You are on page 1of 1

KABANATA 18 - BAKASYON NI RIZAL SA

BIARRITZ
A. Mga Ginawa ni Rizal sa Biarritz
1. Sa pag-alis ni Rizal sa Madrid ay nagtungo si rizal sa Biarritz at nagbakasyon sa bahay ni Senor Eduardo
Bousted sa Villa Eliada.
2. Naging malapit si Rizal sa mga anak na dalaga ni Senor Bousted na sina Adelina at Nellie.
3. Ang Bearritz ay isang magandang bakasyunan at nakita rito ni Rizal ang mga turista mula sa
iba't ibang panig ng mundo. Ang kagandahan ng pook ang nagpalimot kay rizal sa kanyang mga
kasawian sa Madrid.
4. Nagkaroon ng namuong pag-ibig sa pagitan nina Rizal at Nellie Bousted. Naakit si Rizal kay Nellie sa
dahilan sa katalinuhan, mahinahon, at mataas na moral ng dalaga. Ipinagtapat ni Rizal sa kanyang mga
kaibigan na nagkaroon siya ng pagnanais na pakasalan si Nellie Bousted.
5. Tinukso na siya ni Marcelo H. del Pilar na palitan ang pamagat ng kanyang nobela na Noli ng Neli. Si
Antonio Luna na minsan ay kanyang naging karibal kay Nellie ay hinikayat si Rizal na pakasalan na si
Nellie.
6. Natapos ang pag-iibigang Rizal at Nellie dahilan sa hindi nahikayat si Rizal na magpakasal sa dalaga
dahilan sa mga sumusunod:
a. Ayaw ni rizal maging Protestante
b. Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal na maging
manugang dahilan si Rizal ay mahirap na "doktor na walang pasyente, manunulat na walang pera" at
isang repormista na inuusig ng mga prayle at opisyal ng pamahalaan sa sariling bayan.
1. Naghiwalay sina Rizal at Nellie bilang mabuting magkaibigan.
2. Tinapos ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo ilang araw bago siya umalis sa Biarritz patungo ng
Paris.
3. Sa Paris ay kanyang sinulatan si Jose Basa at sinabing nagnanais siyang manirahan sa Hongkong at dito
nagtrabaho bilang doktor.
4. Nagbalik si Rizal sa Brussels at muli niyang binisita ang mga Jacoby lalo na si Petite Sussane Jacoby.
5. Nagpahinga si Rizal sa mga gawain ng Kilusang Propaganda upang maharap niya ang pagpapalimbag
ng kanyang ikalawang nobela - El Fililbusterismo . Mula sa Brussels ay kanyang ipinaalam sa Kilusang
Propaganda na itigil na ang pagpapadala ng kanyang sustentong P 50 bawat buwan.
6. Tinigilan na rin ni Rizal ang pagpapadala ng mga artikulo sa pahayagang La Solidaridad sa kabila ng
pakiusap ng kanyang mga kaibigan . Napansin din ni Marcelo H. del Pilar ang panlalamig ng kilusang
propaganda sa pananahimik ni Rizal at dahilan dito ay napilitang sumulat si del Pilar na nakikiusap kay
Rizal na muling magsulat sa pahayagan.

You might also like