You are on page 1of 2

LEARNING PLAN IN ARALING PANLIPUNAN 10

Unit 1 – Kahalagahan ng Pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu/Mga Suliraning


Pangkapaligiran
Time Frame: 1 week

Content Standard/Pamantayang Nilalaman: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at


implekasyon ng mga lokal at pandaigdigang isyung pang-ekonomiya tungo sa pagkamit ng pambansang
kaunlaran.

Performance Standard/Pamantayang sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng


mga halimbawa ng Kontemporaryong isyu at nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa
Kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig.

Formation Standard/Pamantayan sa Pagkatuto: Ang mga mag aaral ay makatutulong sa komunidad sa


pagtugon sa hamong pang ekonomiya. (Stewardship) at mahihikayat nila ang komunidad na mapa unlad
ang kanilang pamumuha. (Empowerment)

Week 1

Layunin:

1. Naipaliliwanag ang konsepto ng kontemporaryong isyu; at (AP10IPE-Ia-1) (Day1)


2. Nasusuri ang kahalagahan ng pagiging mulat sa kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig.
(AP10IPE-Ia-2)

Kagamitan sa Pagtuturo:
Laptop, PowerPoint Presentation, Manila Paper, Pentelpen

Day 1. Kahulugan ng Kontemporaryong Isyu

Procedure:

1. Papangkatin ang klase sa dalawa at bibigyan ang bawat isa ng isang at pentelpen at isang manila
paper para sa kanilang pangkatang gawain.
2. Ano ang pinapaksa ng litrato na nasa harap kung ano sa tingin ng mga mag-aaral ibig sabibhin at
pinupunto nito ang gamit ang manila paper at pentelpen sa loob ng limang minuto.
3. Pagkatapos magkakaroon ng maikling presentasyon pipili ang grupo ng isang representante para
mareport ang natapos nila.
4. Base sa presentasyon ng mga mag-aaral ipaliliwang ng guro ang paksa Kontemporaryong Isyu
5. Kahulugan ng Kontemporaryong Isyu
6. Mga katangian ng kontemporaryong isyu
7. Mga sangugunian tungkol sa mga kontemporaryong isyu .

Gabay na tanong: ano ang pagkakaintindi niyo sa kontemporaryong isyu? Ipaliwanag.


Day 2. Mga Halimbawa ng Kontemporaryong Isyu

Procedure:

1. Magpapakita ang guro ng iba’t ibang larawan.


2. Bibigyan ng isang minuto ang bawat mag-aaral upang sagutin ang naipakitang larawan.
3. Pagkatapos ng lahat ng presentasyon ay magtatanong ang guro ng mga pamprosesong tanong sa
gawain.

Gabay na tanong: Base sa mga napag-aralan, anu ano ang mga halimbawa ng kontemporaryong isyu?

Day 3. Pagtingin at Pagpapahalaga sa Kontemporaryong Isyu

Procedure:

1. Manonood ang mga mag-aaral ng video presentation patungkol sa kontemporaryong isyu.


2. Pagkatapos ng video presentation ay magtatanong ang guro ng mga pamprosesong tanong sa
gawain.

Gabay na tanong: Ano ang masasabi niyo sa napanood na video? Ano ang nakita mong kahalagahan nito
sa ating lipunan/kapaligiran?

Day 4. Kahalagahan ng Kamalayan sa Kontemporaryong Isyu

Procedure:

1. Magbabalik-aral ang guro sa mga natalakay na aralin.


2. Pipili ang guro ng mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang natutunan sa nakaraang aralin.
3. Pagkatapos ng lahat ng talakayan ay magbibigay ang guro ng pamprosesong tanong para sa
Reflection Paper.

Gabay na tanong: Reflection Paper: Bakit mahalaga ang pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu?
Magbigay ng mga pamamaraan upang mapaunlad ang kamalayan sa mga nangyayari sa paligid.

Inihanda nina:

Myla De Guzman
Neil Patrick Flores
Pamela Urmatan
Diana Marie Dime

You might also like