You are on page 1of 1

Kay sarap pag masdan ang kapaligiran

Mga parol at makukulay na ilaw sa bawat daan

Kay sarap pakinggan ang mga kanta

Masasayang tugtugan ang nangingibabaw

Ito na ang panahon na inaabangan ng lahat

Ang pinakamasayang araw sa taon,

Ang pasko.

Ang buong pamilya'y nagkakasiyahan

Lahat ay nagaawitan at nagsasayawan

Mga bata'y nagtatakbuhan at nagkakatuwaan

Mga regalo't aguinaldo ay binubuksan

Subalit, huwag nating kalimutan ang tunay na kahulugan ng Pasko

Ang kaarawan ng ating Panginoong Hesu Kristo

Siya ang tunay na diwa ng kapaskuhan

Siya ang tunay na dahilan ng kapaskuhan

Habang tayo ay nagdidiriwang ngayong Pasko,

Huwag nating kalimutang magpasalamat sa ating Panginoong Hesu Kristo.

‐-------------------

Ano nga ba ang tunay na diwa ng pasko?

Nasa masasarap bang mga inihandang pagkain?


O baka naman nasa mga regalong ibinigay sa atin?
O kaya sa pagdating ng ating Hesu Kristo?

Maging anumang pinaniniwalaan natin sa ating pagdiwang ng Pasko


Hinding hindi mawawala sa atin ang diwa ng pagmamahalan
Kasama man ang pamilya o mga kaibigan, o kahit mag-isa man
Pare-parehong mararanasan ang karamdaman ng tunay na diwa ng Pasko.

You might also like