You are on page 1of 1

Batas militar

Ang batas militar ay kakaibang kapangyarihan ng estado na karaniwang ipinatutupad


nang panandalian ng isang pamahalaan kapag hindi na nito maayos magampananan
ang pamamahala gamit ang sibilyan nitong kapangyarihan (e.g. pagpapanatili ng
kaayusan at katiwasayan, o magbigay ng mga pangunahing serbisyo). Sa isang ganap
na batas militar, ang pinakamataas na opisyal ng militar ang namumuno, o naitatalaga
bilang tagapamahala o puno ng pamahalaan, kasabay ng pagbuwag o pagtanggal ng
lahat ng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan
mula tagapagpaganap, tagapagbatas, hanggang panghukuman.

Maaaring ipatupad ng pamahalaan ang batas militar upang manaig ang kanilang
kapangyarihan sa sambayanan. Ang ilang insidente ng pagpapatupad ng batas militar
ay nangyayari matapos ang isang kudeta (gaya sa Thailand noong 2006 at 2014);
kapag may banta ng malawakang protesta laban sa pamahalaan (Tsina sa Tiananmen
Square noong 1989); upang supilin ang oposisyong politikal (Poland noong 1981);
sugpuin ang napipintong pag-aalsa (Canada, October Crisis noong 1970).
Nagdedeklara rin ng batas militar tuwing may matinding sakuna; ngunit, ang ilang
bansa ay gumagamit ng ibang legal na konstruksiyon, gaya ng estado ng kagipitan.
Ayon kay Franzane Abella gamit ang Chomskyan method para mag preserba ng mga
taktika at estratehiya para sa pag-unlad gamit ang pagdidisiplina sa mga katawan ng
gobyerno at iba. Magagamit din dito ang game-theoretical political-cum-economic
analysis para malaman kung ang desisyon na nagawa ay epektibo gamit rin
ang common knowledge para masasabi na ang resulta at ang kagamitan ng batas
militar ay epektibo.[2]
Nagpapatupad din ng batas militar tuwing may mga hidwaan gaya ng pananakop, kung
saan ang kawalan ng pamahalaang sibilyan ay nagdudulot ng pagkabalisa ng
populasyon. Ang ilang halimbawa ng ganitong pamamahalang militar ay noong
rekonstruksiyon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sa Alemanya at Hapon, pati na rin noong rekonstruksiyon sa timog Estados
Unidos pagkatapos ng Digmaang Sibil Amerikano.
Malimit na may kaakibat na pagpapatupad ng curfew, pagsuspindi ng batas
sibil, karapatang sibil, habeas corpus, at pagsasailalim o pagpapalawig ng hukumang
militar o katarungang militar sa mga sibilyan. Ang mga sibilyang hindi tatalima sa batas
militar ay maaaring litisin sa isang hukumang militar.

You might also like