You are on page 1of 12

EPEKTO NG PAGLIBAN SA KLASE NG MGA ESTUDYANTENG

NASA UNANG BAITANG NG BSCRIMINOLOGY

Isang Pamanahonang papel ang ipinasa kay:


Ginang. Pilipina Cagurangan, Fil- 2

Departamento ng CRIMINOLOGY 1A
QUIRINO STATE UNIVERSITY

Bilang pagtugon sa pangangailangan sa Kurso ng Filipino 2.


Pananaliksik sa kounikasyon

Ipinasa nina:
Eduardo J. Laroya Jr.
Edgar Piojo
Jerick Resurrecion

Ika-2 Semester

MAY 2019
DEDIKASYON

Ang napapanahong papel na ito ay buong puso na ibinabahagi namin sa puong may

kapal dahil sa kanyang walang sawang pagbibigay sa amin ng kalakasan at katalinuhan

na siyang ginagamit namin upang matapos ang gawaing ito. Ganoon narin sa aming

pamilya at sa mga mahal namin sa buhay. Sa kapwa naming mag-aaral sa

Departamentong aming kinabibilangan.

Ang napapanahong papel na ito ay buong puso din naming ibinabahagi sa

Departamentong CRIMINOLOGY na kinabibilangan namin. Sa aming mga guro sa

departamento ng Criminology, lalo na sa aming guro na si Ginang Pilipina Cagurangan

sa Asignaturang Filipino-2 ( Pananaliksik sa Kounikasyon) sa walang sawang pagtuturo

sa amin at siyang naging daan para sa aming kinabukasan.


PAGKILALA

Nagpapasalamat kami lalo na sa Panginoon na patuloy na nagbibigay sa amin ng

lakas at kahusayan upang magampanan ang aming responsibilidad bilang isang

estudyante.

Buong puso't kaluluwa rin naming ibinabahagi ang proyektong ito lalo na sa mga

mahal namin sa buhay. Sa aming magulang na walang sawang nagpapayo, gumagabay at

patuloy na sumusuporta sa aming pag-aaral . Sa pagbibigay ng pinansyal sa amin sa pang

araw-araw at pagbibigay ng payo sa bawat araw na kami’y tatahak patungo sa paaralan.

Ang gawain naming ito ay ibinabahagi din namin sa lahat ng aming mga guro sa

departamento ng Criminology lalo na sa aming guro ng Filipino-2 (Pananaliksik sa

komunikasyon) na si Ginang Pilipina B. Cagurangan, sa patuloy na pagtuturo sa amin,

pagbabahagi ng kaniyang kaalaman at karanasan sa aming mga estudyante.

Sa aming mga kaibigan at kasintahan na patuloy na sumusuporta, tumutulong sa

amin at nagpapatibay ng aming loob. Sa pagtulong at pagbigay ng kanilang ideya upang

matapos ang aming mga gawain.


TALAAN NG NILALAMAN

Pamagat
Dedikasyon
Pagkilala
KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Panimula
Layunin ng pag-aaral
Saklaw at Delimitasyon
Metodolohiya
Disenyo
Mga Respondent
Instrumento
Interpretasyon ng mga Datos
KABANATA II: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
KABANATA III:
Paradima
Konklusyon
Rekomendasyon
Listahan ng mga sanggunian
Apendiks
Liham
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Sa panahon ngayon, maikukumpara natin na ang pag-aaral ngayon ay malayo na

sa kinagisnan ng mga mag aaral noon. Marami na ang nagbago lalo na sa pag-aaral ng

mga estudyante. Isa na dito ang pagtaas ng mga kaso tungkol sa pagliban sa klase ng mga

mag-aaral. Nagiging problema ito sa paaralan dahil ang mga estudyante ay timatamad

pumasok at ayaw nilang nakikisalamuha sa ibang estudyante sa paaralan. Ang iba naman

ay hindi nila pinapasukan ang kanilang ibang asignatura dahil sa ayaw nila ang nagtuturo

o tinatamad lang pumasok. Dahil dito, bumabagsak ang kanilang mga grado at ang

nagiging bunga nito ay tuluyan ng hindi sila pumasok at nagtatambay na lamang sa kanto

kanto. kaya ang ibang kabataan ay hindi na nakakapag aral dahil wala na silang

kumpyansa sa sarili na makapag tapos ng pag aaral.

Ayon kay pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa

ng bayan.” Ngunit, paano magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan kung sila mismo

ay napupunta sa mga maling landas at mas pinipili pa ang kanilang kagustuhan kaysa sa

kanilang magandang kinabukasan.

Isama narin ang may problema sa paaralan o tahanan. O di kaya naman ay

naaakit sa mga masasamang bisyo, pag lalaro ng online games, nahuhumaling na maglaro

ng outdoor games, at ang iba naman ay pinipili nalang na maghanap buhay kesa mag aral
dahil sa kakulangang pinansyal.

Kinakailangang maipakita ang mga epekto ng pagliban sa klase upang makagawa

ng iba’t ibang solusyon at nang matuldukan na ang problema tungkol dito.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang Layunin ng papel na ito upang malaman ang epekto ng pagliban sa klase ng mga

estudyanteng nasa unang baitang sa BSCRIMINOLOGY Quirino State University

CABARROGUIS CAMPUS.

Upang masagot ito pinagsikapang sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano- ano ang mga nakakubling dahilan bakit laging lumiliban sa klase ang

mga estudyante ng BSCriminology-1?

2. Ano-ano ang nga magiging epekto kung laging lumiliban ang mga estudyante

sa klase?

3. Paano mabibigyan ng solusyon ang problemang ito para matigil na ang laging

pagliban sa klase ng mga estudyante ng Bscriminology-1?

SAKLAW AT DELIMITASYON

Sakop lamang ng pag-aaral na ito ang pangkalahatang pananaw ng dalawampung

estudyante na nasa unang baitang ng BSCriminology.


METODOLOHIYA

Risertser Lokal:

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa mga estudyanteng nasa unang baitang ng

BScriminology Quirino State University, Cabarroguis Campus.

Ito ay isang pag-aaral na isinagawa ng Bscriminology. Sa pamamagitan ng

pagbibigay alam o liham at paghingi kanilang konting oras sa mga mag-aaral ng nasabing

departamento ay pinasagot ang sarbey-kwestyoner na akma sa pinupunto ng nasabing

pamanahunang papel. Ayon na rin sa pagkilatis ng guro ng nasabing aralin.

DISENYO

Ang paraan ng pangangalap ng mga datos na ginamit sa pag-aaral na ito ay

qualitave na disenyo sa pamaraang deskriptibong analitik.


MGA RESPONDENT

Mga mag-aaral na kahit anoong kasarian na nasa unang baitang ng

BSCriminology ng QUIRINO STATE UNIVERSITY CABARROGUIS CAMPUS. Sa

pagpili ng mga respondante binigyan konsiderasyon ang pagiging magka-ibigan ng mga

respondante at mananaliksik. Sa kondisyong iyon, mas naging madali ang paghingi ng

kanilang konting oras upang sagutin ang mga sarbey-kwestyoner ng buong katapatan.

INSTRUMENTO

Ang instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos ay sarbey-kwestyoner.

INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ginawan ng tabyular na presentasyon ang mga nakalap na datos na sinundan ng tekstwal

na analisis at interpretasyon. Bilang istatistikal na instrumento, ginamit ang frequency

count na may formula na.

P=Dalas ng Bilang/Nx100
KABANATA II:

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


TALATANUNGAN

I. Sagutin ng tapat ang mga sumusunod na tanong tungkol sa pagliban sa klase ng mga
estudyante sa BSCriminology-1A.
1. propayl ng mga respondante
Pangalan(opsyunal): __________________________
Taon: ______
Kasarian: ______
2. Ikaw ba ay lumiban na sa klase? Bakit?
_____________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, makatutulong ba sa iyong buhay ang pagliban mo sa klase? Bakit?
_____________________________________________________________________
4. Alam mo ba ang mga magiging bunga ng madalas na pagliban sa klase?
_____________________________________________________________________
5. Sa tuwing ikaw ay lumiliban, nagagawan mo ba ng paraan para maka habol ka sa pinag
aaralan o hinahayaan mo nalang ito?
_____________________________________________________________________

II. Ang mga sumusunod ay iba’t ibang dahilan ng pagliban sa klase. Lagyan ng tsek (√)
kung ito ay iyong naging dahilan sa pagliban sa klase. Kung mayroon pang ibang mga
dahilan na gustong idagdag, isulat ito sa patlang na nakalaan.

1 hindi sumasang ayon 3 sumasang ayon


2 Hindi gaanong sumasang ayon 4 higit na sumasang ayon

Personal na dahilan 1 2 3 4
1. Walang gana mag-aral
2. May sakit
3. Bisyo (maninigarilyo,mag susugal)
4. Walang baon

Kaligiran na dahilan
1. Ayaw ang gurong nag tuturo
2. Hindi natutuwa sa asignatura
3. Gumagawa ng project (rush)
4. Inaantok sa klase

LIHAM

QUIRINO STATE UNIVERSITY


CABARROGUIS CAMPUS
BSCRIMINOLOGY-1

May 24 2019

Mahal na respondante:

Magandang araw po!

Kami po ay mga estudyante ng Bscriminology na kumukuha ng Filipino 2 (pananaliksik


sa kounikasyon). Bilang pam pinal na pangangailangan, gumawa po kami ng
pamanahong papel na pinamagatang “EPEKTO NG PAGLIBAN SA KLASE” sa mga
mag-aaral na nasa unang baiting sa BSCriminology. Layunin po ng aming papel na
malaman ang epekto ng pagliban sa klase sa kanilang pag-aaral, kung ano ang dahilan ng
pagliban sa klase at kung ano ang magiging solusyon sa problemang ito.

Kaugnay po nito, hinihiling po naming na inyo pong sagutan ang talatanungan kalakip ng
liham na ito. Tatanawin po naming utang na loob ang inyong pakikilahok sa proyektong
ito. Ipinapangako po naming maging konpidensyal ang imporasyong inyong ibinahagi
ukol rito.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Eduardo Laroya Jr
Edgar Piojo
Jerick Ressurecion

Binibigyang pansin ni:

Gng; Gilipina Cagurangan


Guro Filipino 2

You might also like