You are on page 1of 1

Ang alamat ng maikling Pangalan

Nung unang panahon sa bansa ng pilipinas may nakatirang dalawang


magkapatid na babae, ang isa ay nagngangalang Gab at ang isa naman ay
si Maria Gretel Angelika Jolina Andrea Feliza Lorna Aya Leila B. De Lima.
Isang araw ang dalawang magkapatid ay nag lalaro malapit sa balon at sa
hindi inaasahang pagkakataon nahulog doon si Gab, kaya si Maria Gretel
Angelika Jolina Andrea Feliza Lorna Aya Leila B. De Lima ay tumakbo ng
mabilis at agad na humingi ng tulong sa kanyang Ina “Ina bilisan nyo po si
Gab ay nahulog sa balon.” Kaya mabilis na nanghingi ng tulong ang
kanilang Ina upang masagip si Gab. Kumuha sila ng lubid at maswerteng
nahila nila ang babae, ito ay basang basa at nilalamig ngunit masaya parin
sila dahil nabuhay si Gab. Matapos ang aksedente pinagbilinan ng kanilang
mga magulang ang dalawang magkapatid na huwag na ulit maglalaro sa
tabi ng balon ngunit matigas parin ang ulo nila at naglaro parin sila doon.
Isang araw masaya ulit silang naglalaro sa tabi ng balon ngunit hindi na si
Gab ang nahulog kundi si Maria Gretel Angelika Jolina Andrea Feliza Lorna
Aya Leila B. De Lima kaya tumakbo agad si Gab at sumigaw “ inay! Inay! Si
Maria Gretel Angelika Jolina Andrea Feliza Lorna Aya Leila B. De Lima ay
nahulog sa balon, bilis sabihin mo kay itay.” At tumakbo ang mag ina na
umiiyak patungo sa kanyang asawa at sinabi “bilis si Maria Gretel Angelika
Jolina Andrea Feliza Lorna Aya Leila B. De Lima ay nahulog sa balon ano
ang gagawin natin?” pumunta sila sa sa hardenero at sinabi “bilis si Maria
Gretel Angelika Jolina Andrea Feliza Lorna Aya Leila B. De Lima ay
nahulog sa balon.” At dali-daling kumuha ng lubid ang hardenero at inilusot
sa balon ngunit kawawang Maria Gretel Angelika Jolina Andrea Feliza
Lorna Aya Leila B. De Lima dahil nasa tubig siya nang matagal
kayanalunod siya at doon nagmula kung bakit ngayon ang mga Pilipino at
nag bibigay nalang ng maikling pangalan.

You might also like