You are on page 1of 2

Panimula

Ang pamilya ay isang bahagi sa buhay ng tao na hinding hindi


mababago sa mundo. Ang ating ama, ina at mga kapatid ay hindi
mapapalitan ng kung sinuman. Malaki ang impluwensya ng pamilya sa
paglaki at paghubog ng pagkatao ng isang tao. Ito man ang itinuturing na
pinakamaliit na unit ng ating komunidad, sila ang may pinakamalaking
ambag sa pagkatao ng sinuman. Sila rin ang unang nagpaparamdam ng
pagmamahal, pag-aaruga at seguridad sa bawat miyembro ng tahanan.
Madalas na kahulugan ng pamilya ay grupo ng tao na binubuo ng ama, ina
at mga anak na pinagbubuklod ng pagmamahal. Sa paglipas ng maraming
panahon, marami ring pagbabago ang nagaganap sa bawat pamilya sa
mundo. Maraming nagkakawatak-watak kaya’t patuloy rin ang pagdami ng
pamilyang binubuo na lamang ng iisang magulang at mga anak.

Ang single parenting ay ang pagtaguyod sa pamilya kahit wala o


iniwan na ito ng kabiyak. Ang pagiging single parent ay hindi biro at
humaharap sa maraming pagsubok. Kasama na sa mga suliraning ito ang
emosyonal, pisikal at sosyal na aspeto. Bagamat mahirap ang pagiging isang
single parent, may mga mangilan-ngilan din naming nakakaya ang ganitong
sitwasyon. Mayroon din naman itong mabubuting epekto at dulot sa mag-
anak. Ilan na rito ang pagkakaroon ng matibay na ugnayan sa pagitan ng
magulang at anak sa pamamagitan ng pagtulong at pagbabahagi ng trabaho
at responsibilidad sa tahanan, mas nalalaman ng anak ang kahalagahan ng
pamilya at mas naiiwasan din ang pagtatalo o pag-aaway sa pagitan ng anak
at magulang.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay impormasyon sa epekto


ng single parenting. Una sa lahat, ang mga mababasa ay mabibigyan ng
mahahalagang kaalaman at impormasyon tungkol sa single parenting tulad
ng mga epekto nito sa emosyonal, mental at sosyal na pamuumuhay ng
isang bata. Mabibigyan din ng linaw ang mga posibleng isyu ng pagiging
isang single parent. Kalaunan, mapagtatanto ng mga mambabasa ang tunay
na sitwasyon ng mga ganitong uri ng pamilya at maari nila itong gamiting
gabay sa kanilang magiging bunay sa hinaharap.
Mga Katanungan

1. Ano ang epekto ng single parenting sa isang mag-aaral?


2.

You might also like