You are on page 1of 3

Alamat Ng Pinya

Si Aling Rosa ay isang balo. Siya ay may sammpung taong gulang na anak na babae, si
Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang anak. Nais niyang lumaking bihasa
sa gawaing bahay ang anak. Tinuturuan niya si Pinang sa mga gawaing-bahay.
Dahil sa nag-iisang anak, ayaw gumawa si Pinang lagi niyang ikinakatwiran na alam na
niyang gawin ang anumang itinuturo ng kanyang ina. Pinabayaan lang siya ng kanyang
ina.
Isang araw ay nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa sa bahay.
Napilitan si Pinang na gumawa ng gawaing-bahay. Inutusan siya ng ina niya na magluto
siya ng lugaw. Kumuha si Pinang ng ilang dakot na bigas, inilagay sa palayok at
hinaluan ng tubig. Isinalang niya ito sa ibabaw ng apoy. Iniwan niya ang niluluto at
naglaro na. Dahil sa kapabayaan, ang ilalim ng bahagi ng lugaw ay namuo at dumikit sa
palayok. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa. Kahit papaano nga naman ay
napagsilbihan siya ni Pinang.
Nanatili sa higaan ang matandang babae gn ilang araw pa. Si Pinang ang napilitang
gumawa ng mga gawaing-bahay. Isang araw, sa paghahanda ng pagluluto, hindi makita
ni Pinang ang sandok. Lumapit siya sa ina at nagtanong. Nasuya na ang ina sa
katatanong ni Pinang. "Naku, Pinang sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang
lahat ng bagay ay makita mo at hindi ka tanong nang tanong!"
Dahil galit ang ina, hindi na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok.
Kinagabihan, nabahala si Aling Rosa nang hindi pa bumalik ang anak. Nagpilit siyang
bumangong upang kumain. Tinawag niya ang anak nguni't walang lumalapit sa kanya.
Isang umaga, nagwawalis ng bakurang si Aling Rosa nang may makita siyang isang uri
ng halaman na tumubo sa silong ng kanilang bahay. Hindi niya alam kung anong uri ng
halaman iyon. Binunot niya at itinanim sa kanyang halamanan. Lumaki ang naturang
halaman at di nagtagal ay namunga ito. Nagulat si Aling Rosa sa anyo ng bunga. Ito ay
hugis ulo ng tao na napapalibutan ng mata.
Biglang naalala ni Aling Rosa ang huling sinabi niya sa nawawalang anak na magkaroon
sana siya ng maraming mata upang makita ang kanyang hinanap. Tahimik na nanangis
si Aling Rosa. Noon niya napagtanto na tumalab kay Pinang ang kanyang sinabi.
Gayunpaman, inalagaang mabuti ni Aling Rosa ang halaman at tinawag niya itong
Pinang bilang pag-alaala sa kanyang anak. Nang maglaon ang bunga ito ay tinawag na
"Pinya."
Alamat Ng Aso

Kinaiinggitan ang mabuting samahan ng magkaibigang Masong at Lito. Maliliit pang


mga bata ay lagi na silang magkasama. Lagi nilang inaalala ang isa't isa. Lagi rin silang
magkasama sa bawat lakaran.
Nanatili ang magandang samahan ng dalawa kahit nang magbi-natilyo na sila. Naging
bahagi na ng buhay nila ang pag tutulungan. Mula sa paggawa sa bukid hanggang sa
pangangahoy sa gubat ay lagi silang magkasama.
Hindi inasahan ninuman ang pagkakaroon ng malubhang sakit ni Masong. Humantong
iyon sa kamatayan ng binatilyo. Labis na nagluksa si Lito. Hindi niya matanggap na
wala na ang kaibigan. Araw-araw niyang dinadalaw ang puntod nito at nililinis. Madalas
ay kinakausap rin niya ito na parang nasa tabi lang at nakikinig sa kanya.
Minsa ay sumama ang pakiramdam ni Lito. Kaunting lakad lang ay hilung-hilo na siya.
Pinigilan siya ng ina sa pagdalaw sa libingan ni Masong. Ilang araw siyang ganoon.
Sa buong panahon ng pagkakasakit ay may isang maliit na hayop na umuwi kina Lito.
Lagi iyong itinataboy ng ina ngunit balik nang balik sa tapat ng silid ng binatilyo na tila
nagbabantay sa kanya.
Nang mabawi ang lakas ay ang puntod ni Masong ang unang pinuntahan ni Lito. Doon
ay nakita niya ang hayop na araw-araw na itinataboy ng ina. Nakatayo iyon sa tapat ng
puntod at kawag nang kawag ang buntot.
Hindi na humiwalay ang hayop hanggang sa pag-uwi niya. Natu-tulog ito sa paanan niya
at pag-gising niya sa umaga ay sasalubungin siya ng kahol at kawag sa buntot nito. Dahil
sa hayop ay nalimot ni Lito ang lungkot ng pagkamatay ni Masong.
Pinangalanan niyang Masong ang hayop pero nang lumaon ay naging aso ang tawag
dito.
Ang Alamat ng Maya

Ibong Maya

Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa
niyang hindi dapat gawin ng batang katulad niya.

Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang
ina. Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang
salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas. Ang lalagyan ng
bigas ay malaki at may takip na bilao. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata
ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang
mautusan sa pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng
taguan, wala rin si Rita roon.

Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa
loob. Kumakain ng bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag
ngayong maya.

You might also like