You are on page 1of 7

GANTIMPALA kay pagong

Sa isang malayong kagubatan may roon nakatirang isang diwata


kilala sya ng bilang ang 'inang kalikasan' marami ang nagnanais na
makapasok sa kanyang palasyo at marami rin ang nais na makita siya.

Samantala isang masayang balita ang kumalat nang umagang iyon


“Napisa na raw ang mga itlog ni Pawikan!” ang sabi ni kuneho.
“Siguradong kyut ang kanyang mga anak!”
“Sigurado iyon.Maganda si Pawikan,eh!” pakli ni Pabo
Maganda at kyut ang mga anak ni Inang pawikan.

Isa si munting Pagong sa mga naging anak ni Inang Pawikan.Tulad ng mga


kapatid ay mabagal siyang kumilos pero matiyaga.
“Kailangang humanap kayo ng sariling pagkain.Ang ikabubuhay ninyo ay
sa pawis ninyo manggagaling” pangaral ni pawikan sa mga anak.
“Ang mga bahay lang ninyo ang ibibigay namin ng inyong ama.

Nang mga panahong iyon hindi pa sunong ng mga pagong ang kanilang
bahay.

Sa magkakapatid,si Munting pagong ang pinakamatiyaga.Hindi sya


tumitigil hanggang walang nakikitang pagkain.Tuwang tuwa si inang
pawikan sa anak.
“Inuwian ko po kayo ng pagkain,Ina” ang sabi ni munting pagong
“Naku,salamat,Anak!” ang wika ng ina.

Iba talaga si Munting pagong dahil maalalahanin din sya.

Maraming mga hayop ang natutuwa kay Munting Pagong.Siya ang


ginagawang halimbawa ng mga magulang sa kanilang mga anak.
“Mabagal nga si munting pagong pero matiyaga.
Natatapos niya ang anumang gawain.Hindi katulad mo,” sermon ni
Amang usa. “Wala kang ginawa kungdi pagmasdan ang maganda mong
sungay sa tubig”.

Kung natutuwa ang matatandang hayop,naiinis naman ang mga batang hayop
kay Munting Pagong.
“Ang liit-liit na ay ang kupad kupad pa!” asar na wika ng isang usa sa
kaibigan.
“Ano ba ang nakakatuwa sa kanya? Ang pangit din naman!”
“Kung mo ay gantihan natin.Masyado kasing mapapel ang Muting Pagong
na iyan!” sambit ng pangalawang usa.
Humanap sila ng mga kakampi.Natuklasan nila na marami palang mga
batang hayop ang naiis din kay Munting pagong.
“Lagi siya na lang ang bida”! Ang sabi ni Baboy Ramo.
“Tama ! Pero hindi naman niya nagagawa ang kaya nating gawin!” pakli ni
unggoy
“Kung gayon,bigyan natin siya ng dahilan para hindi matapos ang kanyang
mga gawain!Bigyan natin siya mg problema!” mungkahi ni usa.

Nag-isip sila.Isip.Isip.Nagulat ang lahat ng biglang napalundag si usa .


“Alam ko na!” sigaw niya.
“Nakawin natin ang bahay at dalhin sa malayo! Tingnan ko lang kungdi sya
mataranta sa paghanap”
“Oo nga .Mauubos ang oras niya sa paghahanap kaya hindi niya matatapos
ang kanyang mga gawain!” pakli ni kabayo

Tinokahan nila ang bawat isa.Araw-araw ay mag maghihintay sa pagtulog ni


Munting pagong.Kapag tulog na ito ay nanakawin ang kanyang
bahay.Dadalhin iyon sa malayo para matagalan sa Munting Pagong sa
paghahanap.Palibhasa ay pagod sa maghapong paggawa kaya mahimbing
ang tulog ni munting pagong.
Pagkagising ni pagong ay nagtaka siya kung bakit wala ang kanyang
bahay.Pagod na pagod na siya sa kakahanap nito,buti na lng at dumating si
ibon.
“Munting pagong wag kang mag alala tutulungan kitang hanapin ang
iyong bahay.” sabi ni ibon
At agad namang nahanap ni ibon ang bahay ni munting pagong.
“Maraming salamat kaibigang ibon” pasasalamat ni pagong
“Walang anuman iyon munting pagong” ang sabi ni ibon

Isang araw ay nagpatawag ng pulong si Inang Kalikasan. Pipili daw ito ng


mga batang hayop ng maaaring gantimpalaan at gagawing taga pangasiwa sa
buong kagubatan, ngunit ang sinumang mahuhuli ay hindi na makakapasok
sa tarangkahan ng palasyo ng inang kalikasan.

Nakaisip ng kapilyuhan si Usa at ang kakampi niyang mga hayop.


“Ito na ang tamang pagkakataon para lubos tayong makaganti kay Munting
Pagong,” ani Usa.
“Itatago nating mabuti ang bahay niya para hindi siya makadalo sa
pagtitipon at hindi na siya makapasok sa palasyo.Tiyak na kagagalitan siya ni
Inang kalikasan”
“Magandang ideya!” sambit ng lahat

Maagang umalis si Pagong nang umagang iyon.Kinabukasan ang gagawing


pagtitipon ni inang kalikasan.Kailangang matapos niya ang mga gawain dahil
isang araw siyang hindi magtatrabaho kinabukasan.Pagod na Pagod na si
munting pagong pero hindi siya tumigil.Nang umuwi siya ng gabing iyon ay
hindi na siya nakakain ng hapunan.Nakatulog agad siya sa matinding pagod.
Sinamantala nina Usa ang kahimbingan ni Munting Pagong.Agad nilang
kinuha ang bahay ni Pagong.Tinulungan siya ng ibang hayop para itago ang
bahay.
“Ayos na! Mabuti ang pagkakatago! Tiyak na hindi agad makikita!” saad ni
kuneho.
“Parang nakikita ko na ang itsura ni munting pagong bukas!” at tumawa si
usa.

Wala si Ibon dahil maaga itong tumungo sa pagtitipon.Walang tumulong kay


munting pagong para hanapin ang bahay niya. Hindi sya makapunta sa
pagtitipon dahil baka tanungin siya ni inang kalikasan ay wala siyang
maisagot.Ibig nang maiyak ni munting pagong.Makalipas ang ilan pang oras
ay nakita ni munting pagong ang kanyang bahay.Minabuti niyang dalhin na
iyon sa lugar ng pagtitipon.

Hingal na hingal na si munting pagong sa pagmamadali.halos hindia nya


mailakad ang mga paa.Mabigat ang kanyang bahay pero hindi naman niya
basta maiwan.Ang nangyari ay tapos na ang pagtitipon nang dumating siya,
wala ring ginantimpalaan sa mga batang hayop at wala ring napiling
tagapangasiwa sa buong kagubatan.Nalungkot siya, Nanghinayang siya sa
pagkakataon na makapasok sa palasyo ng inang kalikasan.Dapat sana ay
nakita at nakausap niya si inang kalikasan.Nagulat pa siya nang may
magsalita mula sa likuran. “Bakit ngayon ka lang?” tanong ni inang kalikasan
“Paumanhin po inang kalikasan!” nahihiyang sabi ni Pagong.
“Hindi po ako umabot sa pulong.Hinanap ko pa kasi ang bahay ko”
“Bakit? Nasaan ba ang bahay mo?” tanong ng diwata
“Biniro po kasi ako ng mga kaibigan kong hayop.Itinago nila,” sabi ni
munting pagong.
“Pero wala naman po silang hangaring masama.Nagbibiro lang talaga.”

Walang maaaring ilihim kay Inang Kalikasan.Alam nito ang lahat ng


nangyayari sa mga kabundukan,karagatan, at kagubatan.Humanga siya kay
pagong sa halip kasing isumbong ang mga nanloloko sakanya ay pinagtakpan
pa.
“Mula ngayon ay wala ng maaring magbiro sa iyo gagantimpalaan kita at
ikaw na rin ang aking gagawing taga pangasiwa sa buong kagubatan at
maging pinuno nila sa mga darating na panahon” wika ng inang kalikasan
Nagulat si pagong nang maramdaman ang pagbabago sa katawan.Dumikit
sa katawan niya ang bahay.
“Kahit saan ka magpunta ay susunungin mo ang iyong bahay.Mula ngayon
ay walang maaaring magnakaw niyan sayo.Bibigyan din kita ng kakayahang
lumangoy para maaari kang mabuhay sa tubig at sa lupa bilang regalo sa
iyong kabutihan”

Pinarusahan naman ni inang kalikasan ang mga hayop na nagkaisa laban


kay munting pagong lalo na si usa.Hinayaan niyang hantingin ito ng mga
mangangaso.

Samantalang si pagong ay nagsilbing magandang halimbawa sa lahat ng


mga hayop sa buong kagubatan na hindi masusukat sa laki o lakas ang
kakayahan ng isang hayop para mangasiwa at maging pinuno kundi sa
kabutihan ng puso na handang magmahal at pusong handang tumulong sa
kapwa.
Bascaran High School
Bascaran Daraga Albay

PABULA

SUBMITTED BY:
group:_3_
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________ SUBMITTED TO:
________________
________________ Mrs.Rosemarie Esporlas
________________

You might also like