forms/20180504-FORMS-
GFAL_Application.pdf

b. Statement of account (SOA) na nakasunod sa format ng inisyu ng GSIS,


kasama ang malinaw na photocopy ng I.D. ng authorized representative ng
lending institution na siyang magke-claim ng tseke sa GSIS. Nakasaad din
dapat sa SOA ang contact number (telepono o cellphone number) ng
representative.

Puwedeng i-download ang SOA form sa


http://www.gsis.gov.ph/downloads/forms/20180504-FORMS-GFAL_SOA.pdf

c. Borrower loan agreement, loan voucher, o iba pang certified


documents na nagsasaad ng detalye ng loan, tulad ng term, interest
rate, monthly amortization, at due date ng unang loan amortization.

d. Payslip ng borrower sa nakalipas na 3 buwan mula sa date ng pag-


aapply. Dapat itong certified ng AAO.

4. Ano ang Top-Up Loan?

Ang Top-Up Loan ay karagdagang facility ng GFAL. Dito,


maaaring utangin ng GFAL borrower ang natirang halaga sa maximum
loan amount na Php500,000 kung mas maliit dito ang loan balance na
nailipat sa GSIS. Ibibigay mismo sa member ang Top-Up Loan proceeds.

5. Bakit inilunsad ng GSIS ang Top-Up Loan?

Inilunsad ang Top-Up Loan upang matulungang matustusan ang ibang


pangangailangan ng GSIS members habang nagbabayad ng
kanilang GFAL loan at upang maiwasan na rin nila ang pangungutang sa
lending institutions.

6. Sino ang puwedeng mag-apply ng Top-Up Loan?

Ang mga sumusunod ang puwedeng mag-apply ng Top-Up Loan:

a. GFAL availee
b. Active regular o special member na may permanent employment status
c. Walang pending administrative case o criminal charge
(Kung nasampahan ng lending institution ng kasong kaugnay ng
nonpayment of obligations ang GSIS member dahil natanggal ito sa
mga dapat bayaran ng borrower bunga ng pagbibigay-prayoridad sa
pagbabayad sa GSIS at Pag-IBIG Fund, kuwalipikado pa ring mag-
apply sa GFAL ang nasabing miyembro.
Gayunman, kailangan pa rin niyang makapag-submit ng GSIS pro-
forma statement of account mula sa lending institution, na sinasang-
ayunan niya bilang borrower;
d. Hindi naka-LWOP sa panahong nag-aapply ng Top-Up Loan; may
outstanding loan sa lending institution na accredited o recognized ng

2
kaniyang agency; walang due and demandable loan account sa
GSIS; at may net take-home pay na hindi bababa sa Php5,000.00
matapos kaltasin ang lahat ng monthly obligations.

7. Magkano ang interest at gaano katagal ang payment term ng Top-Up


Loan?

Pareho ang interest rate (6%), loan term (6 na taon), at iba pang terms
and conditions ng GFAL at Top-Up Loan.

8. Bilang borrower, sino ang tatanggap ng halagang mauutang ko sa


Top-Up Loan?

Ikaw mismo ang tatanggap ng tseke ng Top-Up Loan.

9. Kelan ako puwedeng mag-apply ng Top-Up Loan?

Puwedeng mong isabay ang pag-aapply sa Top-Up Loan sa GFAL


application mo. Kung nakapag-avail ka na ng GFAL, puwede ka pa ring
mag-apply ng Top-Up Loan pero hindi dapat magsukob sa isang buwan
ang availment ng dalawang loans.

10. Paano kino-compute ang Top-Up Loan?

Ito ang formula sa pagko-compute ng maximum loan amount ng Top-Up


Loan:

P500,000.00 – Availed GFAL amount = Top-Up Loan

Ibabawas dito ang sumusunod: advance interest, advance redemption


insurance premium, at outstanding balance ng existing GFAL account na
hindi mo nabayaran sa takdang oras.

11. Dapat ko bang isagad na halaga ng uutangin sa Top-Up Loan?

Hindi kailangang pinakamalaking halaga ang utangin sa Top-Up


Loan. Ang mahalaga ay ang kakayahan mong mabayaran ang loan at
ang mapanatili ang net take-home pay na hindi bababa sa Php5,000.00
matapos kaltasin ang lahat ng monthly obligations (alinsunod sa General
Appropriations Act).

12. Kung may existing GFAL account na ako, kailangan pa rin ba ang
application form kung gusto kong mag-apply sa Top-Up Loan?

Oo, magkahiwalay ang pag-aapply sa GFAL at Top-Up Loan.

13. Ilang beses puwedeng mag-apply ng Top-Up Loan?

3
Isang beses lang pwedeng mag-apply ng Top-Up Loan.

14. Puwede ba akong sabay na mag-apply sa GFAL at Top-UP


Loan? Kung nakapag-GFAL na ako bago ma-implement ang Top-Up
Loan, puwede pa ba akong mag-apply sa Top-Up?

Oo, puwedeng sabay ang application sa GFAL at Top-Up Loan. Kung


nakapag-apply ka na ng GFAL noon , puwede ka pa ring mag-apply ng
Top-Up Loan.

Kung nakapag-GFAL ka na at mag-aapply na lang ng Top-Up Loan, ito na


lang ang requirements lang:
a. Application form; at
b. AAO-certified payslips ng nakalipas na tatlong buwan.

15. Saan pa puwedeng magtanong tungkol sa Top-Up Loan?

Kung may mga tanong tungkol sa GFAL, tawagan ang alinman sa mga
sumusunod na numero ng GSIS Contact Center:
a. Landline (Metro Manila): 847-4747;
b. Globe toll free number: 1-800-8-847-4747 (free from both Globe
landline and mobile phone); o
c. PLDT/Smart toll-free number: 1-800-10-847-4747 (free from PLDT
landline; a flat rate of P8.00/per call from mobile phone).

You might also like