You are on page 1of 2

Bridget Nicolette A.

Jose 11-STEM Orpilla

K-12: Ang Pagbabago sa Programmang pang Edukasyon sa Pilipinas

Matagumpay ba ang pagtataguyod ng K-12? Taong 2011 ng ipatupad ang


pagbabago sa programming pang Edukasyon ng Department of Education. Gamit
ang kanluraning bansa bilang modelo, ang bagong learning scheme na ito ay ang K
to 12 basic education program. Pilit tinatanggihan ng mga estudyante at mga
magulang ang programming ito dahil dagdag lamang ito sa gastos para sakanila,
para naman sa administrador ng mga paaralan napakalaki at napakalalim ng
kakailanganing reporma at pagsasaliksik upang matugunan ang programa.

Ayon sa pamunuan ng DepEd dumaan sa masusing pag-aaral ang


pagbabagong ito sa edukasyon sa Pilipinas. Ang K-12 ay nagbigay ng pagkakataon
para sa mga estudyante na mahasa sa mga iba’t ibang larangan ng espiyalisasyon
tulad nalang ng animation at iba pa. Ang pag-aaral sa kindergarten at 12 taon ng
basic education ay layong magbigay ng sapat na panahon upang mas matutunan at
mapaghusay ng mga mag-aaral ang mga konsepto at skills na kinakailangan para sa
tertiary education o kolehiyo at unibersidad, pati sa pagtatrabaho at
pagnenegosyo.

Taong 2019 ng mayroong isang artikulong nagsasabing tuluyan


nan gang tatanggalin ang K-12. Ngunit ayon sa DepEd ito ay kabilang sa Republic
act 10533 na hindi ito basta-bastang maiaalis. Sa kalaunan, ay nakikita na habang
tumatagal ay nakikita ang epekto sa mag-aaral, hindi lamang ito para sa ikauunlad
ng bansa ngunit para rin ito sa pag unlad ng kaisipan ng kabataan tungo sa
kaunlaran. Masasabing matagumpay ang K to 12 marahil marami itong naitulong
sa estudyante pagdating sa Sistema ng edukasyon

You might also like