You are on page 1of 3

SPOKEN POETRY

Anjel Wendelline Maigting

12 ABM- A
BAKIT KAILANGANG
IWAN KUNG BABALIK DIN NAMAN?

Nasasaktan at walang laban,

Walang laban sa mga taong mahilig mang-iwan,

Nang-iiwan ng minsan ay walang paalam,

Kaya hindi ko na alam kung saan ba ko nagkulang.

Nagkulang? Oo, nagkulang.

Lahat naman ng tao may pagkukulang.

Pero sapat ba yun para ikaw ay lumisan?

Lisanin ang buhay ko na parang wala kang pakialam.

Parang hindi mo man lang ako minahal.

Na parang dito sa buhay ko ay napadaan ka lang.

Pero bakit andito ka na naman.

Lumalapit sakin na wari ay di mo ko nasaktan.

Sadya bang hindi ka nakikiramdam?

O baka naman gusto mo lang akong paglaruan.

Iniwan mo na ko ‘di ba?


Sumama ka na sa iba.

Bakit nagpaparamdam ka na naman?

Bakit kailangan mo kong iwan kung babalik ka din naman?

Bakit hinayaan mo pa kong masaktan?

Kung sa tingin mo ay meron ka pang madadatnan,

Pasensya, hanggang paramdam ka na lang.

Pasensya, wala ka ng babalikan.

You might also like