You are on page 1of 2

3 sekyu, arestado dahil nagnakaw daw

ng relief goods sa evacuation center

Arestado ang tatlong guwardiya matapos silang mahuling nagnanakaw ng relief goods sa
isang evacuation center sa Barangay Sta. Rita, Batangas City nitong Martes ng umaga.

Kinilala ng Batangas City Police Station ang mga suspek na sina Junel Roda Romano,
21; Johnson Rey Rolio Manimtim, 29; at Junito Pacatang Mañaba, 32.

Naganap ang insidente sa Batangas Provincial Sports Complex bandang alas-sais ng


umaga, ayon sa mga awtoridad.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng mga pulis, ninakaw ng mga suspek ang 127 na
instant noodles (P1,905), 74 na lata ng sardinas (P1,628), 19 na cup noodles (P475), 12
na plastik na naglalaman ng bigas (P1,320), at 15 piraso ng damit (P1,500).

Lahat ito ay nagkakahalaga ng P6,828, sabi ng pulisya.

Ayon sa mga awtoridad, mahaharap ang mga suspek sa kasong qualified theft. —NB,
GMA News
Libreng palaba at paligo, handog ng
Unang Hirit sa Taal evacuees

Nabigyan ng pagkakataong makapaglaba at makaligo ang maraming evacuee sa Laurel,


Batangas sa tulong ng Unang Hirit.

Ginanap ang libreng palaba at paligo sa Splendido Taal Country Club kung saan
pansamantalang nanunuluyan ang may 150 pamilya.

Sa pamamagitan ng Unang Hirit, nakagamit ang mga evacuee ng washing machine at


dryer para labhan ang kanilang mga damit.

Libre rin ang paligo sa loob ng ilang portalets kung saan may mga shampoo at sabon.

Ikinatuwa ng mga evacuee ang libreng palaba at paligo. —KBK, GMA News

You might also like